18 : The last chance

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang hinihintay ito ni Cooper sa loob ng coffee shop ay hindi niya inaasahang makarinig ng isang pamilyar na boses.

"Wala naman dito si Reema eh! Oo na, bibilhan na kita ng cake sandali lang! Aish! Ang kulet!"

- - - - - - -

Agatha's POV

Ano ba 'yan, kakagising ko lang pero inuutusan na agad ako ni Javi. Pero okay lang, atleast makakahinga ako, nakakapagod rin naman kasing manatili sa ospital parati. Sayang wala si Trent, solo-flight lang ako pero atleast nasa coffee shop daw si Reema kaya hindi ako mag-isang babalik ng ospital.

Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ng coffee shop ang pag-ring ng cellphone ko. As expected, tumatawag na naman si Javi para mangulit.

"O bakit na naman?" Tanong ko.

"Wala kinukumusta lang, baka bigla kang nakatulog mahirap na." Aniya kaya napangiwi na lamang ako. Nilibot ko ang paningin ko at wala akong nakitang isang babaeng may eyebags at pamatay na bangs. Shit naman, Asan ba si Reema.

"Wala naman dito si Reema eh!"

"Ha? hala baka nakaalis na, Ags bilhan mo na ako ng cake tutal nandiyan ka. hehe."

"Ok Javi."

"Tapos damihan mo tapos tapos--"

"Oo na! Bibilhan na kita ng cake sandali lang! Aish ang kulet!"

Matapos kong makausap si Javi ay pumila na lamang ako sa counter upang bumili ng kakainin namin. Buti nalang talaga at hindi ito ang first time kong bumili mag-isa. But mas ok sana kung may kasama ako.

"Inutusan ka ng boyfriend mong bumili ng cake?" Nag-angat ako ng tingin at hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang ang kumakausap pala sa akin ay ang cute guy na nauna sa akin sa pila. With his chinky eyes, thick eyebrows and oh so cute smile, for sure habulin ng girls and gays to.

"Nope. More like a not so little brother." Tipid kong sagot.

"So wala kang boyfriend?" Tanong niya kaya kahit nakangiti ay napakunot parin ang noo ko.

"Dude, I'm in a relationship with food." Biro ko na lamang.

"You're funny and adorable." Aniya at tinitigan ako sa mga mata. I cant help but to giggle, what girl wouldnt? "Pwede bang mahingi ang number mo?" Dagdag pa niya.

Ngumiti ako at magsasalita na sana ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang may isang lalaking sumingit sa pila at pumagitna sa aming dalawa. Sa lapad ng likod ng lalakeng nasa harapan ko, di ko na tuloy makita ang poging guy na kausap ko.

"Hey, no cutting in line bro. Nauna siya sa'yo." Narinig kong sabi ng poging guy sa asungot na nasa harapan ko.

"At may pake ako dahil?" 

 Sa isang iglap, bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang boses ng lalaking nagsalita. Just by hearing his voice, nakilala ko na kung sino ito.

"Ginagago mo ba ako?" Sarcastic na tanong ni poging guy.

"Hindi tina-tangina lang." Sagot naman ni Cooper kaya napahawak na lamang ako sa sentido ko.

"Eh gago ka naman pala eh!" Gaya ng inaasahan, agad na sinugod ng poging guy si Cooper at nagkagulo na ang lahat. Ayoko ng gulo o kahit na anong confrontation at lalong-lalo na makita si Cooper kaya dali-dali na lamang akong lumabas ng coffee shop.

Malayo ang coffee shop mula sa paradahan ng taxi kaya mas binilisan ko na lamang ang paglalakad sa parking lot ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang may humigit sa kamay ko.

"Aray! Ano ba!" Napasigaw na lamang ako nang bigla niya akong hinatak paharap sa kanya. "Bitawan mo nga ako!" Dali-dali kong iwinakli ang kamay niya mula sa akin at naglakad na lamang palayo ngunit narinig ko ang mga yapak niyang sumudunod sakin.

"Agatha mag-usap tayo!" Aniya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad.

"Agatha stop being so childish and just talk to me first!" Sigaw niya kaya tuluyan akong napako sa kinatatayuan ko.

Napatingala na lamang ako sa maliwanag na kalangitan at napakagat sa labi ko. Naiinis man, napabuntong hininga na lamang ako at humarap ulit sa kanya.

"Childish?" I smirked, keeping my head held high, "You told me to forget about you. You told me na magpanggap tayong hindi magkakilala oras na magkita ulit tayo. I'm doing my part but look at what you're doing Cooper, Now who's childish?!" Sarcastic kong sambit.

Sa isang iglap, nakita ko ang unti-unting pagkalma ng mukha niya. Hindi na magkasalubong ang kilay niya at mukhang nawalan na siya ng sasabihin.

Tumalikod ako mula sa kanya at nagpatuloy na lamang ulit sa paglalakad ngunit bigla na lamang akong nahilo. Parang nagsisirko-sirko ang paningin ko kaya ipinikit ko na lamang muna ang mga mata ko.

END OF CHATER 18

THANKS FOR READING <3

VOTE AND COMMENT <3

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon