"Yung ano kasi...".

"Ayy nako! Kalimutan mo na nga yun!".sabi ko,gusto ko nalang ring kalimutan ang nangyari nang araw na iyon.

*ding dong*

"May tao ata sa labas Tristan..".sabi niya pero wala naman akong alam na may bibisita saakin.

"Sige ako na ang titingin". Wika ni Raquel,sino namang kayang bibisita saakin dito bukod sa kuya ko?

Makalabas na nga lang nang banyo.

Raquel POV

"Sandali lang nandiyan na!". Sigaw ko bago buksan ang pinto.

"Sorry,naliligo pa kasi si-- Hime..".napatingala ako sa matangkad na babaeng nasa harap ko ngayon,ang ganda niya talaga,kaya nga inlababo si Tristan sakanya e! Masakit mang isipin pero di parin talaga ako nakaka moveon sakanya,dina nakakapagtaka

"Hi! Raquel,right?".at isa pa friendly siya,kaya dina nakakapagtaka kaya maraming nagkakagusto sakany.

"Ah oo,sige pasok ka". Wika ko at tsaka siya pinag masdang pumasok sa loob.

Sexy√
Maganda√
Mala anghel√
Maputi√
Matangkad√

Wala talaga akong laban sakanya,unang tingin mo palang sakanya alam mo nang ang laki nang lamang niya saakin.

Siya maganda,e ako! Cute lang tapos pati height ko cute din!

Bakit ang unfair nang mundo?

Mahirap talaga pag magkaka-gusto ka na nga lang doon pa sa taong nakalimutan na yung feelings niya sayo.

"Anong gusto mo? Juice o kape?". Tanong ko sakanya na pirme nang naka-upo sa pink na sofa na dati ako lang ang umuupo,binili kasi ni Tristan yun para saakin dahil dati ako lang naman yung babaeng nagpupunta dito pero ngayon dalawa na kami.Wala lang,nakaka-selos lang.

Diko nga mapigilang isipin na may nangyari na sakanila,or im just overthinking.

"Ahmn,kahit tubig nalang siguro". Wika niya sabay ngiti,nakaka insecure! Kahit siguro pilit yung ngiti niya maganda parin siya..

Tsk! Blah..blah...blah..

Kahit naman siguro anong sabihin ko diko naman makukuha si Tristan.

Kung kaya ko mang makalimumot sana dati pa,kung may tao lang sanang darating sa buhay ko para kalimutan si tristan.

Pero sino namang tutulong saakin para mangyari lahat nang iyon,bukod kay tristan wala na akong iba pang nagustuhan.

Aish! Bahala na nga!

Diko namalayang nasa kusina na pala ako nang narinig Kong nag-uusap sila Hime at Tristan..

"Haha! Wala lang,naisipan ko lang na pumunta".

"Ah Ganun ba hahaha! Maganda narin ang ganun para sabay-sabay tayong papasok na tatlo!".

"Ay si raquel ba? Sige,gusto ko rin siyang maging kaibigan.".

"Sige mamaya,basta sayo bestfriend!".sabi ni tristan.

Argh! Di na pala ako updated ngayon,isang araw lang naman ako nawala.

BESTFRIEND ha?!

Hmnp! Nakakainis!

Ganun na ba ako katagal nawala para maging mag BESTFRIEND sila!

Wala na! Hindi kuna kaya! Ang hirap magpigil nang luha.

Yung boybestfriend ko kasi unti-unti nang inaagaw nang iba..

Maybe I was too ugly to be her ideal girl :<

At ngayon napapalapit na siya ay hime,anytime kaya niya akong kalimutan..

But i need to face the reality,ganito talaga ang buhay..minsan nasa itaas ka at minsan naman nasa baba.

So katulad nang dati..

Iyak,hilamos,punas nang mukha,ngiti!

Be confident,don't down your self..

May tao ring dadating para magtagal sa tabi ko

Hindi man ngayon pero soon..

"Hey raquel,baka gusto mong sumabay mag almusal".

Pagkalingon ko ay nakita ko si hime,kahit naka uniform lang siya ay maganda talaga siya

"Uhmn hindi na siguro".sagot ko at pinunasan ang basang mukha ko nang towel.

"Pero mas maganda naman diba kung sabay-sabay tayo? Kaya tara na".sabi niya at hinila ang isang kamay ko.

"Ayaw ko talaga e".sabi ko pero hinihila niya parin ang kamay ko,mukhang hindi siya marunong umintindi,tsk!

"Please..".

"Ayaw ko nga diba?!".pagalit na sabi ko at madaling hinugot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Dumating naman kaagad si tristan.

"Raquel? Anong nangyayari dito?".tanong ni tristan.

"I-im sorry,diko sinasadya".sagot ko at hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata ni tristan,baka magalit lang siya saakin,saktan ko ba naman yung babaeng gusto niya?

"Raquel naman e,gusto lang makipagkibigan ni hime sayo tapos--".

"Its okay tristan,siguro badmood lang siya,pwede namang next time nalang e".sagot ni hime.

Pero wala akong narinig na sagot ni tristan,patuloy lang akong nakayuko pero alam kong nandoon pa sila.

Mas nakaka-selos tuloy..

"Okay,raquel halika na,kakain na tayo".sabi ni tristan pero parang nagalit ata siya saakin kaya no choice ako kundi sumunod nalang..

---

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon