Tumawa siya sa sinabi ko.

"Never, Mi Cielo."

"Mabuti naman kung ganoon." Napakagat labi ako at muling nag tanong. "Matatagalan ka ba?"

"I don't know, Mi Cielo. But I'll call you from time to time." Inabot niya ang ulo ko at masuyong hinaplos ang buhok ko. Tumango ako. Ngayon pa lang namimiss ko na siya.

Sa totoo lang may parte sa akin na ayaw siyang umalis at ang kalahati ay gusto para magkalinawan sila ng Lolo niya. May tiwala naman ako sa kanya, pero ewan ko ba.


Tapos na akong kumain at pinapanood ko na lang siyang kumain. Patapos naman siya. Inuubos lang ang ulam na natira.

"Mamimiss kita." Wala sa loob na sabi ko. Natigilan siya sa gagawing pagsubo at tumingin sa akin.

Masuyo siyang ngumiti sa akin. I love his eyes every time he stared at me like that. Na para bang ako lang pinakamaganda. At sana hindi iyon magbabago.

"I know. I will miss you to so much. I'll come back as soon as I can." Muli akong tumango.

Nalulungkot talaga ako sa pag-alis niya. Pakiramdam ko parang matatagalan siya.


Hindi ko namamalayan na tapos na pala siyang kumain dahil sa pag-iisip ko tungkol sa pag-alis niya.

"Don't think abaout it, Mi Cielo." Sabi niya na nasa tabi ko na pala. Paano ko magawang hindi isipin eh, involve siya.

Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko bago niya kinuha ang pinagkain namin at dinala sa lababo. Nanatili akong nakaupo at pinapanood siyang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin. Nang gusto ko na sanang tumulong ay nakita kong patapos na siya.

Nang matapos siya ay nagpunas muna siya ng kamay bago lumapit sa akin.

"Come here." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo.

Nagpatianod ako sa kanya. Nagtungo kami sa sala at naupo niya sa pangisahang sofa. Hinila niya ako paupo sa kandungan niya.

"Ayaw mo na bang pumunta ako doon?" Masuyong tanong niya.

"Hindi naman sa ayaw." Mabilis na sagot ko. "Mamimiss talaga kita eh." Nakangusong sagot ko.

Nasanay na akong palagi siyang nandyan. Nasanay na akong may palaging nagtatanong kung nasaan na ako at kung anong ginagawa ko.  Nasanay na akong palagi siyang bubuntot-buntot sa akin.

I heard him chuckled. He caressed my cheek.

"I'll miss you too, Mi Cielo. Sandali lang ako doon. Maybe a week." He said. At mabilis niya akong hinalikan sa labi.

"Pasalubong ko huwag mo kalimutan."

"Alright." Inayos niya ang pagkakaupo ko sa kandungan niya, and then he hugged me tight.

_________________

Pagdating ng sabado ay hinatid ko siya sa airport kasama namin ang driver niya dahil hindi naman ako marunong mag drive.

Sasama sana si Vangie sa Spain kaso may long quiz kami sa Monday kaya sunod na lang siya at sabay na sila babalik.

Tinulungan ako ni Kelvin na magreview kahapon. Matiya niya akong tinuruan. And nagbilin din siya na ireview ko ang mga itinuro niya.

Nakaupo kami ngayon habang hinihintay ang oras ng flight niya. Hawak niya ang kamay ko at nilalaro-laro at sa kaliwa niya ay ang backpack niya.

"Mi Cielo, while I'm away behave." Bilin niya na ikinataas ng kilay ko.

"Anong akala mo sa akin? Ikaw ang mag behave doon." Sunod naman si Vangie sa kanya at may magsasabi sa akin kung may ginagawa siyang hindi maganda. Confident naman ako na ako ang kakampihan ni Vangie sakali.

"Alright, mag behave tayong dalawa." Sumusukong wika niya. Hindi na ako umimik. Humilig na lang ako sa balikat niya.

At nang inonounce na oras na ng flight niya kaya nagsitayuan ang mga pasahero na kagaya niya.
Tumayo siya at sinukbit ang bag sa balikat. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Nang makita niyang hindi ako tatayo ay yumuko siya para magpantay ang mukha namin.

"Hindi mo ako ihahatid hanggang doon?" Tanong niya. Umiling ako.

"Alright. Pagkapasok ko doon, uwi ka na ha? Always eat healthy foods. Tatawag ako para alamin." Habang nagsasalita siya ay nanlalabo ang mata ko dahil na namumuong luha.

"Oh Mi Cielo." Sambit niya ng makita na naiiyak na ako. Akala ko hindi ako iiyak. Kaso ng makita ko siyang aalis na naiiyak na ako.

"Don't cry hmm? Huwag mo naman akong pahirapan." Tumango ako. At ramdam ko ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Bakit ba kapag sinasabing huwag umiyak ay lalong iiyak?

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Hush now." Masuyong bulong niya. Hinila niya ako patayo at agad na sinalubong ng labi niya ang labi ko.

He kissed me passionately. Sa halik niya ramdam ko ang emosyon niyang nakapaloob doon.

Nang maghiwalay ang labi namin ay paulit-ulit niyang binubulong ang 'I love you.' Habang yakap-yakap niya ako. At medyo kumalma na rin ako.

Narinig kong muling tinawag ang mga pasahero.

"Babalik ako after one week." Sabi niya. "I love you." He kissed me on my forehead bago tumalikod at naglakad palayo. Pinanood ko ang likod niya hanggang sa nawala siya sa paningin ko.

_________

Palagi siyang tumatawag sa akin sa loob ng linggo na iyon.

Pero sa araw na inaasahan kong uuwi na siya. Hindi siya nagparamdam. Hanggang sa isang linggo ulit ang lumipas, na naging buwan, na naging taon. I miss him so much.

RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon