Boystowner (Part I)

Magsimula sa umpisa
                                    

Brian: Hi, I'm Brian and you are?

Joanne: Joanne.

Inabot ng dalaga ang kanyang kamay sa binata. "Shit ang lambot ng kamay niya" sambit ni Brian sa sarili.

Joanne: kumusta naman kayo dito sa Boystown?

Brian: eto mabuti. Medyo mahirap lang sa simula. Syempre from private school to Boystown pero nasanay na rin ako.

Joanne: Taga private school ka dati?

Brian: Yup. From La Salle Greenhills. Pero dahil sa sobrang loko pinadala ako dito. Akala ko nga makakabalik pa ako dun pero hindi na pala.

Joanne: oh. Sorry to hear that.

Brian: It's ok. Nasanay na rin ako dito. Hoping na makapasa ako sa big 3 universities.

Hinawakan ng Assumptionista ang dalawang kamay ni Brian upang bigyan ng fighting spirit.

Joanne: Brian kaya mo yan. Sana magkita tayo paglabas mo dito sa Boystown.

Brian: Magkikita tayo Joanne. Pangako yan.

Joanne: aasahan ko yan ha. Tsaka ingatan mo cellphone mo ha.

Brian: I will Joanne.

Lalong ginanahan si Brian sa kanyang pag aaral sapagkat nagkaroon na siya ng inspirasyon. Nagtapos siya bilang Valedictorian sa kanilang batch sa Boystown at nakapasa sa entrance exam ng UP, Ateneo, La Salle at UST. Bagay na ikinagulat ng dalawa niyang ate. Di nila inakala na matalino pala ang kapatid nilang lalake. Pinili ni Brian ang La Salle para sa kursong Civil Engineering.

Dad: Congratulations anak.

Brian: Thanks Dad.

Biglang may inabot ang ama ni Brian sa kanya. Naka karton ito na parang isang singsing.

Brian: ano po ito Dad?

Dad: buksan mo.

Agad namang binuksan ni Brian ang regalo sa kanya at nagulat siya ng makita ito. Isang susi ito.

Brian: Dad?

Dad: Yes Brian. You deserve it!

Napayakap sa tuwa si Brian sa kanyang ama at maski papaano ay gumaan na din ang loob nito sa kanya. Pinayagan din siyang magliwaliw buong bakasyon matapos ang apat na taong sakripisyo sa Boystown.

Tinawagan agad ni Brian si Joanne tulad ng napag usapan nila nung nasa Boystown pa siya.

Joanne: Brian! Kumusta? Kelan ka pa nakalabas?

Brian: this week lang. Kaka graduate ko lang.

Joanne: wow congrats!

Brian: thanks. Kita tayo?

Joanne: sure.

Sinundo ni Brian si Joanne sa kanilang bahay at nagsimula na silang magliwaliw. Kakaiba ang sayang nararamdaman ni Brian ng mga oras na yon. Madalas silang mag mall at manood ng sine. Habang naglalakad sa mall ay sinubukan ni Brian na hawakan ang kamay ni Joanne. Medyo umalma ang dalaga sa ginawa ng binata.

Joanne: Brian...

Brian: Joanne mahal kita. Ikaw ang naging buhay ko nung nasa Boystown pa ako. Ikaw ang dahilan kaya lalo akong nagkaroon ng gana sa pag aaral. Joanne mahal na mahal kita.

Sadyang matamis ang tabas ng dila ni Brian at lumaban na si Joanne sa paghawak ng kamay sa binata. Hindi pa uso ang camera phone nung mga panahong iyon. Sikat ka na noon kung may wallet size picture ka kasama ang iyong nobya. Nagpunta sila sa isang photo studio sa loob ng mall at nagpakuha sila ng maraming pictures bilang alaala ng isang matamis na summer vacation.

Pag labas sa Boystown ay nagkita kita pa rin silang magbabarkada. Nakapasa si Arnel sa UST, si Miguel naman sa San Beda at si Andrew naman sa Mapua. Madalas silang mag mall kasama ang kanilang mga nobya. Di naman matatalo si Brian dito. Siya ang pinaka sikat sa grupo hindi lang dahil may kotse siya pero siya lamang sa grupo ang may girlfriend na taga private school. Taga public school at girlstown kasi ang mga girlfriend ng dalawang tropa niya.

Mabilis naman nakasundo ng mga tropa ni Brian si Joanne. Anak mayaman siya pero cowboy naman siya sobra. Minsan ay sa turo turo at karinderia lang sila kumakain at ok lang ito sa kanya.

Masayang masaya ang bakasyon niya lalo na't ganadong ganado na siya sa buhay. Nakapasa siya sa La Salle, bagong kotse at syempre si Joanne.

Ngunit ang one sweet summer na ito ay napalitan ng pait. Nalaman ng ama ni Joanne na taga Boystown si Brian. Nagalit ang ama ni Joanne na si Richard at ipinatawag si Brian. Pagkapasok pa lamang ni Brian sa bahay nila Joanne ay sinalubong agad siya ng suntok, sipa at tadyak ng ama nito. Nang mapahiga na si Brian sa sahig ay binunutan niya ito ng baril. Pinagbataan niya ito na papatayin siya oras na di niya tinantanan ang kanyang anak.

Richard: P***** i** MONG BOYSTOWNER KA! PAPATAYIN KITA ORAS NA HINDI MO LAYUAN ANG ANAK KO! JOANNE KAUSAPIN MO ANG SANGGANONG YAN!

Nag walkout si Richard matapos mabugbog si Brian. Lumapit agad sa kanya si Joanne kay Brian habang nakahiga pa ito sa sahig. Napahagulgul si Brian sa pag iyak habang nagmamaka awa kay Joanne na huwag putulin ang kanilang relasyon.

Brian: Joanne please..... Don't leave me. You're all that I have right now.

Joanne: Brian mahal kita. Pero kilala ko si Papa. Ayokong mapahamak ka pa. Mahal na mahal kita Brian.

Maluha luha si Joanne sa pagpapaliwanag kay Brian. Walang magawa ang magkasintahan kung hindi putulin ang kanilang relasyon.

Itutuloy....

Pinoy Pantasya SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon