Chapter Thirty-six

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sorry sa nangyari sa anak mo. Pero hindi mo naman kailangan na ganyanin ang sarili mo dahil sa nangyari."

Napasubsob ako sa mga palad ko at tuluyang napahagulgol. Ito na naman ako. Iiyak na naman ako.

"Ano ba ang kasalanan ko para maranasan ko ang ganito? Nagmahal lang ako 'di ba? Nagmahal ako sa maling tao. Sa isang duwag na takot maghirap at hindi ako kayang ipaglaban. Pero bakit pati ang anak ko?"

Lumapit sa akin si Sheng at naramdaman kong hinagod-hagod ang likod ko.

"Wala tayong magagawa doon, eh. Kaloob iyon ng Diyos so kailangan nating tanggapin. Tandaan mo, Amy walang ibinibigay na pagsubok ang Panginoon na hindi natin makakaya. Madalas kaya tayo sinusubukan para malaman natin kung gaano tayo katatag. Sinaktan ka ni Carlo, nawala ang anak mo, doon ka bumangon. Sa tingin mo ba sa ginagawa mo sa sarili mo, makaka-recover ka? Oo. Ngayong gabi kasi talagang sisipain ka ng mga pulang kabayo na ininom mo. Pero ano bukas? Ano na naman ang gagawin mo? Iinom ka naman?"

Hindi ako nakasagot at suminghot-singhot na lang.

"Gusto ko lang maging manhid kasi ayoko ng maramdaman 'tong sakit na nararamdaman ko. Umiinom ako kasi pakiramdam ko dito ako nagiging normal kasi nawawala 'yung sakit."

"Kailangan mong maging busy. Gusto mo bang bumalik sa trabaho?"

Umiling ako. "Ayoko ng bumalik sa lugar kung saan kami nagkakilala ni Carlo. Ayoko ng balikan ang lahat ng tungkol sa kanya."

"Sige. Tutulungan kitang maghanap ng ibang trabaho. Kailangan mong itigil ito."

Tumango lang ako at muling sumandal sa sofa. Ngayon ay literal na parang umiikot na ang paningin ko. Tumitig ako sa ceiling at parang nagsasayaw ang kisame ng bahay ni Sheng.

"Magpahinga ka na muna. Bukas sasamahan kitang maghanap ng trabaho. And please lang, puntahan mo naman si Liv. Nakakaawa ang kapatid mo. Alam na buhay ka pero hindi pa rin makita."

Umungol lang ako at ipinikit ko ang mata ko. Ito ang gusto ko kapag talagang tumatama na ang alak na naiinom ko. Kapag ipinikit ko na ang mata ko, lahat ng pangarap ko ay nagkakatotoo. Buhay ang anak ko. Nahahawakan ko siya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga, dinig ko ang napakasarap sa tenga na pag-iyak niya. Kahit nakapikit ay naramdaman kong tumutulo ang luha ko. Masaya na ako ng ganito. Kaming dalawa ng anak ko. Kung puwede lang kaming mag-sama na lang. Ngayon ko naiisip na sana nga, namatay na lang din ako.

----------------

Carlo's POV

            "It's been two months. Two months nang namatay ang anak mo at nawala na si Amy pero ganyan ka pa rin? Sinisira mo pa rin ang buhay mo?"

            Nanatili lang akong nakatutok sa pinapanood kong tv habang si Charlotte ay walang tigil ng kalalakad sa harapan ko. Tinapunan ko siya ng tingin at nakapamewang pa siya at nakaliyad na parang ipinagmamalaki ang tiyan niyang bahagyang may umbok.

            "Can you please move? I can't see the tv." Sagot ko sa kanya.

            Inis niyang pinatay ang tv at humarap sa akin.

            "Namuti na ang mata ko sa kahihintay sa iyo sa OB clinic pero hindi ka dumating. Hindi ka man lang tumawag na hindi mo ako pupuntahan. Nag-aalala ako sa iyo. You were not answering my calls I thought something bad happened to you tapos maabutan kita dito na lasing at nakababad lang sa tv?"

            Pinindot ko ang on button ng remote control ng tv para bumukas iyon. Sawang-sawa na ako sa araw-araw na reklamo ni Charlotte. Ano pa ba ang gusto niya? Nandito pa rin ako kahit ayoko talaga sa kanya. Ilang beses akong nakiusap sa magulang na talagang gusto ko ng makipag-annul pero wala akong magawa. Pakisamahan ko na lang daw si Charlotte dahil kailangan namin ang pamilya nila sa negosyo.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon