"I'm fine here."
Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ko ang mabigat na tingin sa akin ng babae. Binaba ko ang cellphone ko at lumingo ako sa kaniya. Gaya ng inaasahan ay masama ang pagkakatingin sa akin ni Dawn na para bang any moment ay i-su-summon niya na ang alaga niyang ahas na si Twinkle para ipalapa ako. Triple na naman ang kasungitan ng taong 'to dahil buntis.
"I've been here more than anyone of you. Kagabi ako rin ang nagbabantay dito. It's so boring that it's not even funny. Alangan namang makipagtitigan ako kay Will eh siya nga tulog."
"He needs rest, Hera."
"Yes, he does, Dawn. Kaya hindi makakatulong na naririnig niya ang mga pinag-uusapan niyo tungkol sa mga posibilidad ng gumawa sa kaniya nito." Natigilan ang babae kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "He's in a place that is not his home at wala siyang matatawag na kaibigan o pamilya rito. But I've dated him twice I must say and that's the closest thing that he have to a friend. Kaya dito lang ako hanggang sa magising siya. That means I'm going to wait here in this boring room and the least you all can do is let me shop."
Nanatiling nakatitig lang si Dawn sa akin habang may kung anong ekspresyon sa mga mata niya na hindi ko maintindihan. Baka iniisip niya na kung paano ako pahihirapan. Sa pagtataka ko ay parang lumalalim ang paghinga niya na dadaigin ang kaninang reaksyon ko habang nakikipagtagisan ng galing sa mga kalaban ko sa auction na naganap sa paborito kong online store.
"Dawn." Triton placed a reassuring hand on his wife's shoulder which confused me. Reassuring her for what?
"Bakit niya ako pinagtataasan ng boses?"
Napanganga ako maging ang iba pa naming kasama sa kwarto maliban na lang sa asawa niya, nang sa isang iglap ay nawala ang katarayan sa mukha ng babae at nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Naninigas ang leeg na nilingon ko si Athena na nanlalaki naman ang mga matang napatingin sa akin.
"Lagot ka." bulong ni Athena sa akin.
"Bakit ako?" namimilog na rin ang mga matang tanong ko.
Nalukot ang mukha ko nang matuon sa akin ang mga naninising mga tingin ng mga kasama namin. Ang tanging naiiba lang ay si Triton na mukhang sanay na sa asawa niya. Marahang iginaya na lang niya palabas ng kwarto ang babae na nakayuko at sumisinghot pa na parang kinawawa talaga siya ng mundo.
"Hala bakit ako?" tanong ko ulit.
Ngumiti lang si Triton at itinaas ang kamay niya na parang sinasabing okay lang ang lahat bago sila tuluyan ng lumabas. Mukhang iba ang epekto ng pinagbubuntis niya sa kaniya ngayon. Hanep sa pagiging emosyonal pati ako na inosente nadadamay.
"Makaalis na nga rin at baka ako naman ang paiyakin mo." sabi ni Athena na bahagya pang tinapik ang tiyan niya.
"Yeah, right. As if naman hindi kita nakasama noong pinagbubuntis mo si Ainsley. Matakaw ka lang. Mas emosyonal pa ako kesa sa'yo."
"Ano ka eh iyak ako ng iyak kaya noon."
"Si Aiden ang sisihin mo hindi hormones mo eh gago 'yon eh." sabi ko na ang tinutukoy ay ang dati niyang nobyo at siyang tatay ng panganay niyang anak. "Noon pala. Recovering gago na pala si pareng Aiden."
"Ginawa mo pang adik." natatawang sabi ni Athena.
Maraming pinagdaanan si Athena at si Aiden. Ang dami ng naging lamat ng relasyon nila. Pero masaya ako kasi nagawa nilang ayusin ang piraso ng pinagsamahan nila noon para magawang maging mga magulang para kay Ainsley. Kahit na ngayon na meron ng Fiere sa buhay ni Athena ay nakakatuwang nagagawa nilang i-work out lahat ng differences nila noon.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #8: The Cadence
ActionAll my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it would be him. I never thought that it would be the loud, full of life, lead guitarist of the band R...
Chapter 11: Gravity
Magsimula sa umpisa