Ngumiti ako at tumango nang magpaalam itong lumabas. Malapit na ito sa pinto nang tumigil ito at nilingon ako.

"Amber." Tawag nito sa pangalan ko.

"Yes?"

"Ti amo. Aishiteru. Saranghae
I love you. Mahal na mahal kita. Todo-todo." Hirit nito na ikinangiti ko.

"Baliw ka talaga. Alis na." Natatawang pagtataboy ko.

Ngumiti ito at napakamot sa ulo.

"Parang ayokong umalis sa harapan mo. Natatakot ako na baka mawala ka na lang bigla pagkabalik ko dito." Nakangiwing sambit nito.

Mahina akong natawa at bumaba mula sa kama. Nilapitan ko ito.

"Alam mo bang parang mas babae ka pa sa'kin?" Tanong ko.

Malambing nitong ipinulupot ang mga braso nito sa bewang ko.

"Ibig sabihin ako ang mabubuntis sa atin pagkatapos nating mag-"

Dumukwang ako at hinalikan ko ito sa labi.

"Tama na 'yang kamanyakan mo." Sambit ko at nagpakurap-kurap ito.

"D-Did you just kissed me?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Ngumiti ako at naunang naglakad papalabas. Ako na rin ang nagbukas ng pinto. Sinadya kong liitan ang pagkabukas niyon.

Nakita ko ang delivery man na may dalang pizza at milk tea na nasa plastic.

"Delivery po para kay Renz Anderson." Nakangiting bungad ng lalaki.

"Ah, yes. I am his wife. Puwedeng ako na lang ang pipirma? Naliligo pa kasi ang asawa ko." Sambit ko at pinalambing ang boses.

"Wala pong problema, Ma'am." Anito at nang maayos na ang lahat ay nagpaalam na ito.

Sinara ko ang pinto at nakita ko si Renz na nakasandal sa pader habang naka-krus ang mga braso nito sa dibdib nito. May nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

"What?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Asawa? Naliligo? That was cool and it was so sweet." He murmured.

"Asawa mo naman talaga ako, hindi ba?" May pagmamalaki sa boses ko.

Mahina itong tumawa at lumapit sa akin.

Mahina nitong pinisil ang pisngi ko.

"Ang cute mo, babe." Usal nito at inilapit ang bibig sa tenga ko. "Ang sarap mong buntisin." Bulong nito.

"Saksakin na lang kaya kita, ano?"

Ngumiti lang ito.

"Paano ba 'yan, babe? Ako ang may panaksak sa'ting dalawa. Huwag kang mag-alala, ibabaon ko at isasagad pa." Kumindat ito.

Napailing na lang ako nang kinuha nito mula sa akin ang pizza at milk tea. Hinila ako nito patungo sa sofa.

Binuksan nito ang pizza at pareho kaming naupo sa malambot nitong sofa.

Nabigla pa ako nang bigla na naman ako nitong hinawakan sa bewang at muling pinaupo sa hita nito.

"Renz, paano ako makakakain niyan?" Reklamo ko.

"Ako na lang isubo mo, ay este! Ako na lang magsusubo sa'yo, babe." Anito at sinubuan nga ako ng loko.

Wala akong magawa at kumagat na lang sa pizza na iniumang nito sa bibig ko.

"Masarap?" Tanong nito.

Tumango ako bilang tugon habang ngumunguya.

Nang hindi ako makuntento sa sinusubo nito ay kumuha pa ako ng isang slice at kinain iyon.

Kalahati pa lang ang nakain ko na nasa bibig ko ay kumagat na si Renz sa pizza na kinakain ko at nagkatitigan kaming dalawa. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin.

Kinain nito ng buo ang natitirang pizza na nasa bibig ko hanggang sa lumapat ang labi nito sa labi ko.

"Ito ang pinakamasarap na pizza na natikman ko sa buong buhay ko." Anito at pinalalim ang halik.

Buong puso kong tinugon ang halik nito at bahagya akong napaungol nang sipsipin nito ang ibabang labi ko.

"Don't moan, babe." Saway nito at pinaglayo ang mga labi namin.

Nakita ko na naman ang matinding pagnanasa sa mga mata nito.

"I'm sorry." Hinging paumanhin ko na ikinatawa nito.

"Mas lalo akong tinatayuan sa ungol mo." Natatawang paliwanag nito.

"Puwede mo namang ipasok sa akin habang matigas at tumatayo pa." Hinaluan ko ng konting landi ang boses ko.

Napaawang naman ang mga labi nito.

"Babe naman." Tila nagrereklamo ito at alam ko na ilang sandali lang ay hindi na ito makapagtimpi.

I'm willing and ready to give myself to him. Lalo na at alam ko sa sarili ko na mahal ko ito. At higit sa lahat ay mahal ako nito.

Hindi man namin napag-usapan pa ang tungkol sa pag-amin ng nararamdaman namin para sa isa't-isa ay alam kong sinsero ito sa sinabi nitong mahal ako nito.

"I'm really trying hard to hold back dahil ayokong biglain ka lalo pa at-"

Hindi nito natapos ang sasabihin nito nang bigla akong gumalaw.

Sinadya kong igiling ang katawan ko dahilan para masagi ang sensitibong parte ng katawan nito na alam kong kanina pa tigas na tigas.

"Ambe- Fuck!" Bigla itong napamura nang inalis ko ang butones at binuksan ko ang zipper ng suot nitong pantalon.

Napalunok ako nang kusa nitong inilabas ang alaga nito at gusto kong pagsisihan ang kapangahasang ginawa ko.

"Y-You're s-so b-big. K-Kakasya b-ba s-sa'kin 'yan?" Nauutal at nanlalaki ang mga matang usal ko.

Ngumisi ito at kapagkuwan ay tumayo kasama ako. Binuhat ako nito ng walang kahirap-hirap at dumiretso sa kuwarto at pinahiga ako sa kama.

"You're a naughty wife. And I will punish you for that." Paos ang boses na sambit nito at hinubad lahat ng saplot nito.

Kitang-kita ko ang matitipunong katawan nito nang tuluyan itong nahubad lahat ng saplot nito. Napakaganda ng katawan nito. Kitang-kita sa abs nito na inaalagaan nitong mabuti ang pangangatawan nito.

Pakiramdam ko tuloy ay naglalaway ako, pati na rin ang sa pagitan ng mga hita ko at pumipintig iyon. Tila nasasabik ako sa kung anuman ang gagawin ni Renz ngayong gabi.

Napalunok na lang ako nang bumaba ang tingin ko sa pagkalalaki nito. Nagmamalaki ang alaga nito. Tigas na tigas at tayong-tayo iyon. He was really so big and long.

Pumaibabaw ito sa akin at mapusok akong hinalikan. Dinidiin nito ang sarili sa akin, sinasadyang ipadama ang matigas na sandata nito.

And tonight, I will be giving my all to him. My heart, my soul and my body. Lahat ng iyon ay para lang kay Renz.

Para lang sa asawa ko.

To be continued...

A/N: BITIN.😂😂 Balakayojan.😂😂

Goodnight.😘😘😘

Phoenix Series #4: My Sweetest Enemy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon