"Susi?" tanong ko ulit sa kanya. Nakita ko naman na nabigla siya.
"Susi ng sasakyan, akin na." ulit ko.
BInigay naman niya to sakin.
"Anong gagawin mo?" hindi ko siya sinagot. Agad akong dumiretso sa sasakyan niya at pumasok sa loob at ini-start ang makina.
Tumakbo siya at kinatok ang salamin. "Hoy! Teka! Anong gagawin mo? Buksan mo ung pinto!" Binaba ko ung bintana. "Akala ko ba gusto akong makita ni Daddy? Eh di pupuntahan ko. Bye." sabay angat ulit sa bintana at pinatakbo ung sasakyan.
Nakita kong hinabol niya pa ung sasakyan pero nung nasa may bandang labas na ko ay wala na siyang nagawa. Hah! Akala niya maiisahan niya ko noh.
Vince's POV
"Akala ko ba gusto akong makita ni Daddy? Eh di pupuntahan ko. Bye." sabay angat ulit sa bintana at pinatakbo na niya ung sasakyan.
"Hoy teka! Wala ka pang lisensya! Pag ikaw nahuli at-" sabay habol dun sa sasakyan pero ambilis niya magpatakbo. Pinagod pa ko ng loko.
Nakakaasar! Ninakaw ng babaeng yun ung auto ko! Tae. Pagnagasgasan talaga yun, lagot sakin un. Kahit na maganda siya at mapapangasawa ko siya, kailangan niyang magbayad.
Sht! Pano pala pag may nangyaring masama don ngayon? Patay ako sa Daddy niya.
Andrea's POV
After ilang minuo ng pagddrive ko parang may mali? Hindi ko alam kung ano pero may mali dito. Sinubukan kong itabi ang sasakyan at tignan kung anong problema at leche, flat ang gulong. Malayo pa man din ung gasoline station dito.
"Ano bang klaseng sasakyan to? Puro porma! Wala rin palang binatbat kagaya ng mayari!" sabay tadyak sa may gulong. Medyo napalakas kaya ako ung nasaktan. "Ouch! huh!"
"Miss may problema ba sa sasakyan mo? Baka matulungan kita." narinig kong may nagsalitang lalaki sa likuran ko. Sht. Baka traffic aid or what. Wala akong lisensya! Patay. >.<
"Hmm. Wala, wala. Okay lang, kaya ko na to." sabay harap at ngiti dun sa traffic aid.
"Sigurado ka ba, Miss? Eh parang flat tong glong mo sa may bandang likod ehh." Turo naman niya dun sa gulong na flat. Napansin niya pa yun? Hayy nako.
"Ahh hindi po, Kuya. Ganyan talaga yan. Sige na, dun ka na, keri ko na to." sabay tulak bahagya dun sa mamang panget. Ang baho pa. Eww.
"Teka teka. Mukhang bata ka pa ah? SIgurado ka bang alam mo na ang gagawin mo dyan?" pati yun nahalata niya?!
"Hindi po. Kaya ko na talaga to, promise. :)"
"Pwede bang makita lisensya mo?" ano daww? lisensya? Na-flatan lang, violation na? What's wrong with this people? Ughh!
"Li-lisen-lisensya po ba, ahh, ehh-"
"Miss underage ka pa lang ata eh. Siguro ninakaw mo tong sasakyan na to, ano?" sabi sakin nung panget.
"Ako? Magnanakaw? EXCUSE ME. Hindi mo kilala kung sino ang kinakausap mo kaya wala kang karapaatang sabihin yan sakin ha?" sabi ko sa kanya.
"Oh eh kung sayo naman pala tong sasakyan, asan na ung lisensya mo?" asdfghjkl. Hindi parin nadala si Manong. Ano ng gagawin ko.
"Hi-Hindi po kasi sakin tong sasakyan." sabi ko na lang para matigil na.
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Teen FictionAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...
Chapter 25.5 *Where am I?*
Magsimula sa umpisa