2

10.7K 199 5
                                    


ORAS na ng pananghalian nang makabalik si Hiromi sa Petals. Nagpabili na lang siya ng pagkain kay Noemi.

Kumakain na siya nang dumating ang pinsang si Amy.

"Napasyal ka," bati niya. Hindi niya inaasahan ang bisita dahil hindi naman sila malapit sa isa't isa. Hindi lang dahil mas matanda siya rito nang dalawang taon kundi dahil ang ina nito, kapatid ng kanyang ama; ama na hindi naman nakasama ni Hiromi dahil bata pa siya nang maghiwalay ang mga magulang. Nag-asawang uli ang kanyang ina. May iba na ring pamilya ang tunay niyang ama at minsan na lang sa isang taon niya kung makita.

"I'm getting married," sabi ni Amy, her face beaming.

"Really? Who's the lucky guy?" Inanyayahan niyang maupo ang pinsan.

"Anton Ruiz, taga-Cavite."

"When's the wedding?"

"Next week. Saturday."

Napamaang si Hiromi. "Ang bilis naman yata, o matagal na kayong nagplano?" Hindi naman talaga siya umaasa na isasali ng pinsan sa mga plano nito sa buhay.

"Actually, biglaan talaga. Kaya nga garden wedding, hindi kami makakuha ng reservation sa simbahan. Fully-booked sila this month. I'm gonna need your services, cousin," sabi ni Amy.

She eyed her curiously. "Are you pregnant?" pabulong niyang tanong.

Tumawa si Amy. "I am. Two months. "

Tumango na lang si Hiromi kahit hindi siya sang-ayon sa ganoon. Para sa kanya, hindi dapat mauna ang pagbubuntis sa kasal. There was no way she was going to surrender her body to a man hangga't hindi sila mag-asawa.

Kinuha niya sa drawer ang isang makapal na album na naglalaman ng mga pictures ng mga floral arrangements para sa mga kasalan.

"Mamili ka na lang diyan o kung may naiisip kang mas maganda sa palagay mo, just tell us." Nanlumo na naman siya dahil naalala si Joel—si Joel na may magic yata ang mga kamay. Kahit yata talahib, puwede nitong isama sa mga bulaklak at maganda pa rin ang kalalabasan. Walang talent sa ganoon si Hiromi. Kaya lang flowershop ang naisip niyang negosyo ay dahil nakita niyang malakas naman ang mga flowershops sa bansa. Ang talento niya, nasa management at finances ng negosyo.

"I'll be honest, Hiromi. Limitado ang budget namin. Kasi nga biglaan. Hindi na nga kita kinuhang abay kasi nahihiya ako. Magrerenta lang ng gown ang entourage ko," may pagka-defensive na sabi ni Amy.

Alam naman niya ang totoo. Hindi talaga siya kukuning abay ni Amy dahil hanggang ngayon, may galit pa rin sa mommy niya ang partido ng tunay niyang ama dahil nga nagpakasal sa iba ang kanyang ina.

Six years old pa lang siya nang magpunta sa Amerika ang daddy niya. Masyado pa siyang bata noon para malaman ang tunay na nangyari, pero nang tumuntong siya ng high school, sinabi kay Hiromi ng ina ang totoo.

Sa loob ng dalawang taon na iyon, hindi man lang sumulat o tumawag sa kanila ang ama, hanggang makilala ng mommy niya si Mario, ang stepfather niya. Ginawa raw ng mommy niya ang lahat para ma-contact ang kanyang ama pero nabigo ito.

Sa suhestiyon ni Mario, nag-file sa korte ng petition for judicial declaration of absence ang mommy niya. Iginawad naman iyon ng hukuman at nakapagpakasal ito kay Mario.

Isang taon nang kasal ang mga ito nang biglang sumulpot mula sa kung saan ang daddy niya. But of course, he was too late. Naawa pa noon si Hiromi sa ama at sumama ang loob sa ina, iyon naman pala, mas naunang nagtaksil ang kanyang ama. Nagkaroon pala ito ng babae sa ibang bansa, nagkaanak kaya nagtago sa kanila. Nang malaman lang na may iba na ring asawa ang mommy niya, saka ito nagpakita. Sa ganoon nga naman, ito ang lalabas na kawawa, ang kanyang ina ang masama.

Ganoon nga ang nangyari. Hanggang ngayon, iniismiran sila nang palihim ng partido ng daddy niya sa mga miminsang pagkakataon na nakakasalamuha nila ang mga ito.

"Mapag-uusapan naman natin ang budget," sabi ni Hiromi kay Amy. Hiningi niya rito ang detalye ng kasal para mabisita na rin ng mga tauhan niya ang resort kung saan daw idadaos iyon.

"Two hundred thousand lang ang budget namin, Hiromi. Kami na nga ni Mama ang gagastos para sa mga flowers. Bigyan mo kami ng discount kasi ang gusto ni Anton, sa Bud Brothers—"

"What!" bulalas niya.

"May kaibigan daw siya do'n, makaka-discount kami nang malaki. Kaso, nakakahiya naman sa 'yo."

"Good. Don't worry, you'll have a nice little garden wedding. Ako ang bahala at huwag mong isipin ang gastos," paniniguro niya.

Ganoon na lang ang ngiti ni Amy. Noon lang na-realize ni Hiromi na binanggit lang ng pinsan ang Bud Brothers para maka-discount nga sa kanya. Alam na rin siguro nito na karibal niyang matalik ang mga piratang iyon. Pero huli na para bawiin niya ang salita.

"Thanks, Hiromi. Tell Tita Agnes, 'wag siyang mawawala sa wedding ko," tukoy nito sa kanyang ina.

"I will." Sa kabilang banda, mabuti na rin na nabanggit ni Amy na may kaibigan sa Bud Brothers ang fiancé nito. Kung sino man ang Bud Brother na iyon, siguradong dadalo sa kasal. Ipamumukha niya na hindi pa rin laos ang Petals at hindi apektado sa pagkawala ni Joel.

Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon