Ah, anong gagawin mo?
Tanong nya, ng hindi man lang tumitingin sa akin.

Itatapon ko na sana pre, kita mo oh, ang dami kong dugo na tumapon jan. Papalitan ko naman kaya. Ok lang.

Hindi na, ang ibig kong sabohin, Ako na bahala dito pre, iuwi ko nalang at ipapakain ko sa aso ko. Sayang kasi kung itatapon mo lang.

Mahabang sagot nya.
Oo mahaba na yun kung galing sa kanya
Dahil tulad ng sabi ko. Isang tanong isang sagot lamang sya.

Hindi na ko nagpumilit pa at binitawan ko na ang plato,

Pumunta ako sa kusina para kumuha ulit ng sisig.

Pagbalik ko sa pwesto namin ay wala si Barry, wala rin ang sisig na napatakan ng dugo ko.

Naupo ako at hinintay nalang syang bulamik.

Pagbalik nya ay dala nya ang plato ng sisig, napakalinis nito  na para bang hinugasan na.

Oh pre, san ka galing?
Tanong ko?

Ah jan lang, nag cr lang.

Ah, oh, yung sisig mo?

Ah, ano. Natapon. Natapon.

Mejo, duda ako sa sagot nyang iyon pero.
Hinayaan ko nalamang.

Nagpatuloy ang kasiyahan nung gabing hanggang hanggang unti unti nang nagpapaalam at naguuwian ang ilan sa mga katrabaho namin.

Si Barry, ayun lasing na at nakatulog na rin.

Hindi ko naman sya maaaring iwan sa bahay ng boss namin kaya, ako na ang nagpresinta na maguuwi sa kanya.

Nagsama din ako ng isa pang katrabaho dahil hindi ko kayamg bitbitin na magisa si Barry.

Napakisuyuan ko si Alex, binata naman sya at walang nobya kaya walang kaso sa kanya dahil walang maghahanap.

Hindi namin alam kung saan nakatira si barry kaya sa bahay ko nalang kami dumeretcho.

Pare pareho kami may tama na sa alak pero kinaya naman naming makauwi.

Sinalubong kami ng asawa ko at inayos na din ang hihigaan ni barry at alex sa sala.

Oo sa sala sila pareho matutulog dahil iisa lang ang kwarto sa bahay namin.

Naghanda na kami para matulog, gayun din ang dalawa kong katrabaho. Nagpaalam na ko kay alex, tapos pinatay ang ilaw sa sala.

Sa kalagitnaan ng pagtulog namin ay nakarinig ako ng parang may kumakalansing sa kusina. Para may kumakaen.

Imbis na lumabas ng kwarto para tingnan ito ay sa cctv monitor ko nalang ito tiningnan.

Si barry lang pala, kumakaen sya. Malamang ay nawala na ang kalasingan at nagutom kaya...

Teka, sisig ba yun? Hindi ako sigurado pero, ang hinala ko ay, iyon ang sisig na natuluan ng aking dugo kanina.

Binalot ako ng pagtataka, dahil ang alam ko ay kinuha nya iyon para sa kanyang aso.

Nang maubos na ang sisig ay,
Natigilan ito ng mga ilang minuto.
Nakatayo lang sya at walang galaw.

Maya maya pa ay, kumuha ito ng tubig at uminom.
Tila hindi sya nasiyahan sa pabaso baso lang,
Dahil, tinungga nya ang pitsel.
Inangat nito ng husto ang pitsel dahilan para tumapon
Ang tubig sa kanya.

Muli ito natigilan.

Maya maya pa at binalot ng takot ang buo kong katawan ng tumibgala ito, iba na ang hitsura nya. Meron ito malahalimaw na muka, naguumapaw ang malalaki at matatalas na ngipin nito, pulang pula ang ngayo'y malalaki at nanlilisik na mga mata nito.

Nagulat ako ng bigla ito tumingin sa camera.
Namanhid ang buo kong katawan  dahil ang akala
Ko ay alam nyang pinapanuod ko sya, dahil mga ilang minuto din itong tumitig sa cctv.

Ilang saglit pa ay, ibinaling nito ang tingin kay alex.

At walang anu-anoy bigla nya itong dinamba tapos ay kinagat sa leeg.

Nakita kong nagising si alex dahil nakuha pa nitong magpumiglas mula kay Barry.

Hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan.

Kinakain ni Barry si Alex.

Mula sa labas ay nadinig ko ang lamakas na pagsigaw ni alex, agad kong kinuha ang aking nakatagong baril at lumabas ng kwarto, agad ko din isinara ang pinto.

Tumakbo ako papunta sa sala at walang pag aalinlangang pinaputikan ko sa ulo si Barry.

Agad itong napatigil at humandusay sa sahig matapos maputukan.

Samantala si Alex naman ay nakatayo pa at hawak hawak ang leeg na kinagat ni Barry.

Dumating ang mga pulis at ambulansya.

Naipagamot si Alex, at si Barry. Idineretcho na sa punerarya. Subalit, nakatanggap kami ng report mula sa mga pulis na, nawala daw ang katawan ni barry punerarya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GIO | ASWANG STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon