Ayoko i-pity ang sarili ko dahil sa mga ganitong bagay, wala akong magagawa. This was given to me by God. I should accept it with all my heart.
"Please? Kahit hanggang 1:30 AM na lang. Promise." pagpupumilit niya. Sasagot na sana ako noong may lalaking sumingit.
"Ambrozia? Pwede ba kitang isayaw?" nahihiyang tanong nung lalaki. Gwapo na naman as usual. Bakit ba ang daming gwapo dito sa baryong 'to? Nagtago ba lahat ng gwapo dito?
Pa-salvaged ko lahat ng gwapong narito eh! Nakakainis kasi. Inaantok na ako! Grrr.
Napa-ikot ako ng mata ng tumango si Zia doon sa lalaki.
"Sure. Wait mo ko, Goryang. Magtatampo ako sayo kapag iniwan mo ako." banta niya. Inirapan ko lang siya at walang nagawa kundi umupo doon at hintayin siya.
Nagsayaw na sila habang ako naman ay inalis ang salamin dahil nanlalabo na ito habang sinasabayan ang "This I Promise You" na tugtog. Nakaka-bitter ang mga kanta nila for me. Pero alam ko yung iba kaya nasasabayan ko. Kung pwede nga lang din palitan ng KPOP songs mga pinapatugtog nila, pinalitan ko na. Pinunasan ko na lang ang salamin ko tsaka muling sinuot pero bigla akong natigilan noong may nakatayong lalaki na sa harapan ko.
Ba't di ko man lang siya napansin? Hindi malabo ang mata ko at mas lalong di ako bulag. I only wear eyeglasses for anti-radiation and for a fashion.
Nakaupo ako kaya naman ay hanggang tiyan niya lang ako. Dahan-dahan kong tiningala ang lalaking estranghero at napaawang ang mga labi ko ng makita ko ang itsura ng lalaki.
He looks like a KPOP celebrity.
SHEET!
Ba't ang pogi naman nito?! Kumpara sa mga nagsasayaw kay Zia, mas gwapo ang isang ito.
Kamukha niya iyong jowa kong Koreano! Si Cha Eun Woo!
Teka nga muna— bakit ito nasa harapan ko? Anghel ba 'to na ibinagsak mula sa langit para sakin? Naawa ba sakin si Lord? Lol!
Tinignan ko siya ng maigi. Napamulagat ako noong ma-realized kong pamilyar siya. Saan ko nga ba ulit siya nakita?
Hmm.
Saan ulit?
Ah!
Tama!
Kahapon ng isa!
Sa posohan!
Kasama niya iyong mga lalaking nagtatawanan. Siya iyong tahimik sa kanilang magkakaibigan. Kabaliktaran nung crush ko— na kamukha ni Sean O'Pry pero di ko alam ang name.
Napakurap ako. Umubo ako ng mahina, "Ah, Kuya? Anong kailangan mo?" tanong ko. Tinignan ko siya sa mata at nagkatitigan kami. Nagulat ako sa matalim at malalim na tingin niya. And I can feel his dark aura. Ewan ko. Minsan talaga ay nakakaramdam ako nang ganun dahil na rin siguro sa kakabasa ko. Nai-a-apply ko na sa totoong buhay minsan.
Hashtag Imagination Mo Ang Limit.
"Let's dance."
Obviously, he's not asking me. Napanganga ako. Ano daw? Sayaw kami? Nabingi yata ako doon ah? Take two nga please o di kaya rewind? Pwede ba?
"I'm not asking you anyway, so stand up." rinig kong utos niya at basta na lang ako hinatak patayo tsaka dinala sa gitna kung saan may mga nagsasayaw pa rin. He took my hands and put it on his shoulders while he wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him.
Para kaming nakayakap sa isa't isa habang sumasayaw!
Hmmm...
His breath smells mint mixed with alcohol.
BINABASA MO ANG
Stolen Dance
RomanceOne vacation trip. One stolen dance. Gorya Abalos never intended to fall in love with August Manuel, the man whose her best friend likes and the one who stole her first real dance. She never intended to fall in love with him because Gorya always tho...
Stolen #1
Magsimula sa umpisa