Mas okay ng masaktan dahil hinarap mo ang katotohanan kesa ang masaktan ka dahil na-realize mong umasa ka lang pala.
"You don't know how much I want that. Surprise you with the best proposal that I can prepare, paiyakin ka dahil sa sobrang kasiyahan, at pakasalan ka sa harapan ng lahat. Sa harapan ng mga kaibigan natin, pamilya, at sa harap ng Diyos." he said with a small smile while he continue to strum the guitar. "Or I can marry you right now."
"But you can't do that right?"
Nagpatuloy ang malamyos na musika na nanggagaling mula sa instrumento niya. It sounded so sweet awhile ago pero ngayon ay pakiramdam ko dinudurog no'n ang puso ko.
"It wouldn't be fair to you to marry someone that might leave you."
"Lahat naman ng tao dadating sa punto na iiwan nila ang mga taong mahal nila sa buhay. We will all die eventually."
Direkta niyang sinalubong ang mga mata ko. Hindi ko kailangan mabasa ang isip niya para maintindihan kung ano ang dumadaan sa mga mata niya. Pag-asam, panghihinayang, at pagtanggap. "Pero hindi kasing bilis ko."
Hindi ko magawang makasagot sa sinabi niya. Dahil totoo iyon. Lahat sa kaniya mabilis na nangyayari. Lahat sa amin parang buhangin na nag-uunahan sa pagkawala mula sa pagkakahawak namin. Everything is just slipping away and we can't do anything but to let things happen.
Pero kahit isang patak ng buhangin lang, kahit isang butil lang, panghahawakan ko. Dahil hindi ko pa kayang tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin na hindi ko na siya makakasama. I won't let go yet. Not until he do. Dito lang ako sa tabi niya kahit gaano pang kasakit. Kahit gaanong kahirap.
The things is I'm willing to live without him. If I could just bargain to the heavens to keep him alive even if the life he will live will be without me. Kasi mas kaya kong mabuhay sa mundo na hindi siya kasama basta alam ko na sa isang parte ng mundo ay nandoon siya. Kesa ang mabuhay sa mundo na alam kong wala na siya.
Inangat ko ang mga kamay ko at kinuha ko sa kaniya ang gitara niya. Hindi naman niya ako pinigilan at hinayaan niya akong kunin iyon. Tumayo ako at maingat na ipinatong ko iyon sa isa sa mga lounger bago ko kinuha ang cellphone ko at bumalik sa puwesto ko.
Umupo ako paharap kay Thunder at nagpipindot ako sa cellphone ko at pagkatapos ay inabot ko iyon sa kaniya. "Choose a song for us."
Nagtataka man ay pumindot siya doon bago ibinalik sa akin ang aparato. Hindi nagtagal ay pumainlang sa paligid ang pamilyar na kanta na You're Still The One. Iyong kinanta niya noong magkaroon kami ng team building.
Ipinatong ko ang cellphone sa tabi ko bago may maliit na ngiti sa labi na nag-angat ako ng tingin sa lalaki. "Since hindi mo ako pakakasalanan, gusto kong marinig kung ano ang vow na sasabihin mo kung sakali. Kung ano lang ang maisip mo."
"Hera-"
"I'll start."
Marahan niyang hinaplos ang kamay ko bago niya inangat ang isa niyon at dinampian ng magaang halik. Nang muling magtama ang mga mata namin ay kita ko kung paanong nababakas roon ang lungkot na nararamdaman niya. Hindi para sa kaniya...kundi para sa akin.
"Thunder Night, I never wanted anything in my life more than to have the fairytale-like stories that I was surrounded by since I was a young girl. Lumaki akong naririnig ang kwentong pag-ibig ng mga tao sa paligid ko and when I grew up, I witnessed the love of those around me blossomed until they found "The One". I wanted that for myself. And I waited for years for a knight to gallop his way to me but he didn't come. Instead you entered my life with a thunderous strum of your guitar that resonated straight to my heart. Hindi ko matanggap iyon noong umpisa. Akala ko laro lang ang lahat. Basta masaya lang ako na kasama ka. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na natatalo na sa laro na meron tayo dahil tuluyan akong nahulog sa'yo."
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #8: The Cadence
ActionAll my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it would be him. I never thought that it would be the loud, full of life, lead guitarist of the band R...
Chapter 14: Chance
Magsimula sa umpisa