Remembering Phase 1

Start from the beginning
                                    

Ilang oras rin silang ganoon, hindi nila pinigilan si Justin sa pag-iiyak niya. Ngayon lang nila nakita si Justin sa ganoong kalagayan. They've known him to be bubbly and jolly, reflecting his bunso self. Kaya tunay na nag-aalala silang lahat nung nakita nilang umiiyak ito. Wala rin silang ideya kung anong nangyayari sa kanya. As soon as Justin rest from sobbing, he assured his mom and brother that he was fine. Hindi niya sinabi kung ano ang  nangyayari sa kanya, kasi pati si Justin naguguluhan na rin. 

Bakit parang wala silang alam sa nangyari? Sa ginawa ko? Clearly, hindi pa ako namatay at hindi ito isang panaginip, totoo ang nangyayari ngayon pero bakit parang...wala silang matandaan?

Dumiretso si Justin sa kanyang kwarto at nilock ito. He was pacing from place to place, trying to arrange his thoughts. Suddenly, nag ring yung phone niya na agad naman niyang itong sinagot, "hello?"

"ABA! JUSTIN DE DIOS! Gising ka na pala, may balak ka bang pumasok ngayon? Kanina pa ako naghihintay sa kanto."

Kilala niya yung boses sa kabilang linya pero sadyang hindi niya mawari kung anong pinagsasabi nito dahil gulong gulo na ang kanyang isipan.

Anong araw na ba? Sa pagkakaalam ko weekend ngayon. Friday kahapon eh.

Hinanap niya ang kanyang electric clock na nakapatong lang sa bedside table niya, at nung nakita niya kung anong petsa na nanlambot ang kanyang katawan, kadahilan na muntik na niya mabitawan ang kanyang phone.

Mali. Imposible ito. It's the middle of August?!
Dapat December na. WHAT THE ACTUAL HECK IS GOING ON?!

"Hoy Jah ano na? Nan dyan ka pa ba?"

Muntik na niyang makalimutan na nasa kabilang linya pa pala si Josh, huminga muna siya ng malalim, nagbabakasaling bumagal ang pagtibok ng kanyang puso. Nung nagdahan dahan na ang pagtibok ng kanyang puso, kinausap si Josh mula sa phone.

"Sorry, ano ulit yon?"

"Mauuna na ako o may balak ka bang pumasok?"

"Hindi ko rin alam," he said under his breath, no intentions for Josh to hear.

"Anong hindi mo alam?!"

"Pwede ka bang wag munang pumasok? Kailangan ko talaga tulong mo ngayon." Pag mamakaawa ni Justin sa kanya.

"Sige." He stated.

Pucha, daling kausap nito hah.

"SA bahay ko na lang explain. Daliaan mo!"

"Wow, sige na boss." At binaba niya yung phone.

Walang man lang goodbye?!

==========

JUSTIN'S POV

Inexplain ko kay mama na hindi muna ako papasok ngayong araw. At dahil sa eksena ko kanina, hindi na siya nagtanong at pumayag na lang sa request ko. Buti na lang na may pasok si Kuya sa trabaho at si mama naman pupunta muna sa mga kaibigan niya. Ayaw ko kasi mag mukhang bad influence sa kanila kapag nalaman nila na pinapunta ko si Josh dito imbes na pumasok na lang siya sa school.

Noon Hanggang Sa Huli [OT5 SB19 FF]Where stories live. Discover now