CRAZY FIRST LOVE Chapter 44

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang sabi pa ng Neurologist, kailangang tanggalin kaagad ang blood clot sa utak ni Missy sa pamamagitan ng operasyon. It's a dangerous surgery, pero kapag hindi tinanggal maaaring ikamatay kaagad ni Missy ngayon. Kaya lang, hindi pa rin nila maigagarantiya na masu-survive nya ang operasyon.

Bad things can also happen while the surgery is ongoing. Ika nga, expect the unexpected. Possible complications are irreversible brain damage, seizures, memory problems at iba pang kumplikasyon.

"Kung hahayaan lang natin and we didn't do anything about it, possible na hindi nya kakayanin o kung kayanin man nya, lahat ng complications na sinabi ko ay mararanasan din nya. Kung maooperahan naman sya at ma-survive nya, may complications pero male-lessen." muling paglilinaw ng Neurologist.

***********************

The operation is very costly. Kailangan ng isang milyon para masimulan kaagad. Missy's Mom has no choice kundi tanggapin ang alok na tulong ng daddy ni Missy, pero hindi pa rin iyon sasapat.

Pag-uwi ko ng bahay, agad kong binuklat ang savings account ko sa bangko. Regalo sa akin ito ni Daddy last birthday ko.

"Are you sure na iko-close account mo na ang savings mo? " tanong ni Jess, nagpasama ako sa kanya sa bangko. " That's 500,000 pesos. Akala ko, idadagdag mo yan pang-college mo? Pangarap mong maging piloto, diba? ."

"Sa ngayon, kailangan ni Missy ang tulong ko. Kung tutuusin kalahati lang yan sa kakailanganin ng operation." sagot ko kay Jess.

"Pero malaking tulong na 'to, Gavin. It's half of the amount, hindi biro 'yon."

"Ang perang 'yan mapag-iipunan ko pa sa mga allowances na pinapadala ni Daddy before ako mag-college. Saka matagal-tagal pa 'yon. Mas importante ngayon ang buhay ni Missy."

"Sasabihin mo ba sa daddy mo? "

"It doesn't matter. Binigay na nya sa'kin 'to. So it's up to me, kung paano ko ito gagastusin."

"Bilib na talaga ako sa'yo....." tinapik ni Jess ang likod ko. "You'll do anything for her. That's really love, bro. Sana all."

Bahagya akong natawa kay Jess, ito ang kailangan ko ngayon. My heart feels heavy right now. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng nararamdaman ko.

*************************

Sa social service ng hospital ko idinaan ang pera. Pinasabi ko na lang na donation yon para sa operation ni Missy. Baka kasi hindi tanggapin ng pamilya nya, lalo na ang Mommy ni Missy. Mas mabuti ng wala silang alam.

Three days after ng surgery. Missy remains unconscious sa ICU. Ang sabi ng doctor, normal naman ang mga vital signs nya, and we're hoping she'll improve more from a deep coma. Marami pang pwedeng mangyari, kaya dapat daw na ihanda namin ang aming mga sarili. The longer a person is in a coma, the less likely they are to wake up.

When people are in comas, they are unconscious, hindi sila makagalaw, nakapikit lang ang kanilang mga mata, but the brain continue to work. Naririnig pa din daw nila ang mga sounds sa paligid. Hindi man maka-respond, pero ang brain nila ay nakaka-receive at nakaka-process ng sounds sa environment.

"Gumising ka na, please. Idilat mo na ang mga mata mo." ang sabi ko habang kinakausap ko si Missy sa ICU.

Five days na syang ganito. Tinatatagan ko lang ang sarili ko. Wala naman akong magawa kung hindi titigan lang sya, habang naririnig ko ang tunog ng kanyang paghinga mula sa machine na nakakabit sa kanya. She has a bandage around her head. Minsan talaga dumadating sa point na gusto kong sisihin ang sarili ko sa mga nangyayaring ito sa kanya.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon