"Huwag ka munang magmoba, I entertain mo naman ang bisita mo." napayuko na lang si Jeyz saka umiling.
"Sorry po tito."
"Teka nga, magjowa ba kayo? Bat palagi kayong mag kasama nitong nga nakaraang linggo? And to think na kapag umuuwi kayo sa bahay ay dumidiretso agad kayo dito sa kwarto ni Jeyz?!" namula ako sa hiya. I was stuck between dedepensahan ko ba ang sarili ko or I will just let Jeyz defend the argument.
" Ahm tito, wala pong KAMI. Dumidiretso lang po kami dito sa room ko dahil kailangan namin tapusin yung mga gawain sa SC Office. Yun lang po, tito. And also, hinding hindi po ako magkakagusto kay Almoneca." he reasoned out, napangisi lang si tito arold saka tuluyan ng iniwan kami.
May part sakin na gusto kong maging kami. Mayroong part sakin na umaasang maging kami ni Jeyz. It hurts a little but I did not mind it.
" Sorry, makulit lang talaga si tito arold. Nagmana kay Nyan, mausisa at maraming tanong. Daming mga iniisip na hindi naman totoo." pagpapaliwanag niya. Ngumiti lang ako kay Jeyz saka tumango.
"magmeryenda ka muna." aayaw pa ba ako? Ng dahil sa gutom ay kumuha ako ng tsaa at cookies. Masarap siya, gusto ko yung lasa ng mint tea at ng chocolate chip cookies. Inubos ko ito saka bumalik sa ginagawa ko.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Halos magteten na pala ng gabi. I shrugged my shoulders saka napaunat ng konti habang nakatingin sa orasan.
"Ahmm, Jeyz? OK lang ba kung bukas ko na lang ito tapusin?" pagtatanong ko. Pero hindi niya ako sinagot. Siguro busy siya sa paglalaro. Napabuntong hininga ako habang shinashutdown ang laptop. I'm tired, physically and mentally.
Napapikit-mulat pa ako dahil nga sumakit medyo ang mata ko sa kakatutok sa laptop. Halos Ilang oras din akong babad sa pag eencode.
Iniligpit ko na lahat ng papers and stuffs. Tumayo nako para makita si Jeyz pero nabigla ako noong makitang tulog na tulog na siya. Ang lakas nga ng hilik niya, pa simple akong natawa sa mga nakikita ko.
Besides, I'm not disappointed or discouraged sa mga nakikita ko. Natutuwa nga ako kasi may nalaman na naman ako sa kanya.
Tinitigan ko lang siya for several minutes. His long eyelashes are so cute! Ang red pala ng mga cheeks niya at ang cute ng pointed nose niya. He's really handsome. Nakakatuwa lang dahil nakikita ko ang side niya na Ito.
Lumapit pa ako sa kanya. I just want to see his face closer. Nakakatuwa naman, ang kinis kinis ng balat niya.
"Psst hinay hinay lang ang pagtingin kay Jeyz." agad akong pumalayo saka nabigla noong bumukas ang pintuan. Nandoon pala si tito arold na nakasandal sa pintuan. He was smirking and I can sense na nang aasar ang mga titig niyang iyan.
Namula ako sa hiya. Napayuko na lang ako saka napangiti kay tito arold.
"Ah.. Ahm, tito uuwi na po ako. Ahh magpapaalam lang po sana ako kay Jeyz na mauuna nako pero mukhang tulog na tulog na po siya." I explained, napangisi na lang si tito arold sakin saka ngumiti.
"You looks so amazed while staring at him, para bang gusto mo siyang halikan. Are you inlove with him?!" ha? Grabe naman imagination ni tito, halikan agad?! Ano ito? Fairytale tapos ako yung Prince charming?!
"P-po? Hahaha, tito. I'm not inlove with this guy. I like someone else.." I lied, iniba ko ang tingin ko. Napakagat ako sa labi ko. He just smiled saka lumapit sakin.
"You're great at lying. Pero hija, ipapahatid na lang kita pauwi sa inyo. Hindi naman kita hahayaang mag commute mag isa." in the end, umupo nako sa back seat ng kotse. Hinihintay ko si tito arold. Sabi niya kasi at ihahatid niya na lang daw ako pauwi. Sinabi niya rin na tulog mantika raw si Jeyz at kahit na sigawan ito ay hindi pa rin ito magigising.
Nakwento na rin ni tito arold sakin kanina ang buhay niya, Nakakatuwa lang kasi ang daldal pala ni tito. Patay na pala ang asawa ni tito ng dahil sa cancer, matagal na. I guess it's the right time for him to find someone who will be with him for the rest of his life. Ang gwapo kaya ni tito, hindi halatang nabalo. Mukha siyang bagets.
"Sorry for the wait." nabigla ako noong may pumasok sa kotse. Akala ko si tito arold iyon pero si Nyan pala. Nakapambahay lang si Nyan pero ang gwapo niya sa suot niya. He really looks like a model. Maputi lang siya kay Jeyz ng konti. No wonder maraming nagkakagusto sa kanilang girls.
"OK lang ba kung ako ang maghatid sa iyo? Busy kasi si dad. May inasikaso pa sa room niya. Sorry." napangiti lang ako saka tumango. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Nyan na nagdadrive.
Paano ba naman kasi, nararamdaman kong kanina pa siya sa akin sumusulyap. Napalunok na lang ako saka kinausap siya.
" Goodluck pala bukas, Nyan." he just smiled saka ngumiti sakin.
"Goodluck din sayo. Galingan mo rin bukas. Sana tayo yung maging representative ng buong humanities na strand." I just gave him a comforting smile. Mukhang gagalingan din bukas ni Dylan at hindi rin siya magpapatalo kay Nyan.
Bukas na ang pageant and I don't know if I will be able to win the pageant....
Sana nga. Sana..
To be continued
Hi guys. Nag uupdate lang ako kapag nakapagtype nako ng 10 chaps sa cp ko saka ako nagpapaload at nagUUD dito sa wattpad. Hindi ako araw araw nagUUD dito dahil magastos kung araw araw ako magpapaload. Haha. Salamat sa mga nagbabasa nito at nagsusupport. Lovelots, MissShyPatheticLoser 💋😍
May mangyayaring pasabog sa pageant. Abangan niyo sa pagbabalik ko sa susunod na buwan. Dejoke. Abangan niyo kung ano mangyayari. ♥️✌️
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...
Chapter 20
Magsimula sa umpisa