“NNgggnggghhhh!” sumisigaw si Eliza habang nakatingin sa akin, umiiling sya at lumilipat ang tingin nya sa may kaliwa ko.

Napansin kong punit ang pang itaas nyang damit kaya biglang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa galit.

Putang Ina!

Tumakbo ako palapit kay Eliza para tulungan sya pero hindi pa ako nakakalapit ay may dumaluhong na sa akin at sabay kaming napatumba sa dingding.

Si Jojo!

Nagngangalit na ang mga ngipin ko sa sobrang galit.

Napansin kong nawala sa kamay ko ang baril.

Nabitawan ko pala yon nung humagis kami, palihim na hinanap ng mata ko saan yun pwedeng napunta.

Napatingin na lang ako kay Jojo na patayo na rin, hinawakan ko ang kwelyo ng damit nya at marahas syang itinaas.

“ANONG GINAWA MO KAY ELIZA! GAGO KAAA!!”

Isang matalim na tingin ang isinagot nya sa akin at saka sya tumawa ng mahina kaya lalong nag-init ang ulo ko.

Isinalya ko sya sa dingding pero hinawakan nya ang leeg ko at hinigpitan ang hawak para masakal ako. Inilapit ko ang ulo ko sa mukha nya para bumwelo saka ko sya h’in’ead bat. Bumitiw sya sa pagkakahawak sa akin at nasapo nya ang noo nya. Alam kong nasaktan sya dahil kahit ako ay medyo nahilo. Lumapit ako ulit sa kanya at hiniklat ko ang damit nya para suntukin sya uli pero nasangga nya ang kamay ko at gumanti rin sya ng suntok. Hindi ko akalaing malakas din pala sya. Lumalakas nga pala ang tao pag nababaliw, kailangan kong maging maingat.

Nagpapalitan kami ng suntok, sa bawat suntok nya na tumatama sa katawan at mukha ko ay naririnig ko ang mga sigaw at iyak ni Eliza, at mas masakit yun sa pakiramdam. Alam kong nagaalala sya.

Tiningnan ko sya, nakita ko ang hirap at pagod sa luhaang mukha nya, pinipilit nyang makawala sa pagkakatali sa higaan.

That’s when Jojo took advantage of my distraction and gave me a strong blow on my stomach that made me gasp for air. Nang lingunin ko sya ay nakatayo na sya sa harap ko at nakangisi sabay hawak sa akin at binalibag ako sa katabing life size mirror, dahilan para mabasag iyon at magtalsikan ang napira-pirasong salamin, napapikit ako ng maramdaman kong may masakit na tumama sa kanang mata ko. Pinilit kong dumilat pero humahapdi ang mata ko everytime I try to.

Shit!

Narinig ko na naman ang tawa ni Jojo.

Shit talaga!

Naririnig kong nagsisisigaw si Eliza ng mga mura kay Jojo, at siguradong kahit na sinong makarinig nun ay magagalit, pero mukhang hindi naiintindihan ni Jojo ang mga sinasabi nya dahil sa tali sa bibig nya.

 

“QUIEEET!!!!YOU BITCH!!!” baling ni Jojo kay Eliza. Pero sa halip na matakot si Eliza ay lalong nanlisik ang mata nya.

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon