When I glance sideways, nahagip ng tingin ko si Kazimir na pinaglalaruan ang kanyang baso and his eyes is staring at me.. nakasandal siya sa pinto, siya lang ang nakatayo sa silid na ito and it makes me conscious.

"..nakausap ko na si tito Victor" Logan said na nakapagpabaling sa akin sa kanya.

Nagulat rin sina Zander sa narinig, tumango si Logan.

"Si Logan ang nag hatid sa akin nung nalasing kami ni Kelsea" Nanlamig ako bigla ng marinig ko ang sinabi ni Avery, ganun rin si Akira na katabi ko, nagkatinginan kaming dalawa. 

Hindi ba namin na orient si Avery na bawal malaman ng iba?

Hindi.. wala akong maalala..

"Nalasing? When is that?" Aric asked.

Ang tingin ni Aric ay dumapo sa akin at napunta sa side kung saan nakatayo si Kazimir. Napabuntong hininga ako. 

"It's just one time.. nagkatuwaan lang and.. na lasing" I said. 

Gusto ko sanang tignan ng masama si Avery pero na kay Logan lang ang kanyang mata at ganun rin ito. I can't still believe it. Silang dalawa na talaga? Akala ko nag ha-hallucinate lang si Ave sa mga sinasabi niya.

 Gosh I should never underestimate Avery ever again.

"You didn't bother to tell me Kelsea?" Aric ask

"You let them drink?" Zander ask Akira.

I heard Aki take a deep breath.

"Ohh boy.. I didn't let them drink, obviously malalaki na ang mga yan they need a little bit of freedom.. see Avery's happy with her love life because of that freedom.. who knows ganun rin si Kelsea-- ouch"Tinigil ko ang pagkirot sa tagiliran ni Akira. 

Ilalaglag pa niya ako.

"It's nothing actually.. we're fine.." Tumango ako just to make a point. 

Napadpad ulit ang tingin ko kay Kazimir, nakatingin siya sa kanyang baso at malalim ang iniisip. Binalik ko ang tingin sa pagkain.. nawalan na ako ng gana.. 



Huli kaming lumabas ni Akira, parehas masama ang tingin ng mga kapated namin sa amin ngayon kaya siguro magkasundo kaming dalawa, nakaakbay siya sa akin at nakahawak naman ako sa bewang niya.

"Buking tayo.." He whispered.

"Ang daldal mo kasi" Nilingon kami ni Zander kaya umayos kaming dalawa. 

When no one's watching Aki chuckled.

"Avery will be busy from now on.. I guess it leave you.. me.." Natigilan ako, tinitigan ko si Avery na katabing naglalakad si Logan.. talaga bang ganun yun? 

Tiningala ko si Akira, he nod na para bang nababasa niya ang tanong sa utak ko.

".. you have no choice.. it's me.. and you..we're bestfriend now"

"My bestfriend is my cellphone" I said remembering it for the first time siguradong marami nang text si Tita Aliya confirming if magkasama nga kami ni Avery.

"Uhh really anong pangalan ng bestfriend mo"

"phone"

Parehas kaming nahinto ni Akira ng makita ang nangyayari sa table na nasa unahan namin, palabas na kami at madadaanan namin ang mga table at sofas. Kazimir is kissing a tall girl in one of the sofa's, nagpalakpakan ang mga kasama ng babae which is matatangkad rin, nakapulupot ang kamay ng babae sa leeg ni Kaz samantalang nakahawak si Kaz sa siko nito.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon