Chapter III (Well)

Start from the beginning
                                    

"Uhh, wala e-eh. Gano'n pa rin." I gulped, hindi ko alam pero parang awang-awa ang tingin nila sa akin and I hate it.

"Hindi kaya iniwan ka na ni Lola Esther mo? Isipin mo 'yon, bigla na lang siya nawala tapos wala man lang clue kung saan siya pwedeng pumunta. Parang pinlano na niya." Natigilan ako sa sinabi ni Kara at napatulala. Siniko siya ni Rosa at pinandilatan.

"S-sorry Daphne. Hindi naman siguro 'no? Hehe. Share ko lang naman nasa isip k-ko." Bawi pa niya.

Naramdaman kong hinawakan ni Rosa ang mga kamay ko. "Daphne 'wag ka Makinig diyan kay Kara. Pasensiya, tanga-tanga lang din talaga 'yan minsan. Hindi 'yon gagawin sa'yo ni Lola Esther 'no? Mahal na mahal ka kaya n'on. Huwag kang mag-alala kung kailangan mo nh tulong nandito lang naman kami, 'wag ka lang mahihiyang magsabi."

Maaliwalas ang mukha ni Rosa at bakas sa mukha ang pakikipag-simpatiya. Ngumiti ako ng malungkot sa kanila. "Salamat." Iyon lang ang nasabi ko dahil hindi ko talaga mahanap ang tamang salita.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako ay hindi matanggal sa isipan ang sinabi ni Kara. May punto nga siya. Ang isa pang nakakapagtaka ay ang iniwang pera ni Lola. Ayaw kong isipin, pero posible kayang iniwan na nga talaga niya ako? Kasi—Oh stop it Daphne. Bakit naman 'yon gagawin ni Lola? Hindi niya magagawa sa akin 'yon. Ano ba naman itong mga naiisip ko?

Natigil ako sa mga iniisip nang marinig ang boses ni Sir. Marshall. "Class, dismissed. Except for you Ms. Benson." 

Binigyan ako ng nagtatakhang tingin ni Rosa na ipinagkibit balikat ko na lang. Tulad nga ng sinabi niya ay nagsi-uwian na ang mga kaklase ko. Ako ang tanging natira sa classroom, kabang-kaba naman ako. Tama ang kutob ko, ako lang yata ang bumagsak sa long quiz namin.

Hindi ko magawang tingnan si Sir. Marshall habang naghihintay kaming dalawa na maubos ang tao sa classroom. Bahagya siyang nakasandal sa table habang nakahalukipkip. Nakasuot siya ng puting polo na nakafold ang manggas hanggang siko at itim na slacks. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya bahagya akong naiilang, hindi ako makali sa kinauupuan ko. Panay din ang sulyap ko sa relos ko kasi baka mahuli ako sa trabahong pinapasukan ko.

"Kumusta ang paghahanap mo sa lola mo?" Pormal ang boses niya kaya bahagya akong nakahinga nang maluwag.

"Wala pa rin pong lead. Gano'n pa rin po, walang progreso." Maliit na boses na sagot ko. Hindi makaapuhap ng tamang salita dahil sa kaba.

I heard him sighed, sandali akong nag-angat ng tingin pero ibinaba ko din agad dahil naiilang talaga ako.

"Daphne, your grades are failing."

Napapikit ako nang mariin bago dahan-dahang muling mag-angat ng tingin kay Sir. Nagulat ako nang bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Bago pa ako makausap ulit ay muli na naman siyang nagsalita.

"Kung ipagpapatuloy mo 'to, there's a possibility na matanggalan ka ng scholarship."

Hindi ko nagawang makasagot. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi ko din alam. Should I tell him the reason? Matutulungan niya ba ako? But by the looks of it hindi. Ayokong makaabala ng ibang tao kaya mas maigi na lang siguro kung sarilinin ko na lang 'to.

"D-distracted lang po. Pasensiya na po Sir. Babawi po a-ako."

"Are you sure? Teacher mo ako. You can open up things with me, I'm willing to help. Is this because of your lola? You're being so distracted, maybe you need counseling?" 

Mariin akong umiling. "Salamat po sa concern Sir. Marshall. Pero ayos lang po talaga ako."

Tumitig siya sa akin sandali na naging dahilan nang lalo kong pagkailang. Akmang may sasabihin pa sana siya nang biglang mag-ring ang phone niya. Sumenyas sa akin na sandali lang at bago pa ako makatango ay nakalabas na siya ng classroom, 'tsaka lang ako nakahinga nang maluwag.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now