Tumatango lang ako habang nakikinig sakanya. Napag-alaman ko ring Sports Club si Maye, at Vollyball ang sasalihan nya. Dati daw kasi School Participants Club ang sinalihan nya pero wala na daw yun ngayon.
❝So.... Anong Club ka?❞. Tanong nya sakin.
Pero di ko sya sinagot at tumayo. ❝Tara san ba dito mag-papalista?❞. Tanong ko sa kanilang dalawa.
Tumayo na rin sila at sinabayan ako sa pag-lakad, sa Gym daw kasi ang Palistahan. Nang makarating kami sa Gym bumungad samin ang halos sobra sa kalahating bilang ng studyante. Pero sa Laki ng Gym di ito na puno.
Sa Dami nila siguradong di sila maisasali dahil narin yung ibang Club ay may Limitasyon. Ang ibang studyante siguro di na nasali sa mga Club.
Nag-hiwalay na kaming tatlo para humanap ng sasalihan naming Club. Nang matapos na kaming mag-palista ng mga kasama ko sa Club na napili nila may sinabi pa sila.
❝Para sa Audition, Thursday @ 2pm sa Music Room.❞. Sabi ng Organizer ng Club.
Music Club ang napili ko at sa Banda ang gusto kong Salihan. Hindi rin madaling mag-palista. Andaming pila, Lalo na ngayon dahil nga bago ang Banda sa Club na yun.
Hinintay ko pang matapos ang dalawa sa pag-lista ng sasalihang Club nilang dalawa. Hindi naman ako nag-hintay ng matagal dahil agad ko silang nakita.
❝Anong Club ka Gab?❞. Masayang sabi sakin ni Sha.
❝Music Club.❞. Walang sagot ko.
Agad nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? ❝Baket?❞. Takang tanong ko. Bahagya pa kasing na ka nganga ang bunganga nila. Mapasukan yan langaw uyy!❝Omg! For realllll?!❞. Nag-titiling sabi naman ni Maye.
Kaya napapatingin sa kanya ang mga studyanteng nakakasabay namin. Ang ingay naman ng babaeng to.
❝Tumahimik ka! Ang ingay mo. Eeh ano naman ngayon kung Music Club ako?❞.
❝Ano ba yan! Pede bang baguhin mo ang tono ng pananalita mo? Walang emosyon eeh.❞. Sabi naman ni Sha pero di ko sya pinansin.
Kasalukuyan kami ngyong nag-lalakad patungo sa Caff. Nagutom daw silang dalawa sa Pila.
❝Pero di nga Gab? Music Club ka talaga? Ibig sabihin maganda Boses mo?!❞. Na'e'excite na Wika ni Maye.
Ano ba naman tong babaeng to, kung maka react parang nakita nya si Mariel Padilla kumanta.
❝Tsss. Lahat ba nang sa Music Club magagaling kumanta? Ang O.A mo.❞. Sagot ko naman sakanya.
❝Ayyt. So... Banda lang pala sinalihan mo at mag-p'play ka ng instrument?❞ Tanong naman ni Sha, kaya Tumango ako. ❝Sayang naman. Akala ko pa naman Vocalist sa Banda ang sinalihan mo. Kung nag-kataon may kaibigan na kami maganda ang Boses.❞. Nang hiniyang Wika nya.
Edi sana kumaibigan sila ng Singer para di sila nasasayangan. Pektusan ko tong dalawang to ee.
Nakarating kami sa Caff. Na puno parin ng pang-hihinayang ang Mukha nila. Di ko nalang pinansin, masasayang lang laway ko sakanilang dalawa.
Chapter 5
Start from the beginning