Special Chapter 3

Start from the beginning
                                    

Nagulat si Tito sa sinabi ko, "Nice. Akala ko hindi ka na magkakagirlfriend hijo."

Tumawa ako, "Sinasabi niyo bang walang papatol sakin, Tito?"

"Ikaw nagsabi niyan." Sabay nalang kami nagtawanan sa sinabi niya. "So, anong balak mo sa birthday niya hijo?"

"We'll having a party later, Tito. Magpu-propose na ako."

"Wow," Nagulat si Tito sa sinabi ko at inakbayan ako. "Ang laki na talaga ng pinagbago mo hijo."

"Of course, Tito."

"Eh sino ba 'yang girlfriend mo hijo? Anong pangalan niya?"

Yumuko ako bago nagsalita, "She's Ryche Del Ocampo."

Natigilan si Tito, "That name's sounds familiar."

"You know her, Tito. Nagkakilala na kayo noon." Sagot ko.

"Don't tell me.." Nanlaki ang mata ni Tito. "Is she a sister of your fiance before?"

"Yes, she is."

"How come, hijo?"

"I don't know but one day I woke up that I'm already inlove with her."

"I thought she was dead?"

"Akala ko rin.." Sagot ko. "Hindi ko maipaliwanag. Pero ang alam niya lang ngayon ay siya si Cherry."

"Paano nangyaring iniisip niyang siya si Cherry?" Tanong niya.

"Pinaniwala kong siya ang dati kong asawa para maghiganti ako, Tito. Pero pinagsisihan kong sinagawa ko ang mga planong 'yun. I love her so much. And now, I'm afraid that one day she'll finds out the truth and leave me."

Tinapik ni Tito ang balikat ko, "You had enough pain, hijo. Hangga't maaga pa sabihin mo na. A secret is not always be a secret. Oo, maaaring iwan ka niya kapag nalaman niya 'yan pero hindi mo siya masisisi. Masakit rin 'yon para sakaniya. Kaya 'wag mo ng itago ng matagal. Tell her the truth and say sorry. 'Wag kang matakot."

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Tito.

Ilang oras ang lumipas at dumating narin si Ryche sa bahay.

"Honey," Malambing na bulong ko sakaniyang tenga habang yakap ang bewang niya.

"Ang bango mo." Sabi ko pa.

"Luijin.." Tawag niya sakin. "Bakit nakapatay ang ilaw?"

"Secret." Mahinang sambit ko. Habang nakapirmi parin ang mukha sakaniyang leeg. She smells good. Damn.

Nagulat ako ng bigla niya akong paghampas-hampasin.

"Wait—Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Nasaan 'yong babae mo!" What the fuck? Anong babae?

"Teka—aray!" Daing ko.

"Sino 'yung sumagot ng tawag kanina? Sino 'yung babaeng 'yon?"

Kumunot ang noo ko at natawa nalang bigla. "She's Zealyn. My cousin."

Nalaglag ang panga niya. "W-What? Pinsan mo siya? Akala ko ba—"

"Yup. Akala ko din wala na akong natitirang pamilya, 'yon pala meron pa. Nandyan pa sila tita Zerlina at tito Lino. Dumating sila dito kanina lang habang nasa trabaho ka."

"Pero bakit nakapatay ang ilaw? Nasaan sila?" Tanong niya.

"Uhm," Biglang bumukas ang ilaw at pumutok ang confetti na hawak ni Tito.

"Happy birthday!" Gulat na napatingin sakin si Ryche.

"Sino?"

"Ikaw! Pati ba birthday mo hindi mo maalala? Birthday mo ngayon, Cherry!" Sinubukan ko pang matawa. Sorry kung ibang pangalan ang ginagamit ko, Ryche. I'm sorry kung nagsisinungaling ako.

Nakita kong papaiyak na siya, "S-Sorry. Hindi ko matandaan kung kailan ang birthday ko."

Hinawakan ko ang balikat niya. "Atleast ngayon alam mo na. Atsaka kaya nga ako nag madaling umuwi galing Cebu dahil sa spesyal na okasyon na 'to."

Nangilid na ang kaniyang luha.

"Oh hija, upo ka na. Happy birthday!" Bati ni Tito sakaniya. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. I'm glad that she's happy. Sana lagi siyang nakangiti.

Sumapit ang gabi at kinakabahan na 'ko. Malapit na 'kong mag-propose.

"Anong meron?" Tanong niya ng dinala ko siya sa garden.

"I invited my friends and also your friends to be here. And they'll be here in 8 o'clock PM."

Kumunot ang noo niya, "Para saan? Bakit sila pupunta dito?"

"Its your birthday, right? Syempre may party." Sagot ko.

Napatingin kami ng dumating si Al at Sue.

"Nandito rin kayo?" Tanong ni Ryche.

"Bakit? Hindi ba kami pwedeng makisali sa birthday mo?" Pabalang na tanong ni Al. Akala ko ba hindi niyan maalala na birthday ni Ryche ngayon?

Napailing nalang ako at natawa, "Ako ang nag-invite sakanila."

"Yeah." Sabi ni Cherry. Nagtama ang paningin namin bago niya hinila si Ryche.

"Nasaan na ba si Roxiah?" Tanong ko.

"Easy! I'm here!" Napabuntong hininga ako ng makita si Roxiah.

"Let's go na, Cherry. You need to dress up." Sabi ni Roxiah at bigla nalang hinila si Ryche.

"Nandito na pala ang ating birthday girl. Palakpakan natin siya." Rinig kong maya maya'y sabi ni Al. Napakaganda ni Ryche ngayon. She's wearing a simple gown. At bumagay iyon sakaniya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Damn this girl. Mabilis akong lumapit sakaniya at hinawakan ang bewang niya.

"Enjoy your day, Honey." Sabi ko at inalalayan siya papunta sa harap.

"Tama ngang napakaganda ng ating birthday celebrant. At kasama niya ngayon ang kaniyang.. asawa." Alinlangang sambit ni Al. "May sasabihin ka ba para sa pinakamamahal mong babae na katabi mo ngayon?" Biglang binigay ni Al sakin ang mic. Loko! Tss!

"Happy birthday, Honey." Pagsimula ko nalang.

"Ang dami nating pinagdaanan. Sobrang dami at alam kong hindi mo 'yon matandaan lahat. Pero kahit hindi maalala ng utak mo ang lahat alam kong nakatatak 'yon sa puso mo. At sa kabila ng mga pinagdaanan natin, hindi parin tayo natitibag. Tayo parin ang magkasama. Tayo parin hanggang huli."

Nakita ko alam kung bakit may tumulo nalang na luha sa mata ko. Fuck!

"Kahit anong mangyari hindi kita iiwan. Kahit ano mang problema ang dumating satin, hindi kita susukuan. I love you so much, my honey and my love." Pagkatapos kong sabihin 'yon, lumuhod ako. Kinuha ko ang box sa aking bulsa at hinarap sakaniya ng nakangiti.

"Will you marry me, again?"

Hindi siya nakasagot. Tanging pagbuhos lang ng luha ang nakikita ko sakaniyang mga mata.

Mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay at nakita kong nagulat siya sa ginawa ko at natigilan.

Ilang sandali siyang hindi nakasagot. Kinakabahan ako. Anong nangyayari sakaniya?

Nanatili siyang nakatitig sakin at parang nakakita siya ng multo.

Ilang minuto siyang hindi nagsalita hanggang sa parang bigla nalang siyang nagising sa reyalidad.

"S-Sorry.." Nang marinig ko palang ang mga katagang 'yon. Nadurog na agad ang puso ko. So, her answer is no. I'm rejected.

"S-Sorry.." She said again. "N-Naaalala ko na lahat."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran niya ako at iniwan akong durog na durog.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now