Nadatnan ko si Leah sa front desk habang kausap si Aliyah ngunit nang nakuta ako ay nagpaalam siya kay Aliyah at saka nagmamadaling lumapit sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nadatnan ko si Leah sa front desk habang kausap si Aliyah ngunit nang nakuta ako ay nagpaalam siya kay Aliyah at saka nagmamadaling lumapit sa akin.

“Haze, si Joel, naglalaway na naman kay Pappy guest!” natatawang kwento ni Leah at hinila niya ako patungo sa may pool.

Doon, nakita ko si Zachary na lumalangoy sa pool. Napalingon ako kay Joel na ngayon ay nakatulala pa rin habang nakatago sa isang halaman.  Gusto kong matawa sa kanyang reaksyon pero tinakpan ko na lang ang bibig ko upang pigilan ang sarili na tumawa. Bigla siyang pinalo ni Leah at napalakas yata kasi bigla siyang sumigaw.

“Aray!” sigaw niya sabay lingon sa amin.

Nanlaki ang mata ko nang nakita kong natigilan si Zachary at bago pa man siya makalingon sa amin ay umupo kami agad at nagtago sa halaman. Hinila ko ang laylayan ng damit ni Joel.

“Gagi, bakit mo binobosohan ang guest?” natatawang tanong ni Leah samantalang nangangati na ako rito dahil sa sobrang sikip.

Bakit nga ba ako narito?

“Pakialam mo ba, Leah!” Umirap si Joel at naghanap ng butas sa halaman. “Pero shit, ang hot ni Pappy! Kitang-kita ko ang bakat! Paano kaya kapag nakapasok na iyan sa kipay ko?”

Hindi ko maiwasan ang mamula sa sinabi niya. Napakagat na lang ako sa aking labi at nag-iwas ng tingin.

“Bunganga mo!” si Leah sabay tingin sa akin. “Tingnan mo si Hazel, namumula na.”

Ngumisi si Joel at kinurot ang tagiliran ko. “Feeling virgin pa itong si Haze, Para namang hindi napasukan, ah! Nakabuo pa nga. Sarap siguro ng tatay dahil ampogi ng bunga.” 

Kinurot niya muli ang tagiliran ko kaya napasigaw ako sa sakit at napatayo. Pagtayo ko ay nagtama ang paningin namin ni Zachary. Napasinghap ako at nakita ko na natigilan siya sa pagpunas sa kanyang buhok ng kanyang tuwalya nang nakita ako. Nilagay niya ang kanyang tuwalya sa kanyang kaliwang balikat at saka ako kinunutan ng noo.

“Why are you here?” nagtatakang tanong niya.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Joel at tinulak-tulak pa ang binti ko.

“Lumabas ka! Baka makita kami!” bulong niya at kinurot pa ang binti ko. 

“Kasalanan mo ito, Joel!” si Leah.

“Sorry na nga!”

Tuluyan na akong umalis sa may halaman. Napalunok ako. “Uh…I was just…”

“Tss…” Ngumiti siya sa akin. “Come here.”

Umawang ang labi ko at naging balisa lalo na’t narito ang dalawa kong kaibigan pero gano’n na lang ang pagkadismaya ko nang nakita ko na gumagapang sila sa damuhan, papalayo sa amin.

Pinigilan ko ang sarili ko na matawa lalo na’t nagmamadali sila. Kinagat ko na lang ang aking ibabang labi sabay tingin kay Zach.

“Come here.”

Runaway #1: Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon