Epilogue
Huminga ako ng malalim habang nakatanaw sa pinakasikat na tower ng Paris. Isang taon na akong naninirahang mag-isa dito. Dalawang taon simula nong nakagraduate ako at ang mga perverts na yun. I miss them all. Namiss ko kung paano nila pinag-aawayan kung anong magandang bra at panty. Kung paano sila manood ng mga rated SPG. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko yun.
"Hey"
"Nasaan ka?"
"Nasa bahay ko. Nagpapahinga"
"Come home, Flat. Miss na miss na kita. Hindi na ako nakakapagtrabaho ng maayos dito. Please" Tumawa ako. Araw araw kasing tumatawag sa akin si Pula. Saying how he miss me and asking me to go home.
"I can't. May isang linggo pa ako diba, Pula. Uuwi din naman ako pagkatapos ng isang linggo"
"But I miss you! Umuwi ka na, araw araw akong namamatay dahil wala ka sa tabi ko"
"Gago. Araw araw ka din namang tumatawag eh!"
"Hindi mo na ba ako mahal? Hoy Flat! Sinasabi ko sayo, wag na wag mo kong ipagpapalit dyan! Kapag nalaman kong pinagpalit mo ko, iiwan ko talaga ang trabaho dito at lilipad dyan!" Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Kahit ilang taon kaming hindi nagkita, he's still possessive.
"I miss you too, Pula. I love you"
"I love you too, Flat. Damn. Umuwi ka na kasi" Napatingin ako sa maleta kong nasa kama na may lamang mga damit.
"Sige na, Pula. May pupuntahan pa kasi ako eh"
"Kakatawag ko lang sayo ha! Miss pa nga kita eh" Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kilig. Pula doesn't fail to make me smile "Flat, gusto kong pumunta dyan. Sige na. Payagan mo na kasi ako"
"Hindi kasi pwede! Putangina naman eh!" Umarte akong galit. Kasi naman ang kulit kulit niya! "I need to go"
Binababa ko ang tawag at kinuha ang mga gamit ko at lumabas sa bahay. Nakita ko ang kapitbahay ko na nagdidilig ng halaman.
"Hey, Alice! Where are you doing? Are you moving out?" Umiling ako.
"No. I'm going home to the Philippines" Nakita kong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"I thought you'll leave next week. Can't wait to go home, eh?" Tumawa ako at tumango.
"Yeah and my boyfriend can't wait too. He's been calling me everyday and asking me to go home"
"Aww. That's so sweet" Lumapit ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko "Take care lil Alice"
Tumango ako at sumakay na sa taxi na maghahatid sa akin papunta sa airport. Akala kasi ni Pula na next week pa ako uuwi, i'm gonna surprise him. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?
***
"Miss, sinabi ko na sayo. Kilala ako ng boss mo" Inis kong sabi sa babae. Ayaw kasi akong papasukin sa opisina ni Pula. Ito ang unang lugar na pinuntahan ko pagkatapos ng isang taon tapos hindi lang ako papapasukin? Tangina.
"Ma'am, maraming nagsasabi ng ganyan sa akin. All the girls want to see our boss. Crush mo ba boss namin? Wala kang pag-asa ma'am. Our boss is the most famous chef in the world, bukod dun may mga kompanya rin ito kaya hindi pwedeng makipagkita siya sa kung sino sino lang"
"Hindi ako kung sino sino lang!"
"Sige ma'am. Kung kilala ka niya, sasabihin ko kung nasaan siya ngayon"
"Saan? Pagod ako kaya bilisan mo!"
"Nasa eskwelahan siya kasama ang mga kaibigan niya na sina Sir Andre. Kung kilala ka talaga niya, malalaman niya kung saan yun" Anong ginagawa nila dun?
Dali dali akong sumakay sa taxi papunta kung saan kami unang nagkita. Hindi ko pwedeng tawagan siya dahil malalaman niya. Nakakainis din yung secretary niya, may pataas taas pa ng kilay. Lagot ka talaga kapag kasama ko na si Pula.
"Tangina" Mura ko ng makalimutan ko ang mga gamit ko sa kompanya ni Pula. Nagmamadali na kasi ako! Babalikan ko na lang yun.
Nang makarating ako ay dali dali akong pumunta sa room. Parang nagflashback lahat ng nangyari noon. I miss this room. Ito yung lugar kung saan ko nakikilala sila. I smiled and then entered the room.
(Play ninyo ang video na nasa taas kung gusto ninyo 😊)
Lumabas lahat ng luha ko dahil sa mga nakikita ko. Pictures. Ang rami raming pictures ko na kasama sila. Nakasabit iyon. May mga stolen, meron ding hindi. Mayroong naiinis ako at sinisigawan sila at mayroong tumatawa ako kasama sila.
"Ahem" Nilingon ko kung sino yun. Nilapitan ko siya at niyakap.
"What's this?"
"Alice" Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ano nga to? Bakit may ganito?"
"I.. I don't know what to say" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya "But listen to me, Flat. Mahalaga ang sasabihin ko sayo. Hindi ko na to uulitin"
Huminga siya ng malalim at tinignan ako sa mata. I can see his sincerity in his eyes "You're not the perfect woman I've met. Nagmumura ka, madaling magalit, nanunutok, at flat pa. But I love everything about you, Flat. I love your face, your hair, your kisses, your touch, your 'i love yous', everything about you. Every time I look at you, I feel complete. Hindi ko alam kung paano mo yun na gagawa. You also understand me more than myself. You always support me with everything that I do. Thank you, Flat" I wiped my tears. Hindi tumitigil ang mga luha ko sa paglabas.
Lumuhod ito sa harapan ko at nilabas ang isang kumikinang na bagay "I don't wanna do anything without you, Flat. Gusto ko lahat ng achievements and failures ko, kasama ka. Flat, will you marry me"
"Gago ka. Pinapaiyak mo ko" Ngumiti ito sa akin "Of course i'll marry, kahit saan at kailan, papakasalanan kita"
Sinuot niya ang singsing sa kamay ko at tumayo.
"Thank you, Flat. I love you"
"I love you too" Pumikit ako ng maramdaman ang mga labi niya. Siya dapat ang ma surprise dahil sa pag-uwi ko, but I didn't expect this.
"Tama na yan! Kumain tayo! Gutom na kami" Lumayo ako kay Pula ng marinig ang mga boses ng mga tukmol. Kahit na hindi ko aminin alam kong namiss ko sila.
"Mga gago kayo"
***
Ate Maye's Note: Yaay! Tapos na ang LWTP 💞 Maraming maraming maraming salamat sa pagbabasa at suporta ninyo. Ang mga comments at votes ninyo ang nagbigay inspirasyon sa akin para matapos ko to. Thank you so much Kittens! I love you 💞💕
BINABASA MO ANG
Life With The Perverts (COMPLETED)
Teen FictionBook two of Room Of Perverts Date Written: October 12, 2018 Date Finished: June 11, 2019