Jeepney Diaries

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkasakay na pagkasakay ko, umupo agad ako. Nagulat ako nung nakita ko SIYA.

Sa ismong pwesto nya dati. Ganung-ganun pa rin. De Ja Vu, ika nga.

Tinititigan ko sya, habang nagsusulat sya sa notebook nya. Hindi pa rin sya nagbabago.

Dahil sa pasulyap-sulyap ko, hindi ko napansin na may bumaba na at sumakay sa Jeep.

Nagulat na lang ako ng may naramdaman akong parang tumutok sa tagiliran ko at kasabay noon ay ang pagsigaw ng isang lalaki ng:

"HOLD-UP TO!"

Labis na pagkatakot ang bumalot sa pagkatao ko. HIndi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Parang bigla na lang nawala ang utak ko.

"Ibigay nyo lahat ng pera at gamit ninyo." Maawtoridad na wika ng lalaki. " Kung ayaw nyong barilin ko ang babaeng to."

Bakas din sa mukha nila ang pagkatakot at pag-aalinlangan kung ibibigay ba nila o hindi.

Alam ko naman na pinaghirapan nila iyon. Bunga iyon ng pagod at pawis ang mga gamit nila.

Ngitian ko sila at dahan-dahang umiling.

Mukhang naintindihan naman nila kung kaya't tumigil sila sa paghahalungkat ng mga gamit nila na naging sanhi ng pahkakairita ng mga holdaper.

"Hindi nyo ibibigay ah! Makikita nyo ang hinahanap ninyo!"

Naramdaman ko na parang kakalabitin na nya ang gatilyo. Pumikit na ako dahil alam ko na ang kahahantungan nito.

Pero bago pa man nito tuluyang makalabit ang gatilyo ay may naramdaman akong yumakap sa akin at kasabay nito ang:

BANG!!

At nawalan na ako ng malay.

Pagkagising ko, puro puti ang nakikita ko. Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong ospital pala ang kinalulugaran ko.

Nung bumuti na ang pakiramdam ko, nagsimula na ang mga pulis na tanungin ako ng kung anu-ano. Ikinuwento ko ang lahat ng naalala ko. At sa kalagitnaan ng pagkausap nila sa akin, may nalaman akong nagpaguho sa mundo ko.

WALA NA SYA, PATAY NA SYA. PATAY NA.

Nung nalaman ko yun, bigla ma lang akong nagpahagulgol. Sya pala ang taong yumakap at nagligtas ng buhay ko.

Inabutan ako ng isang pulis ng notebook na mababakasan pa ng dugo.

Pagkabuklat ko, bumungad sa akin ang mga katagang:

DIARY KO!

(My Jeepney Diaries)

Private Property of:

Luke Calzado

So, Luke pala ang pangalan nya.

Nung nilipat ko pa ang mga pahina, nabasa ko ang mga salitang lubos na nakapagpaiyak sa akin.

****************************

Diary ko,

Eto na naman sya, makakasabay ko nanaman sya Jeep. Ang ganda talaga nya kahit kelan.

****************************

Diary ko,

Magkatabi kami ngayon, grabe sobrang ganda talagan nya. Bagay pa sa kanya yung damit nya ngaun :)

***************************

Diary ko,

Ang cute nya. Muntik pa syang makatulog sa Jeep. Pero ang ganda nya pa rin.

***************************

Diary ko,

Haaay, Last ko na ata syang makikita ngayon. Lumipat kasi ako ng school. Sayang hindi ko na makikita pa yug maganda nyang mukha at nakakainlove nyang ngiti. At dahil baka last ng pagkakataon ito, ngigitian ko sya.

*****************************

Diary ko,

Wow, after ilang months nagkita ulit kami. Destiny ba to. Wooo Corny. Haha. Pero nung mga panahong hindi ko na sya nakikita napatunayan kong MAHAL KO SYA. Hindi lang sya simpleng gusto. Sana mamaya maaamin ko na. Sa tingin ko nakapag-ipon na naman ako ng lakas ng loob. MAHAL NA MAHAL KO TA-

******************************

Yun ung nasa pinakahulihan. Mukhang hindi nya ito natapos. Ito yung araw na naholdap kami. Yung araw na muli ko syang nakita.

Pero tadhana nga naman, NAMATAY PA SYA sa ARAW na MAGAAMINAN KAMI!

****************************

Ilang taon nang lumipas, subalit hindi pa rin sya mawala sa isip ko. Tuwing naalala ko sya binabasa ko yung diary nya. At hindi ko maiwasang maiyak.

Sayang. Kung kailan may tao ng tunay na nagmamahal sa akin,  dun pa may nagyaring trahedya. Hindi lang siguro kami para sa isa't isa.

Pinilit ko syang kalimutan. Ginawa ko lahat.

HINDI NA SYA BABALIK PA. HINDI NA. PATAY NA SYA, KAYA KALIMUTAN MO NA. PERO LUKE, SALAMAT SA LAHAT NG ARAW NA MAGKASABAY TAYO SA JEEP. SALAMAT SA LAHAT. PIPILITIN KONG MAGHANAP NG IBANG TAONG MAMAHALIN KO. PERO, HINDING HINDI KITA MALILIMUTAN HANGGANG SA ARAW NA MAMATAY AKO. HINDI KO MAN NASABI SAYO LUKE, MAHAL NA MAHAL KITA. SALAMAT SAIYONG JEEPNEY DIARIES.

"Para!"

Sigaw ko ng makarating na ako sa aking patutunguhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jeepney DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon