"Palikero? Gen, ano ka ba, marinig ka!" pabulong lang pero mariin ang pagkakasabi nun ni Mica.
"Bakit, totoo namang palikero siya ah? He cheated on you, remember? At sa'yo na rin nanggaling, mula nang magkahiwalay kayo dati hindi mo na mabilang sa kamay mo kung ilan na ang naging girlfriend niya."
Naiiling na lang na nagpatuloy sa pagkain si Mica. Alam niya kasing sa lahat ng ayaw ko, 'yung manloloko.
Wala pa akong naging nobyo buong buhay ko. Isa sa dahilan nun ay dahil natatakot akong masaktan. Pero kahit na ganun, pangarap ko pa rin naman magkaroon ng pamilya. 'Yung pamilya na masaya. 'Yung uri ng pamilya na kahit na kailan hindi ako nagkaroon. Panigurado naman may isang tao sa mundo na nakalaan para sa akin. Isang tao na magpapasaya sa akin at hindi ako lolokohin.
"Do you like the food?"
Napatingala ako ng may magsalita sa harap namin. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Liam.
"Oo, masarap ang pagkain." Narinig kong sagot ni Mica mula sa tabi ko.
Tinitigan ko ang mukha ng lalaki. Ang gwapo talaga e. Sayang babaero lang.
Bago ko pa napigilan ang bibig ko nasabi ko na lang bigla. "Alam mo gwapo ka sana e, palikero ka lang."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Napatitig pa siya sa akin. Si Mica, hinampas ako bigla.
"I'll take that as a compliment," ani Liam habang halatang pilit ang ngiti. Huminga siya nang malalim saka nagpa-alam sa amin at pumunta sa kabilang table.
"Gen! Ano ka ba naman? Nakakahiya dun sa tao!" pabulong ulit pero halatang may inis sa tono ni Mica.
"Sorry naman, bru! Alam mo namang hate ko ang mga manloloko 'di ba?"
"Yeah, I know that. Though hindi ko makuha kung saan nanggagaling 'yang galit mo sa kanila since hindi ka naman nagka-boyfriend kahit kailan."
"Nakakasira sila ng pamilya, Mica. 'Yun lang 'yun."
Tumango na lang siya at nag-make face sa akin. "Whatever, Gen. Kumain ka na lang d'yan," aniya.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Nakakadalawang subo pa lang ulit ako nang marining ko ulit na magsalita si Mica.
"Alam mo bang recipe 'yan ni Liam?" aniya.
Natigil sa ere ang isinusubo ko nang marinig ang sinabi ni Mica. Tinignan ko pa uli 'yun bago isinubo. Habang ngumunguya ay sinabi ko, "talaga? Pagkain siguro ginagamit niyang panghatak ng mga babae."
Tumahimik na lang si Mica saka bumuga ng hangin. Alam niya kasing hanggang matapos ang araw ay hindi ako titigil sa kakasira sa ex niya.
"Hello, kuya Maico?"
Napatingin ako kay Mica nang magsalita siya. Mukhang kausap niya sa telepono ang kuya niya.
"Ngayon na?" tanong niya pa sa kausap sa kabilang linya. "Okay sige, I'll be there in 15 minutes," aniya bago ibinaba ang tawag.
"Kuya mo?"
Tumango siya.
"Bakit daw?"
"May emergency daw siyang kailangan puntahan sa opisina e. Si Ate Jacky nasa out of town. Kailangan ng magbabantay muna kay JM," aniya. Si JM ang anak ng Kuya Maico niya.
"Ganun ba? Okay." Napatingin ako sa pagkain na hindi ko pa naubos. Kinuha ko na lang ang juice at uminom nun bago ako tumayo. "Tara na?" sabi ko.
Hindi naman kasi ako close sa may-ari ng restaurant para magpa-iwan kung aalis na si Mica. Plus-one niya lang naman kasi ako.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...
Chapter Three
Magsimula sa umpisa