Chapter 18 (Lukso ng dugo)

Magsimula sa umpisa
                                    

          "Lon kailangan pa bang pumatay ka pa ulit?"

          "Kailangan... hanggang sa makuha ko na ang hustisyang ipinagkait nila para kay Papa."

          Nakita ko ang dedikasyon sa kanyang mga mata. Tulad ng mga matang nasaksihan ko noon sa ospital kung saan nag-agaw buhay ang kanyang ama.

          Puno pa rin ito ng galit at poot.

          Hustisya lang ang tanging ninais niyang makamtam ngayon. Alam kong hindi siya titigil hangga't may humihinga pa sa mga may kagagawan nito.

          "Nakakatawa, di ba Lon?" Sambit ko sa kanya, mayroon lang akong na-realize noong mga oras na iyon.

          "Ang alin?"

          "Matagal na nating gusto na lumaya at ang buong akala ko matatakasan na natin ang buhay na 'to sa oras na makawala na tayo sa Konseho."

          "Tama ka... Wala ipinagbago. Dapat pala nakinig ako sa'yo noong una pa lang." Sagot niya.

          "Wala ng katapusan ang paggawa natin ng kasalanan. Patuloy pa rin tayong pumapatay."

          "Gusto kong maniwala na matatapos din ito Rai."

          "Kailan pa? Kapag hindi na tayo humihinga?" Bulalas ko sa kanya.

          "Alam kong may katapusan din ito. Makapagbagong buhay pa rin tayo. Yun naman talaga ang pinangarap natin 'di ba?" Titig na pagkakasambit niya.

          Pangarap? Natigilan ako.

          Napayuko ang aking ulo. Ano nga ba ang pangarap ko? Teka hindi ko na maalala. Sa tagal ko na sa kalakarang ito ay nakalimutan ko ng mangarap para sa sarili ko. Halos doon na lang umikot ang aking mundo sa pagsunod sa anumang i-utos s'kin ng Konseho

         Ang pumatay ng mga walang kalaban-laban. Ang gumawa ng paulit ulit na kasalanan.

         Ito ba ang pinangarap ko?

         Hindi ito... Hindi ito ang ginusto ko!

         "Sa sobrang tagal nakalimutan ko ng mangarap." Sagot ko sa kanya.

         Muli niya akong tinitigan habang pilit kong kinukuskos ang aking ulo,

         "Hindi mo yan mabubura ng ganyan. Subukan mo kaya na i-untog 'yang ulo mo sa pader." Nangingiting pang-aasar pa niya.

         "Sira ulo!" At isang ngiting pagganti ko sa kanya.

          Ngunit tama naman siya. Kailangan ko pa bang i-untog ang ulo ko upang matauhan na sa mga maling pinaggagawa kong 'to?

          "Hoy! Tulong naman mabigat!" Sigaw ni Francis habang binibitbit ang ilang lata ng beer.

          "May chitchirya na rito Francis." Sambit naman ni Lon sabay bato ng plastic bag sa centertable.

          "Teka! Mukhang problema na naman 'to. Hindi ako umiinom." Sabi ko.

          "Killjoy!" Halos mag-duet yung dalawa.

-----

( NARRATOR'S P.O.V. )

          ILANG araw matapos ang insidente.

          "Uhm... Hello!"

          "Yes, sino 'to?" Sagot ni Lea sa kabilang linya ng cellphone niya habang nagluluto naman ito ng agahan.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon