"Hindi ako natatakot." Nalabanan ko ang pagkautal ng boses ko pero hindi ko malabanan ang takot at kilabot na nararamdaman ko ngayon. Mabilis ang tibok ng aking puso at nararamdaman ko ang panginginig ng aking kamay na katago sa aking likuran. Ayokong makita nila na natatakot ako sa kanila.
Napatingin ako kay Killian nang tumawa siya na parang bang may nakakatawa sa sinabi ko.
"Really? You're not scared? Or you're acting like you're not affected to what Killiam said." I bit my lower lip to control my anger. Naiinis talaga ako sa Killian na ‘yan!
"Don't challenge me, I can kill the three of you right to prove that I'm not scared!" Mas lalo akong nainis nang tumawa siya na para bang wala lang sa kaniya ang pagbababanta ko.
"Ironic. I thought you're going to attack me. It would be my pleasure to fight you even though I'm tied up here." This girl is really annoying! She has the confidence that makes me annoyed!
Akmang susugurin ko na siya nang bigla akong pigilan ni Spike. Isang masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya at pinilit alisin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak niya.
"Stop it. ‘Wag kang magpadala sa galit na nararamdaman mo." Kalmadong sabi ni Spike.
"Minamaliit nila ako! Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?! Hayaan sila na maliitin lang ako?!" I wanted to kill Killian. I'm really pissed off!
"Don't be affected. Gumagawa lang sila ng paraan para mas makilala ka ng husto at para malaman nila ang kahinaan mo. ‘Wag mo silang bigyan ng dahilan para masabing isa kang tanga dahil kahit wala silang ginagawa ay nagagawa nilang paikutin ka sa palad nila." Natigilan ako sa sinabi niya.
"A-Ano?"
"Wow, you're smart enough to know what's on my mind." Nakangising sabi ni Killian habang nakatingin kay Spike. "Mas naging interesado ako sa ‘yo kaysa sa kasama mong tanga." Natagis ang bagang ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinablot ang panga niya.
"Don't you dare to underestimate me!" Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa panga niya.
Marahas niyang ipinilig pakanan ang kaniyang ulo dahilan para mabitawan ko ang kaniyang panga, at sunod niyang ginawa ay dinuraan ako sa mukha.
"You're disgusting!" Sigaw ko sa kaniya at pinilit na pinigilan ang galit ko.
"Same to you—Bitch." Nakangiti niyang saad. Natigilan ako at natutulala sa nakangising si Killian.
How did...
Nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Spike palabas ng kuwartong ‘yon. Nang isara niya ang pinto. Isang malakas na sampal ang ginawad niya sa aking mukha dahilan para mapa-upo ako sa sahig at tumalsik ang maskara at ang voice changer device na gamit ko.
"S-Spike..." Ramdam ko ang galit niya. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko nang magsulubing ang aming paningin. Sobrang sama ng tingin niya sa akin dahil isang katangahan na naman ang nagawa ko. "H-Hindi ko sinadya. Nadala lang ako ng galit ko kaya—"
"Ikaw mismo ang sisira sa planong binuo mo." Agad na tumulo ang luha mula sa aking mata. Naiinis ako... Nagagalit ako... "Wala na akong pakialam sa plano mo, Spane. Pero gusto ko pa ring maghiganti kaya ako naririto sa tabi mo. Kaya ako lulumalaban kasama mo." Nanginginig ang nakakuyom niyang kamay. Pinipigilan niya ang galit na nararamdaman niya, pinipigilan niya ang sarili niya na saktan ako. "Gusto ko nang matapos ‘to para makapag-move on na tayo sa nangyari. Gusto ko nang makasama si Lina. Gusto ko na ng tahimik na buhay." Natulala ako sa sinabi niya. Namalayan ko na lang na mapang-uyam akong tumatawa habang nakatingin sa papalayong bulto ni Spike.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...
Chapter 46
Magsimula sa umpisa