Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit? Bakit alam niyang mahal ko siya? At bakit kailangan niyang ipamukha sakin na hindi niya naman talaga ako minahal? Na para bang kahit makaalala na siya ngayon, wala pa rin akong kwenta sa paningin niya. Na hinding hindi ako magkakaron ng halaga sa buhay niya.
"A-alam ko naman yun eh." Nakagat ko yung lower lip ko at tumingin sa langit.
"Alam na alam, renjun. Nung umamin ka pa lang sakin dati na mahal mo rin ako, nagdoubt na agad ako eh. Pero nalimutan ko yung doubt na yon kasi pinaramdam mo sakin na mahal mo nga ako." Napatigil ako para tignan siya. Nakakunot ang noo niya na para bang nalilito sa mga sinasabi ko.
"Pinaramdam mo kasi eh..." Pumiyok pa yung boses ko sa pagkakasabi ng mga salitang yon. Hilam na ang mata ko gawa ng mga luhang nag uunahan sa pagtulo.
"Nagmahal lang naman ako, renjun, diba? Tiniis ko naman lahat ng sakit dati kasi mahal kita eh. Mahal na mahal kita. Kahit na di tayo tanggap ng buong school kasi ibang level ka eh. Ibang usapan na pag ikaw yung involve. Kaya nga kahit palagi akong nabubully ng dahil sayo, nagpatuloy pa rin ako kasi ikaw lang yung nag iisang lalaki na nagpatibok sa puso ko ng ganito eh. Masaya naman tayo kahit na di tayo tanggap ng iba diba? Masaya naman tayo eh. Masaya tayo... kaso wala eh. Illusion lang pala yung saya na yon lalo na nung malaman ko na naaksidente ka."
Napatigil ako at napaupo sa damuhan. Nakaawang lang ang labi ni kaena habang nakatingin sakin at si renjun naman ay nakatitig lang sakin na parang wala lang sa kanya lahat. Napangiti ako at napatitig sa kalangitan. Magdidilim na pala.
"S-sobra sobra yung sakit nung nalaman kong naaksidente ka. Lalo na nung malaman kong nawalan ka ng alaala. Nung pagkagising mo, ipinagtabuyan mo agad ako. Na pinamukha mo saking di ako importante sa buhay mo. Na di ako belong dyan sa buhay mo kasi eto lang ako! P-pero di naman kita sinukuan ah? Di kita sinukuan kasi nagtiwala ako na maaalala mo ulit ako! Na maaalala mo ulit yung pagmamahal na meron ka sakin! Pero kasi renjun, kahit na malakas ako, kahit na sobrang tapang ko nung mga panahon na yon, kahit na patuloy kong hanapin yung renjun na mahal ako, anong magagawa ko? Ayaw niya namang magpahanap eh. Ayaw na niyang magpahanap kasi kuntento na siya sa mga alaala na natatandaan niya." I smiled as my tears fell down. It stings. My heart is in pain. And i don't want to continue anymore. I don't want to love him anymore if it will always cause me so much pain to the point that i no longer feel anything.
"Alam mo ba, ang akala ko talaga, kapag nagkaamnesia ang isang tao, matatandaan pa rin ng puso niya yung mga alaala na nawala sa kanya na tinetreasure niya. Pero di mo naman ako naalala eh. At isa lang ang pumasok sa utak ko nung mga panahon na sinasabi nila saking hindi nakakalimot yung puso. Alam mo ba kung ano yon? Hm?" Tinignan ko siya ng nakangiti bago ko sinabi yung mga kasunod ng tanong ko na yon.
"N-na hindi mo naman talaga ako m-m-mahal, renjun."
Napahagulgol na ako dahil sa sobrang sakit ng puso ko. Ang hirap hirap naman ng ganito. Bakit ba kasi kailangang humantong sa ganito lahat ng pangyayari?
"After everything that happened, hindi pa rin kita makalimutan. In those two years, i've been questioning myself again and again. Ano bang ginawa ko para maranasan lahat ng sakit na dinudulot mo sakin? What did i do to deserve this, renjun? Or do i even deserve this pain? Kasi kung oo, sige pa. Saktan mo lang ako. Pero bago yon, you need to tell me the reason why i deserve to suffer because of loving you too much, renjun. Minahal lang naman kita. Kasalanan na ba ngayon ang magmahal?"
Tinuon ko ang mga mata kong puno ng luha kay renjun. Nakaawang ang labi niya at litong lito ang expression. Napangiti ako.
Bigla siyang nawalan ng balance kaya muntik na siyang matumba. Buti na lang at naalalayan siya kaagad ni kaena. Naupo sila sa bench sa gilid kaya napangiti ako kahit na ang sakit sakit. Napahawak siya sa may bandang temple niya na para bang sumakit yon at nakapikit siya. And then, minutes passed and he looked at me again with adoration, love, and pain in his eyes.
Please don't look at me like that, renjun. I've had enough of this game. I've had enough of hating moomin. I've had enough of giving you letters every single day these past two years. And i've had enough of loving you too much because it hurts so much. So much, renjun.
"Don't answer my stupid and selfish questions, renjun. Salamat sa lahat, pasensya na rin kung after two years lumapit ulit ako sayo. Di sana mangyayari lahat ng nangyayari ngayon kung hindi ko kinuha yung moomin mo. Yung moomin mo na iniwan ko dati sa hospital room mo nung di ka pa nagigising. Para sana yon sa 1st anniversary natin kaso naaksidente ka eh. Pero tapos na yon. Nakikita ko naman na ayos ka na ngayon kahit na di na bumalik yung alaala mo. Kaya panahon na siguro para sarili ko naman yung ayusin ko."
Tumayo na ako at pinalis ang mga luha bago ngitian silang dalawa. Nagtagal ang tingin ko kay renjun na blanko na ngayon ang expression. Ganyan nga renjun. Wala ka dapat pake sakin.
"This will be the last and i'm going to give you something special that you deserve. I love you. And i'm ready to forget you." Inisang hakbang ko ang pagitan namin at hinalikan siya sa lips.
Ilang segundo din akong nagstay at hihiwalay na sana ko ng ipalibot niya ang kamay niya sakin ng hindi pa rin hinihiwalay yung lips niya sa lips ko.
Saglit siyang humiwalay at nginisian ako sabay sabing, "Asa ka."
And with that, he kissed me again.
〰〰✡〰〰
iyah: hey, sorry if magulo. next chap is also a narration. still kai's pov :))
BINABASA MO ANG
moomin | h.renjun
Short Story"putangina mo, ibalik mo sakin yung moomin ko." ▪status: completed ▪date started: 01-01-19 ▪date finished: 07-20-19 ▪epistolary/narration 〰 r e a d a t y o u r o w n r i s k 〰
046 || kai
Magsimula sa umpisa