Compiled Stories 19

Magsimula sa umpisa
                                    

Snoozebox Horror Stories
Shared by Cinnamonroll
   
Hi! First time ko lang po sa page/site na ito. Gusto ko lang i-share yung mga nangyari sakin at sa officemate ko sa loob ng snoozebox sa isang BPO company dito sa Taguig (McKinley West) at sa snoozebox sa Ortigas Site. Sorry kung medyo pangit ako magkwento pero here it goes.

Ortigas Site.

Mahal na araw non. Ang shift ko that time ay 6am-3pm. Hindi ako umuwi ng province kasi alam ko mahihirapan akong umuwi dahil madaming bakasyunista. Kaya I've decided na mag-overnight nalang sa office. Nagtitipid din kasi ako.
        
Nasa 23rd floor yung snoozebox ng mga employees. 5pm ako pumasok sa snoozebox para mag-ayos ng gamit at ng hihigaan. May apat na triple decker bed sa loob ng room na yun. Dun ako pumwesto sa gitna ng isa sa triple decker na bed. Malapit sa wall at malayo sa pintuan. Since occupied na din yung mga nasa baba, syempre pagod ako sa trabaho. Pero di pa ako dalawin ng antok kaya nag-cellphone muna ako saglit. Nang nakaramdam na ako ng antok pumwesto na ako ng paharap sa wall. Nang nakaharap na ako sa wall, biglang may nagsalita sa likod ko.
        
"Ate, ate!"

Napalingon ako, tapos paglingon ko nagulat ako may bata nakalambaras dun sa bed ko at nakatungtong yung paa nya sa may maliit na harang sa bed ko sa gilid. Di ko maaninag ang face nya kasi madilim, gulo-gulo ang buhok nya, maitim sya pero di ko makita yung mukha.

Ako naman itong si ewan, sumagot naman sa mga tanong at tawag nya. "Ate, ate! Nakita mo ba?" sabi ng bata, sagot ko. "Ang alin?" "Yung bola ko... Yung bola ko ate nakita mo ba?" sabi ng bata.
        
Sabi ko "Wala akong nakita. Dun ka na sa mama mo inaantok na ako!" Sumagot yung bata. "Ate yung bola ko nakita mo? Hanap ka ng nanay ko."
        
Nang sinabi nya yun. Bigla akong nakaramdam ng takot. Na-realize ko paano magkakabata sa office eh bawal ang bata dun.

Tapos pinipilit ko siyang talikuran pero ayaw, hindi ako makagalaw. Pinkit ko ang mata ko sabi ko "Lord, gusto ko pong matulog." Nang pagdilat ko wala na sya. Nagtaka din ako bakit o paano makakaakyat yung bata sa 2nd deck ng kama tapos pupuwesto ng ganun eh delikado.
        
Bumaba ako tapos pumunta ako sa guard. Sabi ko sa security "Ate, may nakita ka bang bata na lumabas sa snoozebox, mga 3 to 4 yrs old? Tapos magulo yung buhok at maitim? Sabi ng guard "Wala namang batang dumadaan at bawal ang bata sa snoozebox. Hala Ate, baka nagpakita sayo yung bata na may bola."

Tapos bumalik na ako sa snoozebox pinilit kong matulog kaht natatakot ako tas lagi pa akong nagigising para i-check kung may kasama ako kasi natatakot talaga ako esp kung mag-isa lang ako.
        
2. Yung 22nd floor sa building nun tuwing gabi laging humihinto yung elevator kahit di mo pinindot tas mag-o-overload. Minsan bubukas ang pintuan, mga 5 mins bago magsara kaht pindutin mo ng pindutin yung close button ayaw.

Mckinley West Site.

1. May isa akong officemate na 5am ang shift. Dumating ng maaga sa office para mag-sleep at makapagpahinga bago ang shift. Pagpasok na pagpasok nya sa snoozebox ng babae, bumungad sa kanya yung isang tao na naka-uniform ng police pero walang ulo.

2. Lunch ko. Hindi ako kumakain, mas gusto ko pa ang matulog kasi 'tulog is life' nga para sa aming graveyard shift. Sobrang lamig ng snoozebox madami-dami na din ang tulog buti may isang vacant pa. dun ako pumwesto malapit sa pintuan.
        
Nang nakahiga na ako at nagpapaantok. Yung nasa baba ko grabe maghilik. As in parang barko. Pinilit ko mag-sleep. Maya-maya, nararamdaman ko bakit yung hilik nya parang nasa may tenga ko na, eh di deadma. Tapos kinalaunan yung hilik nya (alam nyo naman yung tunog ng barko diba? parang ganun ang hilik) nag-iba parang may 'aghhhhhh aghhhhh haaaaaahhhhhh' parang humihinga sa tenga ko. Nairita ako tinapik ko yung tenga ko, eh di nawala. Maya-maya ulit ayan na naman. Nagtalukbong na ako ng kumot. Tapos naramdaman ko unti-unti may humihila ng kumot ko sa may bandang kamay. Hinila ko pabalik sakin, tapos may humihila ulit. Nainis na  ako sabi ko "Isa pa ha!" (kasi baka mamaya ginu-goodtime lang ako).
        
Ang ikinatakot ko ay nung sinabi ko na "Isa pa ah! Babalian kita ng buto!" Biglang hinaltak ng malakas yung kumot ko, nahulog pa sa baba. Tapos lahat ng taong tulog, tulog pa rin na parang wala talaga silang alam at himbing na himbing na naghihilik pa.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon