"Eh diba may jowa na 'yang si Axe? Bakit ba tinutukso mo ako sakaniya?" mainit sa Pilipinas, lalo tuloy uminit nung maalala ko yung sinabi ng kuya ni Axe. Sabi ni Kuya Greyan may jowa na daw si Axe, lalong sumakit ulo ko. May tumusok sa puso ko. "Sabi naman ni Kuya Greyan na hindi pa raw sure. Sabi nga niya baka kalandian lang ni Axe, eh. So may chance ka pa. Yieee, don't you worry girl. Support ako" nginitian niya ako kaya napairap ako sa sinabi niya.
"Anong oras ba?" tanong ko sakaniya. "Anong oras ang alin?" tanong niya rin. "Anong oras, nagsasara ang mental? Baka maihabol pa kita :> " sarkastiko akong ngumiti sakaniya. Sinamaan niya ako ng tingin at saka ako inirapan. "Ha. Ha. Ha. Ha. Ay nakakatawa Venieze. Sobra. Sumasakit nga tiyan ko eh. Sarap kang utotan." sarkastiko niya rin akong nginitian. Ay gagu, ang bastos talaga.
"Oh, talaga ba? Anong lasa? Masarap ka rin kasing sapakin eh. Tamis sa pakiramdam." nag-thumbs up ako sakaniya at nginitian siya ng napakatamis. "Gaga. Halika na, sama ka na sa laro. Nasa tapat na sila ng bahay ni ate Jurisse, hinihintay ka." tumayo siya sa pagkaupo at inayos ang shorts na suot. "Bawal ako eh." pagdadahilan ko.
"Kapatid mo nga andoon na, tapos ikaw bawal? Ay ang galing mo naman. Bravo. Saglit magpapahanda ako ng red carpet doon." sabi niya habang pumapalakpak. Sira ulo talaga 'yong si Lyn. Lumalabas nang hindi nagpapaalam.
Tumayo na ako at pinatay ang tatlong electric fan na gamit ko, saka ako lumabas ng unang gate. Napahinto ako dahil hindi sumusunod sa'kin si Althea. "Mukhang ako ata ang magpapahanda ng red carpet doon. Pa-VIP ka 'te? Ayaw pang umalis, tsh." pagtataray ko at sinarado na ang unang gate. "Ay teka, Venieze! Ito kasi hindi nagsasabi eh! Malay ko ba kung sasama ka?" paghahabol niya sa akin sa pangalawang gate.
"Ay anak ng tinapa naman, kasasabi mo nga lang na sumama ako eh. Gusto mo ba yung red carpet mo abot na hanggang mental?" jusko Althea Marie, matatadyakan ko na 'to. Ang kulit.
Habang naglalakad ako, nasa likod ko si Althea bulong ng bulong. Mukhang may pinaglalaban. Papalapit na kami ng papalapit sa bahay ni ate Jurisse, lahat sila nakatayo sa gitna ng kalsada at nagtatawanan. Maliban sa isang tao, si Axe. Kinakabahan ako, sinisimulan na akong pawisan. Bakit ba kasi ako pinagpapawisan? Hindi ko naman math teacher si Axe.
"Oh, guys! Tumabi-tabi kayo diyan! Andito na ang ating special guest. Ang ating VIP, Ms. Lyahana Venieze umalis ho kayo diyan sa dadaa--- Ay aray! Gaga ang sakit, ha." sabi ni Althea habang humaharang sa harap ko, mala-personal bodyguard. "Sira ulo ka ba? Papara na ba ako ng taxi papuntang mental? Ano ba pinaggagawa mo?" sabi ko habang pinapalayas si Althea sa harap ko.
"Mabuti naman at lumabas ka na rin Venieze. Pabebe ka pa eh, lalabas din naman. Kailangan pa namin papuntahin si Thea sa bahay niyo?" sabi ni kuya Greyan. "Hoy tara na, guys! Kampihan, ah." pagtatawag ni ate Jurisse, kaya nagpuntahan kaming lahat sa gitna at bumilog. Habang pumupunta sa gitna, kinakabahan ako dahil lumalapit sa'kin si Axe. Pinapawisan na naman ako. Ahhhh, stop heart. Magnitude 9.0 na naman lindol sa puso ko :<
"Hoy Venieze! Hindi pa nagsisimula laro, pawis ka na. Hahaha!" pagbiro ni ate Klariesse. "Hala, pawis ba ako? Baka pasmado lang ako haha, ganun talaga. Nasa lahi namin." pagdadahilan ko. "Sus, katabi mo lang kasi si Axe eh. Punasan mo na pawis mo, mahahawakan mo pa naman kamay ni Axe. HAHAHA!" panunukso ni kuya Greyan kaya napatawa ang lahat maliban sa'kin. Grabe, tinatawanan ako ni Axe. Am I joke? Kaya ba pati feelings ko joke nalang sakaniya? Ouch, my hearteu, it breakeu.
"HAHA happy niyo 'no? Siguro 'di kayo stress sa school? Oh, siya! Tara na kampihan na! Mag-a-alas kwatro na, guys!" pagyayaya ko habang pinupunasan kamay ko. "Wehhhh. Si ate Venieze para-paraannnn. Gusto lang mahawakan agad kamay ni kuya Axe~HAHA!" sabi ni Khyrazia. Aba bastos na bata, tsh. "Happy ka, Khyrazia? Ha. Ha. Ha." pilit ko siyang nginitian. Trip niyo ba ako? Kasi kayo 'di ko naman trip, eh!
Naglagay na kaming lahat ng kamay sa gitna ng bilog namin. Nagpatong-patong lahat ng mga pawis naming kamay, charot akin lang pala yung pawis. Inilalim ko kamay ko para 'di ko sila mahawakan. Nagulat ako dahil inilalim din ni Axe kamay niya, dahilan para mahawakan ko kamay niya. Sa gulat, napalipat agad ako ng kamay sa pinaka-ibaibaw. "Oh, dali! Dali! Kampiiiii---han!" sabi ko sa kaba.
"One, two, three, four, fi--- teka kulang sila. Bida-bida naman 'tong si Wayane. Dapat nag-white ka nalang." pagtataray ni Althea. "Anong bida-bida? Ikaw nga 'yon eh! Edi dapat nag-white ka. Black-black pa kasi eh." pagsasagot ni Wayane.
"Yieeeeee. LQ sila~ maya na kayo mag-away, ulit nalang tayo sa kampihan." panunukso nila kuya Greyan, hahaha! "Iwww, kadiri naman. Pinagshi-ship niyo ako sa daga na 'yan? So kadiri" pag-iinarte ni Thea. "Mas kadiri ka. Kadiring bamboo." sagot ni Wayane. "Atleast ako hindi hayop, tulad mo." pambabara ni Althea. "OHHHHHHHHHH! BURN!" pagsu-support namin
"Hoy! Laro na kasi tayo. Kampihan na ulitttt." pagrereklamo ni Cendo. "Sus, wala ka kasing ka-love team kaya 'di ka nakakare---- ay teka meron pala. Si Lyn, HAHAHA!" panunukso ni kuya Greyan, kaya napatawa rin kami. Nagtinginan kaming lahat kaya nagsimula kaming kumanta, "Ashlyn and Cendo sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-----"
"Opss, mamaya na 'yang landian niyo. Laro muna." pagsasabat ni ate Anny. "Ayan, sine-sermonan na tayo ng pinakamatanda." sabi ni Jasmine. "HAHAHAHAHAHA!" tawa naming lahat.
Kaya hindi kami nakakalaro agad. Kasi nag-aasaran, imbes na nagkakampihan, hahahaha!
"KAMPIIIIII----HAN!" sigaw naming lahat at ipinakita ang aming mga kamay. Bale ang mga magkakakampi: sa White Team sina kuya Greyan, ate Jurisse, Wayane, Lyn, ate Anny at si Althea. Samantalang sa Black Team, si Jasmine, Khyrazia, Cendo, ate Klarisse, si Axe at ako.
Nakakagulat kasi kakampi ko si Axe. Kailangan ko magpakitang gilas-- charot. Ay gigil na ako, kalma self. "Ganito, batuhan tsinelas ha. Matalo yung guguhit ng lines para sa laro." pagpapaliwanag ni ate Klarisse.
Lahat kami nagkalat sa kalsada, at nasa iba-ibang puwesto. "ONE! TWO! THREEEE!" sabay-sabay naming sigaw, kasabay ng paghagis ng mga tsinelas namin sa ere. "One, two, three, four, five, six, seven, eight. Walong tsinelas naka-black. Panalo kamiiii!" paga-anunsyo ni Jasmine. Naghanap ng mga batong-panulat ang White Team at sinimulan na mag-guhit.
"Ay ang tagal, mag-a-ala sais na. Uwian na."
"Wow, ang demanding mo naman Khyrazia. 'Lika dito, ikaw mag-guhit. Uuwi na kami." pagsagot ni kuya Greyan.
Matapos nila mag-guhit ng linya, nag-ready na kaming White Team sa START LINE. "Oh, ready na ba guys?" pagtatanong ni Axe. "Venieze, ready ka na ba?" tanong ni Axe.
Nagulat ako. Parang may mala-New Year sa dibdib ko. May sumasabog na fireworks sa loob ko. Tumatalon puso ko. Bakit ang bilis kong kiligin? Tae, ang harut.
--------------------------------------------------------
Q: Anong nararamdaman niyo kapag kinikilig kayo? (palupetan ng sagot :>)
Happy Reading!
YOU ARE READING
Catch Me, I'm Falling For You (ONGOING)
Teen FictionYou fell in love with your neighbor. Not just any neighbor, but your childhood playmate, your friend. And it's been a decade and one year, yet you're still in love with him. You confessed, but he broke your heart. You tried moving on, but your hea...
Chapter 1
Start from the beginning