"Melody! Lammie! *Kaway-kaway*"
Napalingon kami pareho ni Lammie dun sa tumawag sa 'min. At tama nga kami, pati na rin kayo. Si Matt nga yun. Napatakbo ako papunta sa kanya at ganun din si Lammie.
"Matt! Sa'n ka ba nanggaling? Ba't bigla kang nawala?"
"Oo nga! Ba't ka nagpaiwan dun sa loob. Inaway tuloy ako ni Melo *pout*!" Yuck! Kinikilabutan ako sa ginagawa nya.
"Tanga! 'Di nga sya nagpaiwan dun! Susunod ba sya kung talagang nagpaiwan sya dun sa loob?!!"
"Ayy, oo nga pala noh? So, trip mo lang magstay dun?"
*BOINK!*
"ARAAAY!!! Ang sakit nun ah!"
"Oh, mabuti naman at alam mo pa ang masakit sa 'di masakit. Akala ko totopakin ka na naman. Pwede ba, itikom mo na muna yang bibig mo. Nakakastress ka!" Inirapan ko sya at mabuti naman tumahimik na sya.
"So, ano ba talaga ang nangyari? Ba't ka nawala?"
"Nagkagulo na sa loob eh. 'Di naman ako makasunod kasi may mga taong nakaharang sa harap ko. Kaya ayun, bigla kayong nawala sa paningin ko. Mabuti nalang at nakita ko kayo dito."
"Ah, ganun ba. Pasensya na talaga ah? Nawala talaga sa isipan ko na kasama ka pala namin."
"Naku, okay lang yun. 'Di nyo naman kasalanan na dumagsa yung tao dun sa cafeteria eh." Um, actually, kasalanan yun ng bestfriend ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Niyaya ko nalang syang kumain at baka malipasan pa kami ng gutom.
"Um, mabuti pa't kumain na tayo bago pa magring yung bell." Pagyayaya ko sa kanya at tumango naman sya bilang sagot. Umupo na kaming tatlo at nagsimula ng buksan ang mga pagkain namin. Bigla kong naalala na nasa akin pa pala ang burger ni Lammie.
"Oh, 'eto. Kumain ka na." Sabi ko ng 'di man lang tumitingin sa mukha nya. Nagtaka ako kung bakit wala syang reaksyon kaya napatingin ako sa kanya. Only to find out na nakasira pa rin pala yung bibig nya. Pinigilan ko nalang ang sarili ko na sapakin sya. Baka malakasan ko at mas lalo pa syang topakin.
"Maaari mo nang buksan ang bibig mo." Walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha nya at dali-daling kinagatan ang burger nya. Wala talaga sya sa katinuan. Nakakahiya syang kasama kahit na magkaibigan pa kami.
Kakakilala ko pa lang kay Matt kanina. Magkaklase kasi kaming tatlo. Nagkakilala na sila dati ni Lammie. Kwento niya, isang araw lang silang nagkasama nun nung may dance competition na ginanap sa school nila Matt. Kasali si Lammie nun sa competition habang organizer naman si Matt nun ng program. At pagkatapos nun, 'di na sila nagkita ulit. Mabait naman yung tao. Matalino, gwapo. Super nice. Tas madaldal din sya. 'Di naman yung tipong nakakainis na sa kadaldalan. Kaya naman madali ko syang nakagaanan ng loob.
Si Lammie naman, nakilala ko sya nung Grade VI palang kami. Pareho kami ng pinapasukang eskwelahan nun. Kung paano kami nagkakilala? Wag nyo nang itanong.
"Ah, paano ba kayo nagkakilala?"
Ayy, anak ng tokwa! Sa lahat ng pwedeng itanong, yan pa talaga? Ganda ng timing mo pre! Tsk!
Nakita kong ngumiti ng nakakaloko si Lammie, kaya naman inirapan ko sya. 'Di ako umimik. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko.
"Oh, ano na? Magkwento naman kayo nang makilala pa natin ng mabuti ang isa't isa." Sabi nya sabay ngiti.
"Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong ni Lammie kay Marck na may makahulugang tingin sa kanyang mukha. 'Di pa rin ako umiimik. Mas pinili ko nalang na magbingi-bingihan. Parang ang bastos naman kung pipigilan ko si Matt na magtanong tungkol sa past namin ni Lammie. Syempre, kaibigan na namin sya, kahit na ngayon lang kami nagkakilala. Kaya tama nga lang naman na kilalanin pa namin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
When You're In Love
Teen FictionPaano kung isang araw, may makilala kang isang anghel? Este, isang lalakeng ubod ng gwapo. Tas malalaman mong mas matanda pala sya sa 'yo ng 9 na taon. Sayang diba? PAANO? >v< Ayun! 'Di naglaon, naging magkaibigan kayo. Yung as in SUPER CLOSE (capsl...
Chapter 1(1/2): Meeting of Friends
Magsimula sa umpisa