Chapter 32: Completed

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kaso pano 'yan? Mukhang nagaway na naman si Zero at Khalil. Hirap magplano."

"Bigyan n'yo lang ng time 'yung dalawa-ay intsik na dalandan." Sigaw ni Kazuki habang nakahawak sa dibdib n'yang walang laman.

"Ginagawa mo?" Tanong ko. Although narinig ko naman ang pinaguusapan nila.

Wala ako sa mood para alalahanin 'yung pangalan nung lalaking 'yon kaya dededmahin ko na lang muna.

"Wala, HAHA! kain ka." alok n'ya sabay abot sa akin ng mangga.

Nasa cafeteria kami ngayon at ako ang pinakalate dumating.

Maliban na lang don sa isa jan. Kailan pa ba sumabay sa pagkain 'yon.

Bahagya kong ipinilig ang ulo ko atsaka tininganan ang pagkain na iniabot sa akin ni Kazuki. Mangga! aba aba! Hilaw talaga?

"Penge ah."

"Kuha ka na sabi." Dumukot ako ng isang piraso ng mangga at ganon din sila. Kita ko ang pagngiwi nila habang nginunguya ang mangga kahit pa isinawsaw nanan na nila ito sa asin. Habang ako ay tamang subo lang. Wala pang malasahan.

"Grabe, robot ka ba Khalila? Ang asim asim nung mangga tapos walang kwenta 'yang mukha mo?" Halos malukot na ang mukha ni Raven habang sinasabi 'yon.

"Hindi naman talaga maasim. Wala akong malasahan. Saan n'yo ba nabili 'yang mangga n'yo."

"Sa tindahan-"

"Oy si Ze." Palihim akong napasulyap sa pintuan at hindi s'ya nakita. Maya maya lang ay lumingon ako sa kanila pabalik at nakita ko kung gaano sila kapapangit dahil para silang mga timang na nakangudo at sumisipol.

"Hinahanap mo Khalil?" Pigil ngiting tanong ni Hunt na s'yang ikinalukot ng noo ko.

"Hindi ah, akala ko lang may asong nagd-dogshow sa pintuan."

。。。

"Pinatatawag tayo sa Headquarters ni Ze. May sasabihin daw."

"Ayaw ko."

"Ano ba naman 'yan Khalila?"

"Eh sa ayaw ko eh."

"Tsk. Hirap talaga ng may LQ kayo, pati kami nadadamay-"

"Tara na, san ba punta?" sarkastiko kong saad. Ito naman kasing si Zumi. Masyadong epala ang bruha, pero teka nga- "Teka, sa Headquarters? Tayo? Pinapatawag tayo? Bakit kasama ka?" Tanong ko dito.

Kung pinapatawag kami para sa meeting. Bakit kasama pa s'ya? Hindi naman s'ya miyembro ng Octavians... Maliban na lang kung may dapat s'yang malaman.

"Hindi ko din alam. Pero ang sabi ay pati daw ako kasama." Kibit balikat n'yang sabi bago bitbitin ang bag n'ya at mauna sa daan. Katatapos lang ng klase kaya't s'ya na naman ang kasama ko.

Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanya.

Nitong mga nakaraang araw ay lagi naming kasama si Zumi, alam ko naman na hindi s'ya magsasabi o maglalabas ng impormasyon tungkol sa grupo pero simula nang nay malaman s'ya tungkol sa Dark Society ay naalarma na ako. Baka mamaya lang ay madamay s'ya at maipit sa amin at sa mga taong gusto'ng gumambala sa amin.

Maya maya lang ay nakarating na kami ni Zumi sa headquarters at napansin na may tatlong nakaupo sa couch.

Si Cade, si Ty at yung alaga naming aso.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon