1. Introducing myself + First glance

486 16 9
                                    

Let me introduce myself first...

Ako si Ella.

Malamang marami sa inyo ang kilala na ako. Hindi man personally, pero siguro as a writer dito sa Wattpad. After all, marami na rin naman akong nasulat na stories eh. Atsaka, yung ilan sa mga readers ko nakakausap ko na rin at ang tawag nila sakin ay Ate Ella. Bale parang magkakilala na rin talaga kami. (Yes, I’m writing this in my own point of view. As Ella a.k.a. ilovedaydreaming.)

So balik tayo sa pagpapakilala ko sa sarili ko. Ako si Ella. Isang simpleng babae na nag-aaral ng BS Accountancy sa Lyceum of the Philippines University – Batangas.

NBSB ako. Alam ko marami nang nakakaalam niyan. Haha! Proud na proud kaya akong ipagsigawan yan! LOL

Hilig ko ang pagsusulat. Well, di naman masyadong obvious noh? Hehe... I love writing as much as I love reading.

Mahilig din ako manuod ng mga Asianovelas atsaka isa akong certified K-poper. Mahal na mahal ko rin si Mario Maurer. (Nood tayo ng movie niya ha! Sa October 31 na yun! Hihi :”>)

Ano pa ba? Hmm... I guess nasabi ko na lahat ng general informations about sakin.

Ay wait! May kulang pa pala! Haha! Naalala ko nung nagkaron ng activity yung klase namin. Alam nyo ba yung activity na madalas na pinapagawa pag first day of school? Yung may kanya-kanyang papel ang bawat estudyante tapos ipapasa yun sa buong klase at isusulat ng mga kaklase mo yung first impression nila sayo o kaya naman kung matagal na kayong magkakilala, isusulat nila yung pagkakakilala nila sayo.

Bale madalas na ipa-activity yun samin. At natawa ako dun sa isang nakasulat sa papel ko.

“Maraming crush.”

 

May isa pa nga eh.

“Mahilig sa gwapo.”

 

Haha! Tama! Ako na ako yan! Marami talaga akong crush! At karamihan sa mga crush ko ay gwapo! Hihihi :”> Syempre naman! Pipili na nga lang ako ng taong hahangaan, bakit hindi pa yung gwapo, di ba? Haha!

Sobrang dami ko talagang crush. Sabi nga nung isa kong kaibigan, nangongolekta daw ako nun. Haha! Para kasing araw-araw may nakikita akong gwapo kaya araw-araw din may bago akong crush. Haha! Naalala ko pa yung sabi nung isa kong kaklase na lalaki. Sabi niya, kulang daw yata ang buong mundo sa dami ng aking crush. Hahaha! XD

Pero minsan... darating talaga sa buhay natin yung isang tao na magpapabago ng ating pananaw sa mga bagay-bagay.

“Mahilig ako sa gwapo pero bakit siya, hindi naman siya gwapo ah? Bakit crush ko siya?” yan ang lagi kong tanong sa sarili ko.

***

First glance...

Finals na namin sa P.E. noon. First year college ako. Second sem. Modern dance yung finals namin. Wala akong talent sa pagsasayaw. I’m completely aware of that. Parehas kasing kaliwa ang paa ko eh. Haha! Pero syempre, nagta-try pa rin naman ako kahit papano. Kelangan eh. -.-

Andun kami sa isang part ng gymnasium. Nagpa-practice. Sobrang daming tao noon dun sa gym. Halos karamihan ng mga tao dun ay mga estudyanteng nagpa-practice din ng sayaw. Mga ka-batch din siguro namin sila na magfa-finals sa P.E.

Sa tabi ng klase namin ay may isa ring grupo ng mga estudyante na nagsasayaw. Sa pagkakatanda ko, halos puro lalaki sila. Kung di ako nagkakamali, violet pa nga yung suot nila noon eh.

Nakuha nila yung atensyon ko kasi yung isang lalaki sa kanila ay familiar sakin. Pinipilit kong alalahanin kung san ko ba siya unang nakita. Iniisip ko kung schoolmate ko ba siya nung high school o ano. Tinanong ko pa nga yun sa bestfriend ko eh. Pero di naman daw niya kilala yung lalaki. Hindi rin familiar sa kanya at ang alam niya hindi rin namin siya schoolmate nung high school. Weird. Inisip ko na lang kaya siya familiar ay dahil cast siya nung isang musical na pinalabas sa school namin noon. Tama! Siguro dahil nga lang yun dun!

Anyways, saglit lang naman akong napatingin dun sa lalaking iyon. Mas naging interesado kasi ako dun sa isa pa niyang ka-grupo. (Tama ba yung term? Interesado agad? Agad-agad? Haha!) Hindi ko alam kung bakit? Mas gwapo naman yung lalaking familiar sakin na mas una kong napansin kaysa dun sa isa, pero mas nakuha talaga nung pangalawang lalaki ang atensyon ko.

Bale sa pagmamasid ko, napansin ko na siya yung leader ng grupo. Siya kasi yung nasa unahan tapos nagli-lead sa pagsasayaw. (Baka naman naglilider-lideran lang? Haha!) Siguro yun yung one thing na nakapagpa-attract sa akin sa kanya. (Huh? Nakapagpa-attract sa akin sa kanya? Tama ba construction ng sentence ko? Okay. Nababaliw na ako dito. Harhar!)

Hindi ko sinasadyang matitigan siya pero ewan ko ba! Hindi ko talaga maalis ang mga mata ko sa kanya.  Hindi ko maintindihan kung anong nangyari pero binalewala ko na lang yun. Basta ang alam ko lang nung time na yun ay hindi siya gwapo kaya imposible ko siyang maging crush.

Pero... imposible nga ba?

***

 ilovedaydreaming's note:

okay! so yes, medyo true to life story po ito. medyo lang naman. i will still do some revisions kung kinakailangan. atsaka ung ibang names ng mga taong involve dito, siguro iibahin ko. hehe.. baka kasi mabuking ako eh! haha!

so this will be like my online diary. haha! wala lang! trip ko lang isulat dito ung mga things na nangyari at mangyayari pa lang sa buhay ko. hehe ^^ at dahil isa tong diary, asahan niu ng more on narration ito. konti lang ang salitaan. 

hindi ko alam kung magugustuhan niu to. pero naisip ko kasi, through this mas makilala niu pa ako. i guess that's a good thing, right?

atsaka para na rin to sa mga friendships ko na curious na curious sa LOVELIFE ko! haha! ehem! reina at trisha! hahahaha! (LOL! may lovelife nga ba ako? haha!) 

i'm sure pag nabasa to ng PAG-IBIG friends, matatawa sila dito. hehe ^^ sila kasi ang kasama ko sa mga kalukahan ko dito eh! haha! hi chenes, tintin, at leanne! haha! :)))

so ayun! thank you thank you so much sa mga magbabasa nito! saranghaeyo! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUHAY-EXTRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon