Unang Kabanata: It started over coffee and tea

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinabihan nalang ni Marco si Rafael na mag convoy nalang ito at sundan ang direksyon niya doon nalang sila mag-usap sa pupuntahan niya dahil nagkaproblema naman ito sa loob ng bangko. Naloko pa ni Rafael si Marco na " Bu-ang! (baliw) ka talaga Marco! Pag ikaw nakikita ko trouble lang inaabot ko sayo!" sumagot si Marco " Bu-ang na kung bu-ang! Balang araw ma miss mo rin ako pare!" tawa na sabi ni Marco at pumasok sa nakaparadang Everest at umalis na sinabayan naman ni Rafael.

        Tumigil sila sa isang 14th Story na building at bumaba si Marco sa kotse at pinag guide si Rafael habang nagpapark. Mga isang minuto pa si Rafael lumabas dahil nag-pabango pa ito at naglagay pa ng lip balm. Napaka balidoso ni Rafael sa pangangatawan di gaya ni Marco na dress to express not to impress lang. Sumipol kay Rafael si Marco at nag-senyas na bumaba na sa kotse. Lumabas si Rafael palabas at ginagalaw-galaw ang batok at nag stretch ng katawan. Tumutawa lang si Marco habang papalapit ito sa kanya at naaamoy niya ang perfume ni Rafael. "Babe na babe ang amoy natin ngayon Pare ah, nahihiya naman akong tumabi sayo kasi daig ko pa ang mga solvent boys at batang hamog pag kasama ka ah" biro ni Marco habang iniba ni Rafael ang usapan. "Pare bakit napadpad tayo dito! Don't tell this will be another trouble!? Ayoko na ng world war Z pare!" sabi ni Rafael na pabirong babalik sa kanyang sasakyan. "Wangbu! karanso natin ang mga tao dito,bumalik ka wangbu!" malakas na sigaw ni Marco.

        Hinatak pabalik ni Marco si Rafael at umikot ito sa likod ni Rafael habang minamasahe ang balikat nito habang tinutulak papasok ng isang sports gear store. Binuksan ng guard ang pintuan at pagpasok nila biglang nagsabi ang isang staffer na "Sir Marco kanina pa nang tawag Mommy mo, di mo raw sinasagot ang mobile mo,tumawag din sa itaas kung andun ka... Tawagan mo daw urgent sir!" napabuntong hininga si Marco at pumasok sa maliit na cubicle at may tagubilin na alalayan daw ang "Best friend" niya dahil tatawag lang nang landline sa bahay nila. Nilapitan si Rafael ng staffer at sinabihan "Ngayon ko lang narinig si Sir Marco na may tinatawag na bestfriend,halos wala ngang kaibigan yan Sir! Ang gwapo niyo po,bagay kayo,este bagay kayong mag-kaibigan ang tatangkad at ang gu-gwapo" natigil ang pag-salita ng madaldal na staffer at inakbayan ni Marco palabas na mukhang nakakain ng anti-fungal cream.

        "Anu nangyari sayo? Kanina jeprox na jeprox ka! ngayon para kang pinahabol sa skunk" wika ni Rafael " Bu-ang! okay lang ako,minor problem in the bank, Mom scolded me dahil may binastos daw akong dalawang babae! Okay na yun humingi na ng sorry ang Mom for them, Jiz! Buang talaga si Tita Mara (Bank Manager) kinuwento pa kay Mommy... That is what I hate in girls Pare,gagawan nila ng solusyon pero ang daming aftermath pagkatapos.. Daig pa ang aftershock ng lindol"

        Sinabi ni Marco na ang buong building ay conjugal property ng Mom at Dad. Since Mama's boy siya hiningi niya ang 1st floor at 2nd floor as an early inheritance daw. The rest of the building pinapatakbo ng dalawa niyang kapatid with supervision ng Dad and Mom nila at ang mga pinang hire nila na mga professionals na tumutulong to handle the management of the whole building. Kumikita si Marco sa net na bayad ng mga tenants sa dalawang floors kasama na ang kita niya sa fitness gym at sa sports gear store niya.

        Pinakilala ni Marco sa staff ng fitness gym at mga parokyano nito as "Bestfriend" si Rafael. Pinakita niya ang mga bagong fitness equipment sa kaibigan. Umupo si Rafael sa pang sit up na equipment at sinabayan ni Marco ito habang tinatanong si Rafael kung naka leave ba siya o baka may trabaho ito ngayon. Na-kwento niya sa kay Marco ang buong nangyari at natawa si Marco sa kwento tungkol sa experience nito sa Doctor. Pero sabi ni Marco puede niyang riskbakan ang Doctor. Sabi ni Rafael huwag, ayaw niya ng gulo.

        Napasingit pa na kwento ni Marco na noong College pa siya nagalaw daw siya ng Professor niya para mapasa lang ang thesis nito at makapag complete ng requirements para maka graduate. Tumatawa lang ito habang kinukwento kay Rafael habang nasambit na hindi na mauulit yun at wala naman mawawala sa kanya dahil lalaki naman siya. Napalunok nang laway si Rafael at tumigil sa kaka set up at naghanap ng tubig. Sinamahan siya ni Marco at kinunan ng tubig at bago makainum ito ininuman muna ni Marco ang same na plastic cup bago ibigay ang tubig kay Rafael. Sinabi ni Marco na welcome si Rafael mag gym dito at free lifetime membership pa.

        "Pano ngayon yan Pare anu ang plano mo?" concern na tanong ni Marco habang pababa sila sa first floor. "Uuwi muna ako sa province ng mga two weeks Pare,tapos nagplano ako na kausapin si Betina at GB na magpapatayo ng Coffee Shop,Teahouse,Pastries and Quick meal in one pare,gagamitin ko ang kalahati ng napanalunan ko sa triathlon at ang benefits ko sa company. Nag-aaral naman si Betina ng baking at culinary at si GB siya na ang mag dedesign daw ng pro bono. Naghahanap kami ng magandang place na ma rent na malapit sa school at offices para maka start ng planning. Aasikasuhin ko nalang after vacation, gusto ko lang muna ma enjoy ang time ko kahit 2 weeks vacation lang kasama si Betina"

        Hinatak ulit ni Marco si Rafael sa katabi ng kanilang sports gear store na may isang parang burger restaurant. Sinabi ni Marko na tamang taman after two weeks aalis na ang burger house sa katabi ng sports gear store niya. Hindi niya na papa- rent si Rafael at magkasosyo sila. Kakausapin niya ang Mom niya at sure siya papayag yun knowing Rafael ang nagligtas sa kanya at ang humihingi ng pabor. Sabi ni Marco papangalanan daw nila ang kanilang business RaCo-B-Cote Haven na ibig sabihin (RAfael marCO Betina COffee and TEa Haven)

Ipapa-asikaso nila ang mga documentation, mga permits sa kanilang secretary at mga legal paper para maging legitimate ang kanilang business. Basta pag isipan daw ni Rafael ang kanyang desisyon.

Niyaya ni Marco si Rafael na tumawid sa kabilang kanto at magkape sila sa kakilala niyang nagtitinda ng kape, sigarilyo at mga kakanin. Isang maliit lang na espasyo ang nagbebenta ng kape at mga kakanin dahil akma lang ito sa mga driver at mga nagtatrabaho sa kabilang building na may construction. Walang upuan at tumayo lang sila dalawa habang masayang nagkukwentuhan at umiinom ng kape at kumakain pa ng itlog.

Nakangiti si Marco kay Rafael na parang nangungusap ang mata. Kaya binulaga ang kaibigan nito na parang natulala at nahulog ang kape at itlog na kinain nito. Tumawa ng malakas si Marco at niloloko si Rafael na matakutin pala ito.

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon