Akala ko naman pinupuri na niya ako sa suot ko iyon pala, pinapatola na ako. Nakakairita na talaga 'tong tandem na 'to, kung nandito lang si Marga baka hindi ako naaasar ng dalawang ito.

"Ito na serious na talaga ako, talikod ka."

"Seryoso na talaga ha!"

"Oo nga, talikod na!" Hinampas niya ang pwet ko kaya tumalikod na ako sa kaniya. Napasinghap ako sa gulat nang wala niyang hirap na inangat ang gown ko.

"Anong ginagawa mo?!" Halos sigawan ko na siya kaso may tao sa loob at nakakahiya naman kung kami ang maging center of attraction, baka akalain ng tao nasa comedy bar kami.

"Tine-testing ko kung pwede pang-quicky." Medyo natawa si Christie sa kalokohan ng kaibigan habang ako ay namumula sa hiya. Inabot ko ang kamay ni Trishia na nasa balakang ko na.

"Tigilan mo nga, nakakahiya ka!" Reklamo ko at umalis na sa harapan niya. Nagtaas siya ng kilay at hinampas na naman ang pwet ko.

"Nahihiya my ass! Ni hindi ka nga nahiya na nagpagayari ka kay Papa Migz!" Tinakpan ko ang bibig niya na lumalakas na, pinagtitinginan na kami ng ibang mga customer.

"Public ito 'te baka pwedeng paki-filter ng bibig?" Reklamo ko habang dinidiinan ang kamay ko sa bibig niya. Panay pa rin ang pagsasalita niya hanggang sa dinilaan niya ang palad ko.

"Ang baboy mong transformer ka!" Reklamo ko at pinunas sa dress niya ang palad ko.

"Aminin mo nga, diretsahang sagot. Anong size? Kasing laki at haba ng lapis? Mushroom? Saging na baliko?" May halong inis at pananabik sa tanong niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko na ikinasinghap niya.

"Oh my-- none of the above?!" Ngumiti lang at hindi sumagot, napahawak niya sa puso niya at kumapit kay Christie.

"Saluhin mo 'ko te, mahihimatay yata ako." Eksaherada niyang bulong at inis lang siyang hinawi ni Christie.

"Tumumba ka mag-isa mo, idadamay mo pa 'ko." Pagsusungit niya na ikina-irap lang nito pero maya-maya'y naging excited na naman siya.

"So..  Kung wala siya sa choices..." Lumapit sila ng bahagya sa akin at pinaningkitan ako ng mata. Kulang nalang ay i-corner ako sa isang tabi.

Paano ko ba sasabihin na higit pa si Sean sa mga pinagkumparahan niya?

"Uhm... Ano... Pipe ng manila water?" Nanlaki ang mata nilang dalawa at napasinghap sa gulat. Nagtinginan silang dalawa at sabay ba bumalik ang mata sa akin.

Napahawak sa lalamunan si Trishia habang si Christie naman ay napangisi na tila proud na proud.

"Oh well, nasa lahi na talaga ng pamilya namin ang pagiging blessed." Humalukipkip siya at pabirong hinawi ang imaginary long hair niya. Natahimik naman si Trishia habang sinisipat ang buong katawan ko.

"Kinaya mo 'te?" Hindi siya makapaniwala sa pagtango ko. Bigla nalang siyang impit na napatili at pinaghahampas ang braso ko.

"Bakla ka! I'm so proud of you, naturuan ka talaga ng maayos ni Cynthia!" Hindi sila matigil sa paghampas sa akin at paghila sa buhok ko.

"So may aasahan na ba after 9 months?" Si Christie naman ngayon ang nagtanong. Bigla akong natahimik at pasimpleng napahawak sa tiyan ko.

Inaalala ko yung flow ng period ko, wala naman nagbago at regular pa rin naman. Wala rin naman akong napapansin na kakaiba sa katawan ko kaya baka hindi pa siya ngayon.

"Parang... Wala pa, at tsaka lagi akong safe kapag ginagawa namin 'yon." Walang keme ko yun na sinabi dahilan para matawa si Trishia.

"Buti pa pinsan mo, alam kung kailan pwede dumilig ng wala munang aasahan na bunga. Eh ikaw? Kamusta yung--" Marahas na siniko ni Christie si Trishia na kanina pa tumatawa sa likod.

Cover Girl ng Baklang BruskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon