"At naniniwala rin ako na ikaw ang nag-imbento ng kasabihan na iyon."

"As if!"

"You're still doing it, aren't you?" nakalingon niyang tanong. Diretso lang ang tingin ko sa repleksyon namin sa pinto ng elevator. "That telekinesis thing."

Umiling ako. "It doesn't work anymore."

Hindi ko alam kung nagawa bang ipasuri ni lolo ang kondisyon ko noong mga panahon na nagagawa kong sirain ang mga bagay kahit hindi ko nahahawakan. Even after seeing that wrecked room, with me standing in the middle of it, hindi siya nagpatawag ng psychologist o ibang doktor na maaaring magbigay ng explanation sa nagawa ko.

I just know that whatever happened in that room, it didn't happen again. Hindi na ako nagkakaroon ng weird episodes kung saan basta-bastang gagalaw ang mga kamay ko sa ere at sa isang iglap ay may gagalaw na bagay na hindi ko naman hinawakan.

Yeah, it's creepy as fuck but it doesn't change the fact that I got so curious about it. Minsan na akong nag-concentrate para maramdaman ulit ang ganoong klaseng sensation. Na parang hawak ko ang mundo at kaya kong baguhin ito kahit paano ko gusto. But it didn't come. Not even once. Not even a little bit.

"It just happened twice." dagdag ko. "Both when I was still in that room years ago. I don't think I can do it again."

"Ikaw na rin ang nagsabi," aniya. "Kapag nagawa ng isang beses, magagawa ulit kahit ilang beses pa."

Sinamaan ko siya ng tingin. Did he just use my words against me? Nakakainis talagang kausap ang lalaking 'to. "Duh. Iba naman kasi iyon. Baka nga gawa lang ng poltergeist iyon at saktong kwarto ko ang napagdiskitahan nilang paglaruan."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa loob ng elevator. Sa sobrang gulat ay napakapit ako sa braso ni Khian na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan.

"What's that?!"

"Maybe it's the poltergeist you're talking about."

"What? Ano iyon, matagal na niya akong binabantayan tapos kung kailan ko siya binanggit saka siya magpaparamdam? Ah!" Napapikit na ako dahil bumilis ang pagpatay-sindi. "Wala akong ginagawa na labag sa loob niya! Ni hindi ko nga siya kilala eh. Fuck, if that's mom or dad, please go to the other side already! Bata pa ako no'n kaya hindi ko pa alam ang ginagawa ko. Kung gusto niyong magparamdam, bigyan niyo na lang ako ng pera!"

Natigilan ako sa pagiging hysterical nang ibaba ni Khian ang mask sa leeg at natatawang tumingin sa akin. Pinapakita pa ang white teeth niya. "Your parents are already on the other side a long time ago."

"Paano mo nalaman? Nagsabi ba sila sa 'yo?"

"Nope. But I'm pretty sure they're not the poltergeist."

Kunot-noo akong lumayo para tignan siyang maigi. "Eh, sino?"

Tumaas ang kilay niya na parang ang dali lang ng sagot. "Me?"

Nag-sink in kaagad sa utak ko ang sinabi niya kaya hindi siya nakaiwas sa pagbatok ko. "Walanghiya ka. 'Wag kang magbiro ng ganyan. Leche. Leche ka!"

"I messed with the circuits earlier so they won't be able to use the elevator after us." Pero tawa pa rin siya nang tawa. "You should've seen your face."

"Grr!"

Tumunog na ang elevator, tanda na nasa tamang floor na kami, at bumukas ang dalawang pinto. Humiwalay na ako kay Khian at itinaas ang dalawang baril para maghanda. Masikip ang hallway at puro pinto na agad ang bubungad paglabas. Paniguradong nakarinig na ng kaguluhan ang mga tenant kaya nagkulong na sila sa kanya-kanyang unit.

Nahanap ko naman agad ang pakay namin dahil nabuksan na niya ang pinto ng unit niya at nang makita kami ay kumaripas siya ng takbo.

But he's not going to get away. Not on my watch.

Inasinta ko ang isang baril sa kaliwang binti niya at nang bumagsak siya ay kinuwelyuhan ko na agad. I don't want him passing out on me.

"Henrico Villalobos." tawag ko sa buong pangalan niya. "Akala mo ba makakatakas ka sa ginawa mong pagdawit sa pangalan ko? Pagkatapos kitang bigyan ng libo-libong halaga ng produkto!"

Nanlalaki ang mga matang umiling siya habang nakatingala sa akin na parang takot na tuta. "I-Inutusan lang ako! Hindi ko ginustong banggitin ang pangalan mo. Maniwala ka sa 'kin!"

"Gunggong ka talaga." Hinila ko ulit siya sa kwelyo nang mabuway ang parehong tuhod niya. Bwisit. Kay lampa ng adik na 'to. "Sinong nag-utos sa 'yo? Sabihin mo kung sino."

"Si ano..." Pumikit-pikit siya na parang nahihilo. Napaikot ako ng mata. Droga pa more.

"Bilisan mo!"

"Sais! Sais ang pangalan ng nag-utos sa 'kin." Umiyak na siya at kunwaring nagdasal nang nakaluhod sa harap ko. "Patawarin mo na 'ko."

"Wala akong kilalang Sais."

"Boss."

Inis kong nilingon si Khian na nasa may pintuan na pinanggalingan ni Henrico kanina. "What?" Sinundan ko kung saan siya nakatingin at pareho kaming nagulat sa lalaking nakatayo sa loob ng unit. "The hell?"

"Sais. Six. Sixel. Lexis." Itinaas niya ang magkabilang kamay. "Nakakasama ng loob na hindi mo pinag-isipan maigi ang code name na iyon. Pinadali ko pa naman para sa 'yo."

Pinilit kong kumalma kahit gustong-gusto nang galawin ng daliri ko ang gatilyo. "Masyadong maraming nangyayari kaya wala akong panahon para sa lintik na quiz bee, Rosario."

It's obvious kung sino ang nag-utos kay Henrico para sabihin sa mga pulis na buhay pa ako pati na ang grupo namin na Green Goddess. Hindi makakalabas ang tao namin kung magkasama sila ng hepe na tiyak na magtatapon sa kanya sa kulungan. Ang tanong, paano at bakit niya ginawa ang lahat ng ito?

Lexis Rosario grinned as if he's expecting a goddess' angry outburst and he's happy with it. Damn him. "It's been five years, Dianhell."

Bumuka ang bibig ko pero para magbigay muli ng remark pero naramdaman kong aabante si Khian. I don't know how I seem to read all of his movements before actually doing it. Ang alam ko lang, hindi dapat ako sumabay ng galaw sa kanya. Whatever he does is related to my safety anyway.

When I looked up, his face toward Lexis gives off a dangerous feel. Akala ko pati ako ay tinitignan niya nang ganoon. Ang tensyon na nanggagaling sa kanya ay kumakalat sa buong kwarto. "Call her properly, you imbecile."

Itinaas ng pulis ang magkabilang kamay na parang sumusuko. "Lady Dianhell. My mistake."

Tumingin ako sa paligid ng kwarto at slight na napahinga nang maluwag dahil bukas ang lahat ng pinto. "Nasaan ang mga tao mo? Kung huhulihin mo ako ngayon, hindi mo ako kaya mag-isa. Wala ka bang natutunan sa unang beses na sinubukan mo?"

"You're right. I did learn a lot and I prepared so much for capturing you and finding your goods. But I'm not going to give you that anytime soon."

I scoffed. "Sa lahat ng may gustong makakita na mapunta ako sa kulungan, ikaw ang nangunguna. What fucking game are you playing right now?"

Matik na nanindig ang aking mga balahibo sa braso nang marinig ang mga sumunod niyang sinabi.

"The castle has fallen."

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon