He smiled. "Sa lakas mong kumain, alam kong hindi magkakasya sa'yo yun kaya umuwi ka dito a month before. Ako na bahala sa ticket mo."

 "Nagdadance class naman ako dito! Sinasamahan pa nga ako ni Felix, kahit itanong mo pa sa kanya."

Tumawa siya. "Oo na, sige na. Wag mo na banggitin si Felix at baka mamaya hindi na lang papel ang ibato sa'kin dito. Baka tasa na ng kape."

"Ewan ko sa'yo, ang weird mo. Si Bianca na lang ang kakausapin ko mamaya." papatayin ko na sana ang tawag kaso nagtanong pa siya.

"Nagkakausap pa ba kayo ni Charles?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Umiling ako. "Hindi na. Bakit bigla mong naitanong?"

It was a question out of nowhere. Mabuti na lang ay talagang okay na ako kahit pag-usapan pa si CK. His name's not a taboo for me.

Nagkibit-balikat siya. "Akala ko may something sa inyo no'n? Bakit hindi na kayo nagkakausap?" 

Bumuntong hininga ako. "Kuya, kailan ka pa naging chismoso?" tinaasan ko pa siya ng kilay.

"What? I'm just asking." he even laughed a bit.

"Hindi na kami nagkakausap kasi busy ako at siguro busy na din siya sa buhay may asawa." I even shrugged my shoulders. Kita ko ang pagkakatigil niya bago siya umayos ng upo.

"Hindi mo ba alam ang nangyari?"

My forehead creased. "Nangyari saan?"

"Hindi natuloy ang kasal nila ni Katherine."

Ngayon naman ay ako ang napatigil. Their marriage didn't push through? Bakit? Anong nangyari?

I even remembered seeing a single picture I saw before. Sa picture ay kita kong magkahawak kamay si Katherine at CK. Katherine was all smiles in the photo habang si CK naman ay nakangiti din. They look so happy there. 'Yon ang naging dahilan kung bakit nag-deactivate ako sa social media accounts ko. I don't want to see pictures of them. Masakit sa part ko 'yon, at alam kong maiintindihan naman ako ng mga taong nakakakilala sa akin.

I was in the middle of my thoughts when Kuya spoke again. "Wala ka bang nabalitaan tungkol sa pamilya ng Mama mo o kahit sa Mama mo mismo?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. "I've been here for five long years, Kuya. Ang alam ko lang, madalas si Geraldine sa condo niya these past few years dahil sa rising career niya. But news about Mama and Katherine? Wala. Although I heard the news about their engagement party two years ago. Pero bakit hindi natuloy ang kasal nila? Aas far as I can remember, Mama badly wants them to be together." 

Sigurado akong okay na ako, pero kapag pala unti-unting binabalikan at pinag-uusapan ang nakaraan, mapait pa din pala sa dila. Bakit hindi natuloy ang kasal nila? Ano kayang nangyari?

"Your mother and his husband flew out of the country because of what they did to Charles' family."

Kinabahan ako dahil sa ibinalita ni Kuya. Anong ginawa nila Mama? 

Hindi na hinintay pa ni Kuya na tanungin ko siya dahil ipinaliwanag na din niya agad. At hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

"Naalala mo ba yung business ni Tito Romer at ni Tito Kristoffer?.." I nodded at him. "It was all getting well the first year but the following years, may ilang pondo na nawala. They thought it's just natural dahil ganoon naman talaga ang business. But then the digits that went missing became millions, hanggang sa nakareceive sila ng report na nagka-casino pala ang tatay ni Katherine. It happened that the money that Tito Kristoffer's been giving for their business, napupunta pala sa pagka-casino ni Tito Romer. So the marriage was forfeited. Nang marealize ng mga Marquez na malaking halaga na talaga ang nawawala, your Mom and Tito Romer were already out of the country."

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon