"So kamusta kayo ni mitch?" Tanong ni justine dito kami ngayon sa mini court nya"Ayon napupuyat ako, tuwing gabi kasi sya tumatawag kaya inuumaga na kami mag-usap sabay maaga rin ako gigising para naman kulitin si jema pero gaya ng dati wala akong mapala sobrang sungit nya talaga" sabay tira ng bola sa ring
"Hahaha tigilan mo na kasi, baka biglang umuwi si mitch yari ka" binalik naman nya sakin ang bola
"6 months pa yon dun baka nga magtagal pa eh, sisiguraduhin kong makakascore na ko kay jema bago sya maka-uwi" nailing nalang si justine
"Ikaw ba hindi mo parin ba papalitan si doreen? Para kang si tots taon na hindi ka parin maka-move on hahaha" sinamaan naman nya ko ng tingin hahaha
"Taena na mo wong! Wag na wag mo babangitin pangalan ng babae na yon" binato nya ko ng bola
Pinag-palit kasi sya sa lalaki ng ex nya kaya naging babaero din sya dahil ayaw na nyang seryosuhin ang mga babae
Pero wala naman tayong magagawa di ba kung lalaki ang pipiliin ng taong mahal natin? Kung gusto nilang magkapamilya na hindi natin kayang ibigay
I mean yong normal na pamilya na sa lalaki lang nila makikita
Kaya ang tanging magagawa nalang natin ay palayain natin sila kung talagang mahal natin sila at yon talaga ikasasaya nila
"Mas masaya parin paglaruan ang mga babae kesa seryosuhin sila tapos ipagpapalit rin naman tayo sa lalaki? kapag nagsawa na sila?" sabagay may tama rin sya
Pero hindi naman lahat ng babae katulad ng ex nya may mga katulad parin naman ni mitch na nagmamahal samin ng totoo
Tapos nagagawa mo parin lokohin?
Iba naman kasi reason ko pinabayaan nya ko saka last naman na si jema magfufucos na ko kay mitch pagkabalik nya
"So 2x2 tayo?" Lumingon kami kay kaye na nakakarating lang kasama si tots agad naman akong umiwas ng tingin sakanya
"Sige kampi kami ni justine" sabi ko
"Naku lugi ata kami, varsity si jus tapos magaling ka rin, kayo nalang nitong bestfriend mo magkampi" sabay tulak kay tots palapit sakin
Sabay naman kaming umiwas sa isa't isa
"Ako nalang kampi ni justine , kayo nalang ni deanna kampi" napangisi ako sa sinabi tots
Sya pa talaga may ganang magalit sakin
"Alam nyo ayusin nyo na yan" sabi ni justine
"Sige game na nga, ako na kampi ni deanna" sabi ni kaye
Tumango kami bilang pag-sang ayon
"Ok ganito, yong matatalo pipitikin ang ilong ng sampu hahaha" napahawak kami lahat sa ilong namin sa suggestion ni justine
Sa tenga nga masakit eh sa ilong pa kaya? Ayaw ko!!!!
Pero putcha pumayag yong dalawa
Nag-start na kami maglaro bantay ko si tots medjo nagkakasakit na din kami
Nagsisikuhan at nagbabalyahan pero normal naman yon pero parang kakaiba ngayon dahil nagkakainitan kami
Hawak nya ang bola sabay dinidribol nya pumasok sya sabay drive papuntang ring
Tumalon sya sinabayan ko naman sya pero na out of balance ako sabay natapilok
Bumagsak ako sa sahig hawak ko agad ang paa ko namimilipit din ako sa sakit
Lumapit si kaye at justine habang si tots na nakatingin lang tila nashock sa nangyari
"Ayos ka na ba?" Sabi ni tots may dala na syang ice bag
Nakaupo narin ako sa bench ng court
"Medjo masakit lang to" natawa naman ako sakanya
"Salamat" sabay tap sa balikat nya habang nakadampi na mga yelo sa paa ko
"Bestfriend mo ko deans nandito lang ako palagi para sayo, kahit pa hindi maganda gagawin mo susuportahan parin kita, kahit pa kay jema" umangat ang tingin nya sakin
"Susuportahan kita" ngumiti na ko sakanya
"Thanks bro" niyakap ko sya
"Yiiiiiieeeeee the kumags are back" sigaw nung dalawa sabay sama samin sa yakap
"Alam nyo magbakasyon nalang tayo tutal holidays naman eh" suggest ni kaye
"Uuwi ako ng bulacan, inaya ko na sila ced aakyat kami ng mount balagbag join kayo?" Aya ni tots
"Kasama ba si jema?" Tumango naman sya
"Wow ikaw na tots" sabay-sabay naming sabi
-------------------------
Bilib talaga ako kay tots ang bilis nya maging close ang creamline dahil kay ced
Van ni justine ang gagamitin namin medjo malapit lang ang bulacan dito sa manila oras lang ang biyahe kapag walang traffic sa fairview
Sa SJDM lang naman ang balagbag pero malayo ito sa bayan
Sa dating bahay nalang siguro kami tutuloy nandun naman parents ni tots eh
Kaso baka makita rin kami ng parents ni mitch mayayari ako
Bakit ba kasi hindi ko naisip na pwede ako mabuko kapag sa bulacan kami magchichill?
Bahala na nga
"Paps, mama, una na ako" sigaw ko bago lumabas ng bahay namin
Nakapag-paalam naman na ko kagabi ok na yon
Paglabas ko ng kanto namin nakita ko ang van ni justine
"Hoy miss cutie playgirl ang bagal mo" nagulat ako kay ced nung binuksan nya ang sliding door ng van
"Inuna na namin silang sunduin, para derederetso na tayo" si justine na nasa driver seat na
Tinignan ko loob ng van magkatabi si ced at tots tapos sa kasunod na upuan naman si kyla at jema naman si kaye naman nasa unahan katabi si justine
"Kumpleto na tayo?" Tumango naman sila
Umakyat na ko ng van at tumabi kay jema sumama naman agad tingin nya sakin ningitian ko lang sya
Nagcleared naman ng throat si kyla kaya lalo akong ngumiti para asarin sya
Hinablot ko damit ni tots nung nasa biyahe na kami
"Bro sa bahay ba tayo? Dederetso? Baka makita tayo ni tita isumbong ako kay mitch" bulong ko sakanya
Nginisihan naman nya ko
"Don't worry dederetso na tayo ng balagbag pwede mag-over night dun dahil tyak gabi na tayo makakarating dun sa pag-akyat palang kaya hassle pa kung uuwi pa tayo sa bahay" nag hi five naman ako sakanya
Nakahinga narin ako ng maluwag
"Ah jema sino nag-aalaga kay charlie?" Siniringan nya lang ako
Ang sungit naman di bali pagdating sa balagbag humanda ka sakin hahaha
BINABASA MO ANG
Chasing The Stars
Fanfictionmahirap man abutin ang isang bituin ngunit susubukan ko parin