Special Chapter 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"What, boss? Gusto mong makipag-date sakin?"

"What the fuck are you saying?" Ginawa pa 'kong bakla ng gagong 'to. "Bahala ka nga! 'Wag ka nalang sumama."

Tumawa ang loko, "Joke lang boss! Syempre sasama ako! Libre mo eh!"

"Tangina mo ka, bilisan mo." Sabi ko at pinatay ang tawag. Tanginang Alex 'yon. Baka gusto niyang hindi ko ibigay ang sahod niya? Tss.

Nang makarating kami ni Alex sa Mall, dumiretso kami sa Ice Cream store. Syempre ako ang manlilibre, walang pera ang hayop na 'to. Ba't ko pa siya aasahan.

"Bakit naisipan mong makipag-date sakin boss?" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Tumawa naman siya.

"Gago, naawa kasi ako sayo. Mukhang walang gustong makipag-date." Asar ko rin at ngumisi.

"Actually boss, may date ako ngayon kaso mas inuna kita." Pagsabay nito.

"Should I say thanks, fucker?"

"Haha, funny boss." Inismiran ko nalang siya at kumain ng Ice Cream. Satisfied.

"Nga pala, boss, pinuntahan mo na 'yung binigay kong location?" He asked.

"Yes." Maiksing sagot ko.

"Sino ba ang mga 'yon, boss?"

"None of your business." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Nagtatanong lang eh," Ngumuso siya at napangiwi naman ako sa kaniyang itsura. Mukha siyang aso. Tss.

Inangat ko ang paningin sa buong store at nanlaki ang mata ko ng makita ang pamilyar na babae. Pagkatapos niyang bumili mabilis siyang napatingin sa direksyon ko. Nanlaki rin ang mata niya ng makita ako. Nagulat ako ng biglang mabitawan niya ang Ice Cream at lumakad palayo ng store. Mabilis akong tumayo at hinabol siya ngunit laking gulat ko ng makitang may kasama siyang ibang lalaki.

Naramdaman ko ang pag-igting ng aking panga. Who's that fucker?

Hindi na ko nagpaalam pa kay Alex at hinabol ko nalang sila Ryche palabas ng Mall. Nang makalabas ako, hindi ko sila makita. Iginala ko ang aking mata. Mabilis kong nakita ang lalaking kasama niya kaya mabilis ko 'yong hinarangan. Sino ba 'tong panget na lalaking 'to? Di hamak naman na mas gwapo ako sakaniya!

Hinila ko sa braso si Ryche.

"I don't have enough patience, bro." Sabi ng mayabang na lalaki at sinapak ako. Tss, ang hina naman sumuntok.

Mabilis rin akong tumayo at sinuntok siya. Kaano ano ba siya ni Ryche? Mukhang body guard! Tss!

Nagulat ako ng biglang tumalsik si Ryche dahil sa ginawa ng gagong lalaking 'to. Lumapit ako at hinawakan siya sa braso ngunit gaya-gaya din itong si gago.

"Mga gago! Layuan niyo ako kung ayaw niyong makatikim kayo ng ilang sapak mula sakin! Bwiset!" Sigaw ni Ryche at umalis. Tinignan ko ng masama ang gagong lalaki bago ko sinundan si Ryche. Hinila ko siya at pinapasok sa loob ng aking kotse at dinala sa aking bahay.

•••

Mas lalo akong naging malapit sakaniya at mas lalo narin akong nahulog. Aaminin ko, I like her so much and I love her. Mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko ng nasa Cebu kami. Al and I are now in good terms. Nagkausap kami. Sinabi ko ang nararamdaman ko sa kaibigan niya and he didn't punch me or hit me. Sinabi niya lang na 'wag kong sasaktan si Ryche at lagi ko siyang pasayin. I know I can do that.

"Luijin," Roxiah called me. Kasama ko pala siya dito sa Cebu dahil vlogger din pala siya at naisipan naming mag-collab.

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon