Napangiti siya sa tinuran nito. Kahit hindi niya aminin ay ganoon din ang nararamdaman niya dito. Wala siyang nagawa ng biglang manumbalik ang pagtingin na akala niya ay matagal ng nawala sa mga nakalipas na taon ngunit nagkamali siya. Nagpahinga lamang pala ang puso niya sa sakit na isinulot niyon at ng makita ito ay biglang bumalik ng hindi niya inaasahan. Masaya siya sa kinahinatnan ng mga pangyayari. She is contented. Dadalhin niya ang alaalang iyon sa pag-alis niya.

*****

Maingat na binuksan ni Nikki ang pinto ng cottage na inookupa ni Red at maingat na pumasok. Iyon na ang araw ng pag-alis niya. Balak sana niyang sabihin iyon dito ngunit naduwag siya. Mas pinili niyang maaga ang kunin na flight para hindi na ito makahabol pa at pigilan siya na alam niyang siyang gagawin nito. Si Tasha ang maghahatid sa kanya sa airport at iniwan niya lamang muna ito sa ibaba.

Sa ngayon, ako naman ang mangangako Red. Babalik ako at babalikan kita. I’ll be back as soon as possible so that we can be together again. You caused me pain, but it is also you who gave me joy. Being so far away from you is killing me. But knowing that one day I'll be your arms is keeping me alive. I love you so much.

Ilang sandali pa niya itong pinagmasdan bago tinungo ang pinto at umalis sa lugar na iyon.

*****

Since the day you came back, napapansin ko na wala ka sa sarili mo.”

Nag-angat ng tingin si Nikki sa sinabi ni Uchiha. Ilang lingo na siyang nakabalik sa Spain pero gusto na niyang hilahin ang araw at makabalik na siya agad sa Pilipinas.

Tama ito ng sabihin na wala siya sa sarili niya. How could she manage herself if she knew she left her heart and the man she love in the Philippines?

“I know there’s something bothering you. Iyon siguro ang dahilan kung bakit pumayag ka na magpa-interview sa Halberts’ na ilang beses mong tinanggihan.”

“Yeah. There’s really something bothering me and it’s me who should answer every damn issues for the sake of my true love,” seryosong sagot niya. Wala na siyang rason para ilihim dito ang bagay na iyon. Alam niyang lalabas at lalabas ang nararamdaman niya at wala na siyang kontrol para pigilan pa iyon.

Pumalatak ito. “Sinasabi ko na nga ba! Iba ang dahilan kaya ka nagbakasyon sa Pilipinas!”

Iba nga ang dahilan kaya ako bumalik sa Pilipinas pero iba din naman ang naging resulta. I fell in love with him again..

Mabilis na niyang inayos ang sarili at mga gamit niya. Nang araw na iyon din ang naka-schedule ang interview niya sa Halberts’, isang kilalang talk show sa buong bansa at iyon din ang kompanya na may hawak sa kanya sa loob ng maraming taon na pagmamay-ari ng isang Pilipino.

Nang sadyain siya ng manager niya ay sinabi niya dito ang totoo at dahilan kaya gusto niyang ayusin ang mga binabatong balita sa kanya noon pa at ang balita na ikakasal na siya sa kaibigan niya. Nagulat pa siya ng sabihin nito na alam nito ang tungkol kay Red.

“How?” aniya rito.

“Nang ako ang maging manager mo, it’s my job to know kung anong klase na tao ang nakakasalamuha ko. I checked your background and your past and present relationships. Hindi ko na ipinaalam pa sayo because I know you will open up someday. When you called me but didn’t mention where you are, I concluded that you were with him. I did not interrupt. But, are you really sure about the interview? May ilang araw ka pa para umurong.”

“You had been a good friend to me. And a real friend should be treated like a family.” Nginitian niya ito habang hinihintay nito ang iba pang sasabihin niya. “But being with Red and seeing that he suffered three times more than I, mas nasasaktan ako everytime he would look at me with eyes full of pain. It was me who never gave him a chance, it was me who gave up so easily. I took the risks for the second time and look at me now, I am happy.”

Niyakap siya nito. “I am happy. You finally found a real love.”

*****

“Excuse me, Miss? But who are you? Are you sure you’re in the right place?” tawag pansin ni Nikki sa babae na nakatalikod sa kanya. The girl looks like a model in her height. Para din itong mannequin na nakatalikod sa kanya.

“Nice to see you again, Ate Nikki,” anito at humarap sa kanya.

Napakunot-noo siya. Seems like the girl knew her. In fact, the girl said “again”. Kilala niya ba ito? Alam niya sa sarili niya na ngayon niya lamang ito nakita. Mukha itong diwata. But her voice sounds familiar.

“Si kuya lang ang may kasalanan sayo Ate Nikki. Pero mukhang nakalimutan mo na din ako. It’s me, Ella.” Pagpapakilala nito at inilang hakbang ang pagitan nila para yakapin siya.

Nagulat siya at hindi kaagad nakakilos. Ito na ang dalagang nakilala niya noon? “Ella? Oh my God! Aren’t you suppose to be on your-?” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil baka ma-offend ito.

“-wheelchair?” ito na ang mismong nagdugtong niyon. “Pinilit ako ni Kuya na magpatherapy. Thanks God it’s a huge success. Akala ko habangbuhay na akong nakaupo sa wheelchair.”

Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa ng kumalas siya dito. Ella seems different. Pero bukod sa nakakalakad na ito ay nagmature nang husto ang mukha nuito. Parang hindi na ito ang bata na nakilala niya noon. “Akala ko naman kung sino ng modelo ang dumalaw sa akin dito.”

“Patawa ka Ate ha? I can’t imagine you’ll end up in this kind of industry? You are so naïve before!” manghang ganti nito sa sinabi niya.

“What brings you here? Are you with Red?” tanong niya. Nagbabakasakaling kasama nito ang kuya nito pagpunta doon.

“Kuya Red is starving himself to death since you left. Hinahayaan ko lamang siya, bahala siyang mamatay,” natatawang sabi nito.

“Kapag namatay siya, wala na akong babalikan sa Pilipinas para maging asawa.” Napapangiting sabi dito.

Nagningning ang mga mata na tumingin ito sa kanya. “So why you left him without saying a word?”

“I need to kill issues. At kasama sa plano ko ang bumalik agad sa Pilipinas.”

Nagulat ito. “Really? Kuya Red thought you leave him for good! I’m glad babalikan mo ang kuya ko. Know what? Alam ko na ikaw na ang significant other niya when he introduced you to me. Kuya Red searched for you but you are nowhere to find. So, he kept on waiting that one day the two of you can sill be together. He didn’t intend to hurt you on the first place, believe me. Do you still love him?”

“I love your brother, Ella.” Matapat na sagot niya.

“Mabuti naman. Ipapakidnap sana kita kung ang isasagot mo ay hindi. I’ll see you in the Philippines then.”

A Love Too Great To DieWhere stories live. Discover now