"Shut the f*ck up or I'll burn you to ashes" seryosong sabi ni Hugho. Napatahimik ang ingay sa buong canteen at napatulala ang lahat.

"What now? magtititigan tayo dito? tss, ayoko nga... lugi ako, ampapanget niyo!" masungit na aniya niya bago tuluyang lumabas ng canteen. Napatingin pa kami sa isa't isa at saka natawa.

"Hahahaha, taray non... mood swing ba niya?" natatawang biro ni Thea.

"Hahahahaha, pano ba naman kase nagmakaawa pang buntisin" nakatawang sabi ni Talia na pinaparinggan pa yung babae.

"Hahahhaha, hayaan niyo na guys... bad mood lang siya kanina, nakahanap ng katapat eh!" sigaw ni Minne sa buong canteen. Napatingin naman kaming anim kay Yasmine na nasubo lang ng ice cream.

"What?" inosenteng tanong niya.

"Wala, ang sabi namin sumali ka sa karera bukas ng mga pagong... pabagalan kayo!" pang-aasar ni Talia.

"Edi ikaw... isasama mo pako sa karera ng lahi mo" pilosopong sabi niya at napatawa kami. Napatawa rin yung ibang nakarinig kay Yasmine, at mukhang napahiya si Talia.

"A-Aba? at natawa pa kayo? gusto niyong lunurin ko kayo?" biro pa ni Talia sa mga tumawa na ibang estudyante. Natahimik naman sila at kami naman ang napatawa sa reaksyon nila.

"Engot! wag mo ngang takutin" sabi ni Aiman bago pingutin ang tenga ni Talia.

"Umeepal ka p---" naputol ang sasabihin ni Talia nang magsalita si Quinn, "Guys, time na oh?" sabi niya bago ilabas ang isang hologram na may orasan.

"Shet!"

Napatakbo pa kami pabalik sa room at naiwan naman si Yasmine na prenteng naglalakad. Napatigil naman ako ng kaunti at hinintay siya, "Bakit ayaw mong bilisan?"

"Late na naman, sulitin ko nalang" sabi niya saka ako nilampasan. Napangiti naman ako sa iniasal niyang yon, maybe ang bagay na iyon ang naging dahilan ng pagiging interesado ko sa kanya...

🌹🌹🌹🌹🌹

Yasmine's POV

Pumasok na ako sa room at nadatnan kong kumpleto na ang lahat, siyempre maliban kay Levi na kapapasok lang din.

Umupo na ako sa upuan ko at saka kinuha ang notebook, tss magnonotes nalang ulit ako para di ako maboring.

"Okay, Class! all of you except Hugho are late!" sabi pa niya sa unahan. Tinignan niya kami isa isa at saka nagsalita, "... and because of that behavior, I will give all of you a demerit points! Hugho will gain merit points since siya lang ang naabutan ko dito kanina... now! get your notebooks! We'll start the discussion right, away"

Hindi ko alam kung galit na ba siya sa lagay niyang yan, medyo nalakas ang boses niya pero parang di naman siya galit, naiinis lang ata.

"Yasmine, right?" tanong niya ng makalapit siya sakin. I just nodded as an answer and she lend her hand, "I'm Luna Rachel Cer, it's nice to meet you..." nakipagshake nalang ako sa kamay niya para matapos na.

"So, ano nga ulit ang tawag sa mga tao na may kakayahang makagamit ng kapangyarihan?" she asked. Nagtaas sila ng kamay samantalang ako ay siyempre hindi, di ko sure kung magoi nga ba ang sagot eh.

"Okay, Minne?"

"Ma'am, they are magois" sagot nito.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now