Puro kalokohan lang talaga ang laman ng utak nito. Hindi man lang nito naisip na masasaktan siya sa ginaawa nitong iyon.

Parang mas lalo lang nitong ipinamukha sa kanya na kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan.

"Hindi nakakatawa 'yon, Brent!"

Singhal niya dito saka akmang lalabas na siya ng classroom nila nang humara ito sa pinto.

"Ano? Galit ka?"

Natatawa pa rin na tanong nito ngunit wala siyang panahon para makipag-asaran dito ngayon.

Masyado siyang nasaktan sa nangyari. Masyado siyang umasa at naiinis siya sa sarili niya dahil doon.

"Uuwi na ako, tabi!"

"Uy, Mika—"

Hindi niya ito pinansin at doon na lang siya dumaan sa kabilang pinto. Nang makalabas siya ng classroom nila ay tila gusto niyang maiyak.

Nakaramdam siya ng hiya at awa para sa sarili niya dahil masyado siyang nagpadala sa mga sinabi ni Brent kanina.

Agad siyang umuwi ng bahay dahil nawala na talaga siya sa mood. Nahiga na lang siya sa kama niya habang nakatingin sa ceiling ng kwarto niya.

Pumikit siya at pagmulat niya ng mga mata niya ay siya namang pagtakas ng isang butil ng luha mula sa mata niya.

Agad siyang bumangon saka pinunasan iyon. Binuksan niya ang bintana ng kwarto niya para makalanghap ng sariwang hangin.

Naisipan niyang tawagan si Dian at laking pasasalamat naman niya nang makitang online ito ngayon.

"Mika! Napatawag ka?"

Bungad sa kanya ni Dian at naupo naman siya sa kama niya saka sumandal sa headboard nito.

"Dian, naiinis na talaga ako sa kanya!"

"Bakit? Ano na bang nangyayari sa inyo ngayon?"

Tanong nito at nagsimula na siyang magkwento dito. Habang nagkukwento ay hindi na naman niya mapigilan ang mainis sa sarili. Sobrang t*nga niya talaga kanina para maniwala dito.

"Alam mo, tigilan mo na 'yang lalakeng 'yan. Nasasaktan ka lang, Mika. Please, matauhan ka naman. Hindi siya healthy para sa'yo at sabi mo nga kanina, pinagtawanan ka niya! Mika, pinaglalaruan ka lang niya!"

"Alam ko naman, Dian pero hindi ko maintindihan kung bakit siya pa rin talaga. Oo, naiinis ako sa kanya ngayon pero alam ko na bukas ay wala na ulit itong inis na ito"

"I know right, alam mo? Stress 'yan, Mika! Lumabas ka kaya muna tapos kumain ka, ganoon! Kalimutan mo muna siya. Nabuhay ka dati ng wala siya kaya kakayanin mong mabuhay ngayon kahit mawala man siya"

Sabi nito at bumuntong hininga naman siya dahil alam niyang tama si Dian.

"Sige, ikakain ko na nga lang ito"

"Iyan! Tama 'yan, girl! Laban lang kasi!"

Natawa na lang siya saka nag-usap pa sila ni Dian bago siya nagpaalam para lumabas muna. Bumaba siya at nakita niya ang mommy niya na nagbebake sa kusina.

"Mommy, lalabas lang po ako"

"Sige, basta babalik ka agad ha?"

"Opo"

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon