"Kaibigan. Sobrang tagal na naming naninirahan sa lugar na ito. Dito na kami tatanda lahat saka mamamatay. Pakisabi naman kay (pangalan ni boss) kung maaari liitan yung bakod na umaabot na sa pundasyon ng pamayanan namin. hindi ako galit kundi humihingi lang ako ng konting tulong mula sayo." (pamayanan) nag-isip ako, magkaka-barangay lang sila. Bakit kung magsalita itong taong ito akala mo hiwalay. may sarili silang bayan na pinapatakbo. Sabi ko "teka naguguluhan ako. Kasi kanyo magkakilala kayo bakit hindi na lang po kayo ang magsabi kay sir kasi kanyo mula pagkabata kilala nyo na sila." Siya ulit, "Hindi mo naiintindihan kumain ka muna kahit konti saka kita ihahatid palabas. Tinanggihan ko kasi busog pa ako pero hindi din ako nakapagpigil dahil masasarap yung mga pagkain na nakalagay sa lamesa. kumain ako ng mga prutas. Natapos akong kumain saka nagpahinga konting kwentuhan saka ako nagpaalam na uuwi na. bago yun  niyakag nya akonh palabas at may ipapakita daw sya para maunawaan ko din kung ano ang gusto nyang ipahiwatig dahil kanina pa kami nag-uusap pero parang di daw tumatatak sa utak ko yung mga sinasabi nya. Putek di ako aabot sa ganitong edad saka sa posisyon na meron ako ngayon kung mahina ako umintindi. di naman ako ganon kabobo nakaka-offend din kaso wala ako sa mood makipagtalo. oo na lang ako ng oo para matapos na. inaantok na din kasi ako. paglabas, namangha ako sa pinakita nya sakin, sa sobrang gulat napamura ako. Bakit nagkaron ng malaking subdibisyon dito? hanggang paanan ng bundok may mga bahay na malalaki. Samantalang dumating kami kahapon sa bahay ni boss di ko ito napansin. O siguro kasi natatakpan lang ng mga puno. Bigla syang nagsalita habang nakatitig sa mga bahay. sabay diretsong tingin sakin. "Ayaw naming masira yung mga bakod na itinayo namin. Madami ng sumubok. May mga tao din noon na planong maglagay ng riles dito sa lugar namin kaso hindi din namin pinayagan ayaw naming abutan kami o maimpluwensyahan ng ugaling meron ang mga tagalabas na maaaring mamana ng mga susunod na henerasyon namin. Kaya din naming palaguin ang pamumuhay na meron kami mas higit sa kakayahan na meron lahat ng taga labas kahit hindi nyo imemordinasasyon ang lugar na pag-aari namin, Engineer, sana ay maintindihan mo ako." "ok, pano nyo po nalaman kung ano ang trabaho ko?" siya "kilala na din kita simula pa noon alam ko ding dadating ka dito kaya sinalubong na kita." tumitig ako sa kanya ng matagal tao ba itong kausap ko?.

Putek! sabi ko "gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para sabihin kay boss yung hinaing nyo pero hindi pa din po ako ang magdedesisyon. kasi wala naman ako sa posisyon para pangunahan sila.pagdating sa usaping ganyan. mas maganda may ibang mas mamagitan sa inyo kasi usapang property na yan. pero susubukan ko pa din po siyang kausapan tungkol diyan."umiling-iling sya na parang di sang-ayon sa sinabi ko saka tinitigan ako ng matagal.

Nagpaalam na ako na aalis na dahil dis oras na din naman ng gabi. hinatid ako ng lalaki palabas. ako naman nagtataka kasi harapan na ng bahay ni boss paglabas na paglabas namin sa gate ng subdivision nila samantalang natatandaan kong sobrang layo ng nilakad ko bago kami nagkita halos 15 mins din ang nilakad namin bago kami makarating sa kanila kanina. inaninag ko yung dinaanan ko kanina papasok sa loob ng gubat. sobra din yung dilim kahit maliwanag yung langit. kanina makikita mo pa yung mga puno sa harapan mo. Ngayon hindi na. kanina din halos kampante ang nararamdaman ko bakit ngayon pakiramdam ko may mga matang nakatitig din sakin habang nakatingin ako sa direksyon kung saan ako pumasok kanina. kasabay sa huni ng mga panggabing ibon saka kulisap. bigla akong kinilabutan kasabay ng malamig na hanging dumampi sa mga balat ko. Saka sya nagpaalam nag-iwan pa ng salita na natulungan ko na daw sila dahil alam nyang maniniwala sakin yung boss ko. pinagkibit balikat ko na lang yun. sabay harap sa bahay. Paglingon ko para magpasalamat puro makakapal na halaman na lang yung nakita ko. nasan na yung gate na nilabasan ko? anino ng bundok saka makakapal na puno pababa. wala na din agad yung lalaking kausap ko. segundo lang yung lumipas. nag-ring yung cp ko saka ako natauhan. "fuck saan ka ba nanggaling? Kagabi ka pa namin kinokontak naka-off ang cp mo!" Kasamahan ko sila (secretary ni boss). nagpunta diyan sa likod para maghanap kasama yung mga barangay tanod. 20 hours ka ng nawawala! Saan ka ba nagpunta men?. pagtingin ko sa relo ko ala sais ng gabi. July 23. Yung relo ko hindi gumagana ganon din yung cp na hawak ko nag-hang o masyadong na-advance?. Pero natatandaan ko alas 10 ako ng gabi lumabas kanina mahigit isa't kalahating oras lang ako Nawala dapat mga alas onse pasado lang ngayon. naguguluhan ako sa mga nangyari. pumasok ako sa loob na nag-iisip saka nagtataka nung biglang inakap ako ni boss lahat sila nakaupo sa sala. tapos parang nagtatanong yung mga mata ng ibang kasama namin, yung iba nakaismid pa. pero wala akong pake hahaha. yung mga kaibigan kong babae saka lalaki worried na, akala daw nila napahamak na ako. si boss hindi naman galit saka ako pinapunta sa receiving area nila. Close-door. "For god's sake Amadeuz! tell me what happened. Is there anything that I can help you with? just tell me. (joke lang tagalog talaga ito!) ano ba ang nangyari? Nakita mo ba sila?" Kako "sino po? yung subdibisyon diyan sa likod? oo sir, parang may problema yata sa bakod ninyo. Kino-quote nila na lumagpas daw kayo sa hangganan." Hindi sya nagsalita. sabay sabi "sige bukas magpapadala ako ng mga tao dito para buwagin yung kabilang side ng bahay. ano Nakita mo sino daw sila?" Kako "nakalimutan kong itanong sir. Pero kababata nyo yata yung nakausap ko. kilala daw kayo eh." pina-describe pa sakin ano itsura dinescribe ko naman. Sabay sabi "ok bukas pack up tayo. babalik tayo ng Maynila." Pwedeng magmura admin? Di ko pa na-e-enjoy yung lugar wala akong masyadong selfie. Saka di pa akp nakaligo sa dagat sayang yung boxer short ko na may nguso ng elepante kundi ko masusuot. hanggang ngayon iniisip ko, ano ba talaga yung mga nakita't nakasalamuha ko? bakit parang takot na takot si boss? samantalang kilala yung angkan nila sa bayan nila. Hindi din naman siguro kapre kasi malinis naman sa katawan. Mas maputi pa nga sila sakin. Yung mga babae sobra din ganda yung mga lalaki naman... pero nabadtrip talaga ako na nahihiya kasi feeling ko ako ang dahilan bakit napaaga ang uwi namin. Hanggang ngayon nag-iisip ako kung gusto ko ba ulit lumabas kaso pinapigilan na ako ng nanay ng boss ko pati sila boss ayaw ng maglalalabas ako, baka hindi na daw ako makabalik. kinikilabutan din ako pag tinititigan ako ng lola ni boss. sabay ngingiti pag nahuli kong nakatingin. Sigarilyo hanggang terrace lang ako pero yung ibang kasamahan ko nagliliwaliw na ngayon. Sa mga taga Iloilo dito, may idea ba kayo? Kasi ngayon halos puro puno na lang yung nakikita ko walang magaganda't nagtataasang mga bahay alam kong may kakaiba hindi normal itong na-experienced ko. kayo lang ang makakasagot sakin. hindi din sinasabi samin nila boss kung ano yung mga na-encounter ko. may mga binago ako dito sa kwento kasi nagbabasa dito ilang katrabaho ko. kung mamalasin makikilala din nila ako. Guys kundi kayo naniniwala sakin tumatanggap ako ng lait. Hindi ko kayo masisisi dahil hindi kayo ang naka-experienced nito. Isa lang ang masasabi ko sa inyo, maniwala kayo mas pogi pa ako sa mga boyfriend nyo. hahaha.

Salamat admin magiging busy na ulit ako simula sa Huwebes. PM ako sa nakakaalam kung ano yung nakasalamuha ko. pakiramdam ko hanggang ngayon may mga taong nakatitig sakin habang nagta-type sa laptop ko. alas 8 na din ng gabi dito. Muli kakaiba na naman yung amoy ng hangin parang hinahatak na naman akong lumabas sa likod kaso this time naninindig na ang balahibo ko. baka nga hindi na ako makabalik. yung mga friend request nyo sa account ko sorry ngayon lang na-approved guys. Ngayon lang ako nakapag-open ng cp simula knina o kagabi bago ako nawala. nagkataon lang ba?. sana pagtiyagaan nyo. salamat ulit magandang gabi mag-iisip-isip na muna ako. Magse-search din ako kung anong klaseng engkanto yung nakasalamuha ko. pakiramdam ko hindi lang dito matatapos itong kwento ko. ewan ko lang huh. salamat.

-Amadeuz

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon