Kaibigan

188 1 0
                                    

Kaibigan

Ikaw ang aking matalik na kaibigan
Na di ko kayang iwan,
kahit anong hirap man,
Asahan mo ika'y aking dadamayan,
Dahil tayo ay magkaibigan

Kahit anong kalokohan
Kaya kong sabayan
Dahil tayo ay magkaibigan

Awayan at batian
Kasiyahan at kalungkutan
Problema at kaligayahan
Sabay nating naranasan
Bilang magkaibigan

Aking kaibigan
Iyong tandaan
Ako'y andito lang
Na maari mong sandalan,
Pag may problema ka't dinaramdam

Spoken Poetry and PoemWhere stories live. Discover now