Chapter 15 - I Smell Something Fishy

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uhhhgggg! Satanas ka talaga!" Gigil na gigil na wika ni Loisa sabay pinaghahampas 'yong lalaki ng bag nya..

"Josh, pinagtitripan mo na naman yang kapatid ko." Si Fourth.

"Sorry Fourthy." Ngising sagot naman nung Josh. And we heard a laugh.

"Easy Loisa!"

It was Manolo na nasa likuran ko pala. Si Loisa naman nun eh namutla bigla.

"Bro pahits kami ni Josh ah!"

"Heeeyaa Mariskiee!" Manolo greeted me sabay niyakap ako ng pagkahigpit higpit na halos hindi ako makahinga.

Lord Jesus. Wala pang nakakayakap sa akin ng ganito.

"How are you and Inigo?" Tila nang-aasar pa na wika sa akin.

"There was never an us." Sagot ko naman. Maka issue naman to.

"Oi, anong you and Inigo." Tila natauhan ng sabat ni Loisa.

"Loiskieee! Miss u much!" Manolo said at si Loisa naman 'yong niyakap ng mahigpit.

Gusto ko tuloy matawa. Epic 'yong reaksyon ni Loisa eh. Si Josh naman nun ng tingnan ko eh nakatitig dun sa dalawa.

Hmmm. I smell something fishy here. I smiled to myself.

"Kayo ba eh sasakay dyan o pag-aantayin nio ako?" Agaw pansin ni Fourth sa amin.

"Sorry bro. Ito na. Lezz go guys!" Joshua said in a funny way na ikinatawa ko. Si Loisa naman eh pinaikot lang yong mata.

"Manolo, dito ka sa front. Wag nyo ako pagmukhaing driver."

"No problem bro!" Manolo shouted saka binuksan ung pintuan ng front seat pero bago pa man din yon eh inantay muna nyang makapasok kami lahat.

Gentleman din to.

"Maris ayoko makatabi yang hayop na yan please lang." Loisa pleaded.

"Ouch." Natawang saad na lang ni Josh. So ang nangyari eh ako 'yong katabi ni Josh.

"cute mo Maris." Wika nung Josh na di ko alam kung nang-iinis. Tska naalala nya pa ako?

"Ikaw acute." Loisa answered in behalf of me. Manolo and Fourth chuckled.

"Baka magkatuluyan kayo nyan ah." Manolo teased na ikinasimangot ni Loisa.

"That's not going to happen!  Malakas pa kumain yan sa akin eh." Nagdiri-diriang wika ni Josh.

"Hayop ka talaga!" Loisa reacted in a brutal way dahil pinaghahampas nya na naman nya si Josh.

It's like nasa gitna ako sa dalawang nag-uumpugang bato.

"Aray. Aray." Daing ko dahil pati ako nahahampas na ni Loisa.

"Loisa awat na!" I almost cried.

"That's enough guys." Seryosong saad ni Fourth ng makitang nasasaktan na ako ng dalawa.

Mas concern sya sa akin. Sa kapatid nya hindi? o sanay lang talaga si Fourth na nagbabangayan at parang aso at pusa ang dalawa?

Medyo naguguluhan nga ako eh. Fourth and Josh are friends pero pinagpalit ni Jane si Fourth for Josh di ba?

Gulo.

Matanong na nga lang si Loisa mamaya.

***
"Bro slow down." Sabi ni Manolo at may tinitingnan sa unahan.

"Is that?--"

"Inigo?" Dugtong ko.

Si Inigo nga. His hands rested on his hips habang nakatitig sa gulong ng sasakyan nya. Nasiraan ata ng sasakyan. Problemadong problemado 'yong mukha eh.

"Problem bro?" Fourth asked nung tumigil sya dun sa tapat ni Inigo.

Narinig ko. Nasiraan nga daw sya.

Namalayan na lang namin eh bumukas 'yong pinto sa side ni Josh sabay sumakay si Inigo.

"Hi Inigo." Loisa greeted. Pati 'yong tatlo 'yon din ginawa. AKo lang yata hindi nagsalita. Wala din naman akong masabi.

"Mariskie, say Hi naman daw." Arangkada na naman ni Manolo. Mababato ko na to eh.

"Hi Inigo." Napilitan ko na ring sabi.

As usual. Walang response.

Bato talaga.

"Uyyy." Pakikiride naman ni Loisa na tinitigan ko ng masama. Nanahimik din naman.

Takot lang nyang mabuking kay Manolo.

"Oi, wala kaming alam jan ah." Josh and Fourth reacted.

"Alien ka kasi. Che!" Hirit na naman ni Loisa. Hanggang sa nawala na sa amin ang topic dahil balik bangayan na naman 'yong dalawa.

Maya-maya pa eh napagod din si Loisa dahil nakita ko na syang tulog sa tabi ko. Nakasandal pa 'yong ulo nya sa balikat ko. 

So I decided na matulog na rin.

Mahirap na.

Ako pagtripan nila.

***************************

MANOLOISA OR LOISHUA?

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon