"Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng bagay na tungkol sayo, Cherry. I love you." Sambit ni Luijin sa kasintahan.
"I love you too, Luijin."
•••
"Ate, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Ryche sakaniyang kapatid na si Cherry. Napahinto ang kaniyang kapatid sa ginagawa nito at hinarap si Ryche.
Kumunot ang kaniyang noo, "Sige. Tungkol saan naman?"
Lumapit si Ryche sakaniyang kapatid at naupo sa harap nito. Napabuntong hininga pa siya bago nag-salita.
"Mahal ko si Luijin."
Hindi nakasagot ang kaniyang kapatid dahil sakaniyang sinabi. Napatulala ito sa mukha ni Ryche ng hindi kumukurap.
"A-Alam mo naman na matalik kaming magkaibigan diba? Lagi kaming magkasama. At sa hindi inaasahan ay nahulog ako sakaniya. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko sakaniya pero mas lalo lang lumalala. I love him so much." Dagdag nito.
Napanganga si Cherry, "B-Bakit ngayon mo lang sinabi sakin 'to?"
May lumandas na luha sa mata ni Ryche at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaniyang kapatid. "A-Ate, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Luijin. Please, ibigay mo nalang siya sakin."
Biglang napatayo ang kaniyang kapatid, "Hindi ko magagawa 'yang inuutos mo sakin, Ryche! Alam mong mahal na mahal ko rin si Luijin at mahal niya rin ako! Mahal namin ang isa't isa!"
Napatayo narin si Ryche at lumuluhang tinitigan ang kapatid.
"Please! Ibigay mo nalang siya sakin! Sakin nalang siya!" Pagmamakaawa nito sa harap ng nakakatanda niyang kapatid.
"Hindi ko 'yan magagawa!"
Nagkuyom ang kamao ni Ryche at masamang tinitigan ang kapatid. "Madamot ka! Bakit lahat nalang nasa sayo? Bakit lahat nalang inaagaw mo? Lahat nalang ng gusto ko kinukuha mo! Lahat nalang, ate! Pati mahal ko kinuha mo—"
Natigil si Ryche ng biglang dumikit ang kamay ni Cherry sakaniyang pisngi. Napakalakas ng pagkakasampal nito at halos mamula ang kaniyang pisngi.
"Hindi 'yan totoo! Hindi ko kinuha sayo si Luijin dahil simula palang sakin na siya! Ako ang mahal niya at hindi ikaw!" Sigaw ng kaniyang kapatid.
"Anong nangyayari dito?!" Nagulat sila ng dumating ang kanilang ama kasama ang kanilang ina. Mabilis pumagitna ang kanilang ina sa gitna nila.
"Bakit kayo nagsisigawan?" Tanong kanilang ina habang nasa gitna.
"Cherry, anong nangyayari? Magpaliwanag ka." Sambit ng kanilang ama.
Hindi nakasagot si Cherry at napayuko.
"Pagsisisihan mo 'to," Biglang tugon ni Ryche habang matalim ang tingin kay Cherry. "Hindi ko hahayaang maging masaya kayong dalawa. Hindi ko hahayaan."
Iyon nalang ang huling tinugon ni Cherry tsaka mabilis na nilisan ang lugar.
•••
Lumipas ang dalawang taon at matibay parin ang samahan ni Cherry at Luijin. Samantala, si Ryche ay umalis sa sarili nilang tahanan at nakitira sa ibang bahay. Nagtago siya upang hindi mahanap ng kaniyang pamilya. Ilang buwan na siyang hindi umuuwi ngunit pinagpapatuloy niya ang kaniyang pagtatrabaho.
Hanggang sa dumating ang balitang mas lalong nagpasakit sa puso ni Ryche. Ito ay ang pag-planong kasal ni Luijin at Cherry. Sobra syang nasaktan sa balitang ito dahil hanggang ngayon hindi parin nawawala sa puso niya si Luijin. Lagi niya itong naiisip at halos mabaliw siya tuwing gabi.
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Mystery / ThrillerA Grim Reaper who fell in love with a human.
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Magsimula sa umpisa