Marahas na binitiwan ni mysterious princess ang kamay ni Chariz. Hindi makapaniwala si Chariz sa ginawa ni mysterious princess.

“Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?!” galit na tanong ni Chariz. Mukhang naubos na ang pansensiya niya.

Tumabingi ang mukha ni mysterious princess at parang sinuri niya ang kabuuan ng mukha nito. Napabuntong hininga pa siya.

“What the hell are you doing?! Hindi mo ko kilala kaya h’wag mong hayaan na mapuno ako sa’yo! Dahil sa oras na ‘to, gustong-gusto na kitang patayin!” sigaw pa ni Chariz.

Halos ang lahat ng babae’ng nakakakilala kay Chariz ay nahihintakutan sa pagbabanta nito. Marahil ay, kaya niya ngang gawin ang mga sinasabi niya. Pero parang walang epekto ang pananakot ni Chariz. Wala pa rin kasing ekspresyon si mysterious princess.

Napangisi  si mysterious princess. Nilapitan niya ito. Nagulat naman si Chariz sa paghakbang na ginagawa niya. Nilapitan niya ito ng malapit na malapit.

Nag-level ang mata nila dahil magkasingtangkad sila. May binulong si mysterious princess at halos manlaki ang mga mata ni Chariz sa gulat. Napaawang ang bibig nito. Walang nakarinig ng sinabi niya dahil tanging sila lang dalawa ang may alam noon. Tinalikuran siya ni mysterious princess at pinuntahan ang mga kasama.

Naiwan naman na nakatulala si Chariz. Ano kayang sinabi niya? Nakita ko kung paanong pinagkuyumos ni Chariz ang mga kamao niya at halata sa buong mukha niya na nagalit siya at hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Akala ko ay mapupunta na talaga ito sa away. Pero nagpapasalamat ako at hindi. Pero bakit hindi pinatulan ni mysterious princess si Chariz? Kung tutuusin ay kaya niya. At ano naman kaya ang sinabi niya na nakapagpagalit kay Chariz ng husto? Bakit ganoon siya? Napaka-iba niya. Kaya niyang manakot sa simpleng salita at tingin lang niya.

“Baby!” anas ni Hera sa akin.

Tapos na ang mga klase ko kaya nandito ako sa quadrangle ng school at hinihintay nalang si Hera. Nilapitan niya ako at hinalikan sa labi. Mabilis lang ‘yon. Pero alam kong namula ang mga pisngi ko dahil nahihiya ako sa dami ng tao na nakatingin sa amin.

“Hahhaa!” mahinang tawa niya. Napatingin ako sa kaniya, binigyan ko siya ng mga matang nagtatanong kung bakit siya tumatawa, “Your blushing, baby. You’re so cute,” anas niya saka pinisil ang pisngi ko.

Napangiti naman ako dahil sa kakulitan niya, “Let’s go. I’ll drive you home.” anyaya ko.

Nagpout siya. Napakunot naman ang noo ko, “ I can’t go with you, baby.” Malungkot na anas niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

“We have to finish our project today. We’ll go to Beatrix house,” anas niya. Alam ko na marami na rin silang ginagawa na projects ngayon.

“It’s okay, I understand.” Nakangiting anas ko, “I-text or tawagan mo nalang ako pag tapos kana. Susunduin nalang kita,” anas ko.

“Yeah. I’ll text and call you. Bye baby, I love you!” nakangiting sabi niya.

Muli niya akong dinampian ng halik sa labi. Hindi ko alam pero kinikilig ako. Alam kong mahal na mahal ko siya at gustong-gusto ko ang pagiging sweet niya. Umalis na siya at nakita ko pa siyang sumakay sa kotse ni Beatrix. Si Beatrix ay isa sa mga kaibigan niya.

Napagpasiyahan ko ng pumunta sa parking lot. Maaga din kasing umalis si Drea ngayon dahil tutulong pa daw siya sa restaurant ng tatay niya.

Sumakay na ako sa kotse ko pero hindi ko pa man naisasara ang pinto, may humablot na agad ng kwelyo ng damit ko at itunulak ako. Napasubsob ako sa sahig. Mabuti nalang at naiharang ko ang mga palad ko at ang mga yon ang gumasgas sa simento. Pero naramdaman ko ang paghapdi ng mga yon. Hindi pa man ako nakakarecover sa ginawa nila, may humawak na kaagad sa kaliwang braso ko at marahas akong itinayo.

UNFAILING LOVE [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon