" Love .. "

Mahinang sambit nya sa pangalan ko, para akong namagnet sa kinatatayuan ko at hindi ko magalaw ang mga binti ko..

Umiling iling akong umiiyak na nakatingin lang kay Leo na humahakbang na papalapit sa akin , at doon na ako na tauhan, nagalaw ko ang mga paa ko at agad na tumalikod sa kanya at halus nakatakbo na akong nakalakad ng mabilis para agad akong makalabas ng building...

Rinig kong tinatawag ni Leo ang pangalan ko at pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng building, kaya mas binilisan ko ang paglakad ko , nag ba - blur narin ang paningin ko dahil sa mga luha na namomoo sa mga mata ko ..

Ang sakit , masakit na masakit... hindi ko kaya .. hindi ko matanggap ...

Paulit ulit na nag pe-play back sa isip ko ang mga nakita ko kanina at paulit ulit ring parang hinihiwa ang puso ko .. parang mauubosan na ako ng hininga kahit anong oras ngayon..

Ng tuloyan na akong makalabas ng building ay agad akong pumara ng taxi , akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng taxi ng may pumigil sa mga kamay ko at napatingala ako sa kanya ..

Ang lalaking nagdulot ng sakit sa puso ko ngayon, ang lalaking paulit ulit pinaparamdam sa akin kung gaano ka sakit ang magmahal ..

So ganon pala iyon, sa ganoong paraan nya kakausapin si Kayline ? .. sana sinabi nya sa akin na sa ganoong paraan nya pagsasabihan si Kayline para na aware naman ako ..

Tumolo ang mga luha ko at nakipagtitigan ako sa kanya..

" love ... please listen to me first . .. "

Binawi ko ang braso ko sa kamay nya at binuksan ang pinto ng taxi ..

" wala tayong dapat pag usapan Leo .. "

Naiiyak kong sabi at agad na pumasok sa loob ng taxi, buti at pinaandar agad ng driver at habang papalayo ako doon hindi ko na napigilan ang sarili na humagugol ng iyak .. bahala na kung ano sabihin ng driver sa akin ... masakit ang nakita ko kanina ..

Bakit ba nagawa sa akin ni Leodemar iyon ? Okay naman kami kagabi diba ? Kulang pa ba ang ginawa kong pagpaligaya sa kanya kagabi ? ..

Wala akong maisip na rason kung bakit nya nagawa sa akin iyon, akala ko ba hinding hindi nya papatulan ang Kayline na iyon ? Akala ko ba napapangitan sya sa babaeng iyon ? Akala ko , ako lang ang sasambahin nya , na hinding hindi nya gagawin ang isang bagay na makakasira sa relasyon naming dalawa ..

Akala ko lang pala ang lahat ng iyon? .. kung sa bagay , lalaki sya at siguro hinding hindi ako magiging sapat para sa kanya ..

Shit! Ang sakit , parang gusto ko nalang na mawala sa kinalalagyan ko ngayon.. gusto kong mawala iyong sakit at kalimutan ang lahat ..

Natigilan ako sa pag iyak ng bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, parang nawawalan ako ng hininga .. napatingin ako sa driver at unti unting nawawala ang paningin ko, nanghihina ako  .. hanggang sa nag blur na ang lahat at tuloyan ko ng napikit aking mga mata...
.
.
.

NAGISING ako at unti unting naging maayos ang paningin ko , napalinga linga ako ng puro puti ang nakikita ko sa paligid ko at nakahiga lang ako.

Nasa hospital ako ?

" why am I here ? "

Tanong ko sa sarili , wala akong kasama .. pero napatingin ako sa pintoan ng bumokas ito at iniluwa doon si Jen ..

Ng makitang gising na ang diwa ko agad nya akong nilapitan..

" yat, kumosta ka na ? Kumosta ang pakiramdam mo ? "

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon