"Mara..." Napatingin siya rito. Bahagyang ikiniling nito ang ulo. "Tama ba akong isipin na ako ang nasa isip mo nang pangalanan mo ang cake na iyon?"

Lalong nanlaki ang mga mata niya. Todo-iling siya. "Hindi, 'no!"

He smiled lopsidely. "You're not really a good liar, Mara."

Napalunok siya nang lumamlam ang mga mata nito. Itinaas nito ang kamay para haplusin ang pisngi niya. She thought his gentle hands on her cheeks felt oddly familiar. "Natatakot ka ba sa akin, Mara?" halos pabulong na tanong nito sa kanya.

Umiling siya.

He inched his face closer. "I know I probably scared you last time, but I can't stop the urge. I want to kiss you again."

At tulad sa isang slow-motion ay nakita niyang lumapit ang mukha nito sa kanya. Ngayon ay alam na niya ang intensiyon nito. But this time, she just closed her eyes, her heart started to beat madly. Then he touched his lips unto hers.

Ang isang kamay nito ay kusang naglakbay sa likod niya pababa sa baywang niya at nanatili roon. His other hand was caressing her nape as he continued the assault of his lips. Kung noong unang beses siyang hinalikan nito ay nahilo siya, ngayon ay gusto na niyang mahimatay. Hindi niya napaghandaan ang sensasyong dulot ng mga labi nito. She kissed him back tentatively, letting her feelings take over herself.

Pareho silang naghahabol ng hininga nang pakawalan nito ang mga labi niya. Pinahid ng daliri nito ang ibabang labi niya habang nananatili siyang hawak-hawak nito. Sinalubong niya ang mga mata nito. Gusto niyang magtanong pero hindi niya magawa.

Icko's hands caressed her cheeks tenderly. "Kismet. Gusto ko 'yon. Parang naaalala ko 'yong gabing dumating ka sa buhay ko."

Nang mga sandaling iyon, natanto niya na sumira siya sa pangako niya rito. She was already head over heels in love with him.

SABAY na bumaba sina Icko at Mara sa tapat ng Caramello pagkagaling nila sa building ng TGF.

"Halika nga," utos ni Icko sa kanya. Nang tangkain siyang hawakan nito ay tila may sariling isip ang mga paa niya na tumalon palayo rito.

"Teka lang, teka lang, diyan ka lang!" tili niya.

Tumawa ito nang malakas. "Ang duwag ni Mariana," sambit nito sa first name niya. Naabot siya nito habang tumitili siya at iniharap siya rito. He looked straight into her eyes. "Pagpasok mo sa opisina, ibalik mo sa dati ang ayos mo, maliwanag? Kung gusto mong habaan mo pa ang palda mo ay gawin mo."

Kumunot ang noo niya. Hindi ba at kasasabi lang nito sa kanya na maganda siya? "Akala ko ba gusto mo ang ayos ko?"

"I do. But for my eyes only. Ayaw kong may mga istorbong mga lalaki na pupunta sa cubicle mo. Makursunadahan ka pa ni Jeric, mapaaway lang ako."

Nanlaki ang mga mata niya.

Umismid ito. "Akala mo ba ay hindi ko napapansin na nagkokorteng-puso ang mga mata mo kapag tumitingin ka sa kanya noon? Kung 'di lang ako makakasuhan ng office violence, sinapak ko na 'yon."

Napakurap-kurap siya. "Si Jeric... He's not..." I don't like him anymore.

Ngumiti ito. "Alam ko."

Alam na niyang hindi ko na gusto si Jeric, o alam na niyang siya na ang gusto ko?

He gently thumbed her lower lip. "Why do you have such kissable lips, Mara? Huwag kang magli-lipstick pagpasok mo, ha?" bilin nito.

Hindi tuloy niya alam ang mararamdaman sa ginagawa nito. Her heart was beating fast on her chest. Mula nang mapagtanto niya ang nararamdaman dito ay permanente na sigurong nalalagay sa balag ng alanganin ang tibok ng puso niya.

Akmang magsasalita siya nang makarinig siya ng sigaw.

"Icko!"

Nanigas si Icko nang marinig ang pagtawag sa pangalan nito. Nang tingnan niya ang babaeng naglalakad palapit sa kanila ay natigilan din siya. Kinabahan siya.

"Rachel? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Icko rito.

Imbes na sumagot ang babae ay dinamba nito si Icko. Sa pagkagulat niya ay mariin nitong hinalikan si Icko sa mga labi. Napayuko siya nang maramdaman ang munting kirot sa puso niya.

Nang tumawa si Rachel ay saka pa lang niya tiningnan ito. Kulang ang pictures at videos para i-justify kung gaano ito kaganda. Effortless ang ganda nito kahit walang makeup. Samantalang siya ay kailangan pang pagtulungan ng tatlong baklang hairstylists para lang gumanda.

Nang sulyapan niya si Icko ay halatang na-shock din ito. And she couldn't read what was written in his eyes. Pakiramdam niya ay biglang lumamig ang paligid.

"Wala ka sa party kanina pagdating ko. Hindi na nga tayo halos nagkikita dahil sa trabaho ko, tinatakasan mo pa ako," malambing na reklamo rito ni Rachel. Nakasampay pa rin ang kamay nito sa leeg ni Icko. "Dylan told me you'd probably be here. So I'm here. I missed you, Icko. Hindi mo ba ako na-miss pagkatapos mo akong pagtaguan?" madamdaming tanong nito.

Sandaling napatda si Icko, hindi makaimik. Nang mahanap nito ang boses nito ay nagsalita ito. "Hindi kita pinagtataguan. At pinayagan ka ni Ivan na makita ako?"

"Of course! Bakit naman hindi? Kung susuwertihin, magiging sister-in-law mo na ako, Icko, remember?"

Hindi niya alam kung guni-guni lang niya ang pait na nakita niya sa mga mata ni Rachel dahil agad din itong ngumiti. "Oo nga pala. 'Sabi nila ay may kasama ka raw."

Doon lang tila natauhan si Icko at naalala siya. He looked like a different person that moment. "A-ah, yeah. She's Mara." Kapagkuwan ay tumikhim ito. Sa pagkagulat niya ay ipinaikot nito ang kamay sa baywang niya at hinapit siya palapit dito. Seryoso nitong tiningnan si Rachel na wari ay nakikipaghamunan ng tingin. "She's my girlfriend."

Ha?!

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now