"Thank you," nakangiting sabi nito. "Ang dami niyo palang alagang manok," anito habang naghihigop ng kape.
"Kay papa," tugon niya. Napatikhim siya nang dumako ang mga mata niya sa labi nito. Hindi niya naiwasang maalala ang mga nangyari noon.
"Hindi mo sinabi na dadaan ka," sabi niya.
Tumango ito at ibinaba muna ang tasa ng kape bago sumagot. "I thought it was more formal to ask you out kung nandito tayo sa bahay niyo. Baka kasi isipin mo hindi ako seryoso nang yayain kang lumabas."
Pinigilan niyang ngumiti. "Ahh.. So ako talaga ang sadya mo? At hindi ang nanay ko?"
Nagkamot ito sa batok at napangiti. "Hindi ba obvious?"
Natawa siya. "Sabi ng isip ko kanina. On the way? Talaga?"
Tumawa rin ito. "On the way nman talaga itong sa inyo. Nag-left turn nga lang ako."
Napakagat-labi naman siya nang ngumiti. Tumahimik naman ito at nakatingin lang sa kanya.
"Nasa'n na ang parents mo?" tanong nito maya-maya. Napansin na marahil nito na hindi na bumalik ang kanyang mga magulang.
"Nasa loob. Naghahanda ng hapunan. Sabi ni papa dito ka na daw mag-dinner para makilatis ka niya," aniyang seryoso mode.
"Ha?" gulat na sabi nito.
Natawa siya. "Obvious naman daw kasi na ako talaga ang sadya mo. Kaya iniwan ka na nila sa kin."
Napalunok naman ito. "Akala ko smooth operator ang tira ko. Kung ganoon hindi ko hihindian 'yan."
"Good."
"Ahh.. Clyde.. Please.." kagat ang labing ungol ni Nica habang nakapikit.
"Shush.. It'll be fast. Don't move," pagbibigay assurance ni Clyde rito.
"Oh my God.. Dumudugo.." parang maiiyak na daing nito.
Tumigil siya sandali at tinitigan ito habang pinipigilang ngumiti.
Naawa man rito ay hindi naman niya maiwasang makaisip ng mga dirty thoughts sa mga ungol nito. At gusto niyang sisihin ang sarili sa mga reaksyon niya. He couldn't stop thinking about her. He even barely succeeded taking his eyes off her porcelain long legs.
Dumilat naman ito nang mapagtanto nitong hindi na siya kumilos. "Clyde?" pukaw nito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata. "Ano'ng ginagawa mo?" sita nito nang mahuli ang kanyang ngiti.
"Binobosohan ka," sagot niya.
"Clyde naman, eh," maktol nito saka akmang hihilahin ang paa nitong hawak niya dahil may tusok ng kahoy ito sa bandang tuhod. Nasabit kasi iyon sa kulungan ng manok. Which was his fault by the way dahil nagpumilit siyang tingnan ang mga alaga ng papa nito.
"Joke lang," mabilis niyang sabi saka kinuhang muli ang paa nito. "Let me concentrate first. Don't make any sound."
"Bakit? Eh, masakit."
Tinitigan niya nito. "Seriously? Tinatanong mo sa akin 'yan? Nakaka-distract. That's why."
"Paano naman nakaka-distract 'yon?" naive na tanong nito.
Napailing na siya saka muling kinuha ang karayom at alcohol. "Ikaw itong naturingang mas matanda sa akin pero mas naive ka pang mag-isip sa akin," sabi niya. Nang sulyapan ito ay nakaawang na ang bibig nito.
"Hoy! Respetuhin mo ang matanda. Hindi ko kasalanan kung na-distract ka. Let me remind you. Kasalanan mo kaya natusok ako ng kahoy."
Tumawa siya at natuwa sa reaksyon nito. But he knew hindi lang siya natutuwa dahil lang sa sinabi nito kundi sa katotohanang naging comportable na ito sa kanya. In two weeks na nakasama niya ito ay unti-unti niyang nakikilala ito. And he was hoping nakikilala rin siya nito.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomanceMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...
Chapter FOUR
Magsimula sa umpisa