Napalunok siya. Hindi niya ito nilingon pero damang-dama niya ang sinseridad sa tinig nito. Yes, it's quite freaking her out pero hindi niya puwedeng ipagkaila sa sarili ang kilig na unti-unting dumadaloy sa sistema niya at hindi magandang senyales iyon. Kaya bago pa kung anong ka-engotan ang gawin niya sa harap nito ay nagmamadali na siyang lumabas ng silid.
OH.MY.GOD! SHIT! BE STILL, HEART!
TAHIMIK na pinanonood ni Moose si Sangmi habang pinakikinggan nito ang lahat ng sinasabi ng mga taong nakapaligid dito. Sa pangangalap niya ng mga impormasyon tungkol dito, nalaman niyang Presidente pala ito ng Hendrix International Dance Troupe. Si Red naman ang Vice President.
Si Sangmi din ang leader ng girl group na Tinkerbell kung saan miyembro din ng H.I.D ang mga miyembro niyon. Puro magagandang katangian ang nakalap niya tungkol sa babae at isa lang ang negatibong sinasabi dito ng iilan sa mga napagtanungan niya. Wala pa itong nagiging nobyo mula nang pumasok ito sa University na iyon. Wala din itong pinapayagang lumapit dito para manligaw. Napakalamig daw ng pakikitungo nito sa mga lalaking nagpapakita ng interes dito. Sa tingin ng mga napag-tanungan niya ay masyadong matigas si Sangmi at walang pakialam tungkol sa pakikipag-relasyon dahil may hindi maganda itong pinagdaanan.
At dahil ito ang dahilan kung bakit siya nandoon ay kasama na sa plano niyang alamin iyon. Bahagya man siyang nag-alinlangan na ituloy ang plano niyang iganti ang kaibigan niyang pinaasa diumano ni Sangmi, palagi niyang ipinapaalala sa sarili niyang tama lang ang ginagawa niya. Na hindi porque madaming nagkakagusto dito ay may karapatan na itong manakit ng lalaking nagmamahal dito.
"Alam mo, huwag ka naman masyadong halata. Baka lalo siyang lumayo sa'yo."
Tinatamad na nilingon niya ang tumabi sa kanya at ang nakangising mukha ni Tyler ang nabungaran niya. "What do you mean?"
"I know that look, pare. You like Sangmi, right? Kung ako sa'yo, ibaling mo na lang iyan sa iba dahil walang pag-asa iyang sintang pururot mo sa Ice Queen namin pagdating sa usaping pag-ibig. May pusong bato iyan eh." may nababasa siyang simpatya sa mga mata nito na alam niyang para sa kanya.
Gusto niyang mapailing-iling dahil kung alam lang sana nito ang binabalak niya sa kaibigan nito, baka sinipa na siya nito paalis sa org na iyon at sa mismong paaralan na iyon.
"There's no harm in trying naman, 'di ba? I mean, malay natin mapalambot ko din ang puso niya at may pag-asa pala na magkagusto din siya sa'kin." hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sinasabi niya pero wala na siyang pakialam. Kailangan niyang makumbinsi ang mga taong malalapit kay Sangmi na malinis ang intensiyon niya sa dalaga nang sa ganoon ay hindi siya mahirapang makuha ang atensiyon at ang puso nito. Mas maaga niyang magagawa ang misyon niya, mas mabilis din siyang makakabalik sa buhay niya sa America.
Magaling ka namang artista eh, siguradong magagawa mo agad ang mga plano mo. pagpapalakas-loob niya sa sarili.
Nagkibit-balikat si Tyler. "Sabagay, may point ka diyan. Pero I must warn you, Moose. Hindi mahirap magustuhan si Sangmi, hindi mahirap mahalin. Kaya nga maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya eh. Well, including you. 'Wag mo lang masyadong ibibigay ang puso mo sa kanya dahil hindi maganda ang magiging epekto niyan sa'yo kapag sobrang sakit ang naramdaman mo once hindi umepekto ang mga plano mong panunuyo sa kanya." Pumalatak pa ito. "Mabuti na nga lang at hindi ume-epekto ang charm ni krung-krung sa'min nina Red kundi baka matagal na kaming umalis sa HID."
"Bakit parang alam na alam mo talaga ang mangyayari? Hindi ko pa nga sinusubukan, pinagbabantaan mo na agad ako?" natatawang biro niya. Alam niyang malapit si Sangmi sa lahat ng miyembro ng H.I.D dahil pamilya na ang turing nito sa mga iyon kaya naman hindi na nakakagulat na kinakausap siya ni Tyler ngayon at pinagbabantaan ng kung ano ang dapat niyang asahan sa binabalak niyang panunuyo sa target niya.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 1: Sangmi, The Queen Fairy [Published under PHR] (Complete)
Romance"Love is not enough for two people to be together." MAN HATER. Paasa. Pabebe. Pa-fall. Ilan lang iyan sa mga bansag sa Koreanang si Sangmi Kwon, presidente ng Hendrix International Dance Troupe at leader ng grupong Tinkerbell. Pero wala siyang pakia...
Chapter Three
Magsimula sa umpisa